Chapter 23

192 4 0
                                        

Chapter 23

Untamed Butterfly

Sapphire

5:30 am ang call time na napag usapan na oras ng alis, kaya 5 am pa lang ng madaling araw ay nasa tapat na ako ng DeAntonio. Sobrang excited ako, na halos hindi na ako nakatulog kagabi. Iniisip ko kung anong mga daratnan namin doon, at ano nga ba ang meron sa team building. Nandirito na rin ang apat na shuttle bus na sasakyan namin, grabe! Para akong bata na sasama sa fieldtrip sa dami ng baon kong pagkain, may gamot pa ako sa hilo, may pangpahid para sa sakit ng tyan, at may dala rin akong first aid kit. Lahat ng iyan ay paalala ni nanay na huwag kong kakalimutang dalhin. Panay pa ang bilin nito na magingat ako at huwag daw hihiwalay sa grupo. Haay, ang nanay ko, akala niya ay elementary lang ako.

Hindi nagtagal ay isa isa na ring nagdatingan ang mga empleyadong kasama sa byahe, kani kaniyang pwesto na ng upuan sa loob ng bus, meron namang naka assign na mga upuan kaya hindi naman nagkakagulo. Syempre, katabi ko si Chari, si Sir Chrissy naman at si Sir Jed kahit na pareho namang may kani kaniyang kotse ay mas gustong sumakay sa bus, kaya mas masaya ang magiging byahe namin. Dalawa hanggang tatlong oras ang byahe, o depende pa raw iyon sa daloy ng traffic. Pero wala naman iyong problema sa akin, dahil sa totoo lang ay gustong gusto ko ang bumabyahe, naaaliw ako sa mga tanawing nadadaanan ng sinasakyan ko, kahit pa puro kabahayan lang, o puro sasakyan lang ang nakikita ko. Lalo pa kaya kung papuntang probinsya ang byahe ko, mas lalong nakakaaliw yun.

"Sapphy, alam mo ba kung kasabay natin si Boss? Or kung mauuna na siya sa venue?" tanong ni Sir Jed, na naka pink floral hawaiian shirt, at kahit madilim pa ay nakasuot na ng sunglasses.

"Ah, ang sabi po niya ay kasabay natin siyang papunta dun, Sir Jed.." iyon ang sabi niya sa akin kahapon. "Sabay sabay tayong pupunta sa venue" yun ang sabi niya eh.

"Oh..okay, hindi naman siguro siya magp-private chopper ano?" natatawang tanong nito. Aba, yun ang hindi ko alam, malamang naman ay hindi ito sasakay sa bus, baka naka auto naman siya.

"5:45 na, hindi pa ba tayo aalis?" Inip na tanong naman ni Sir Chrissy. Dahil ako naman ang naka assign sa pag check ng attendance per bus, ay isa isa ko muna inakyat ang mga ito para masiguradong kompleto na.

"Wala pa si Boss, at si Mam Geanna, Sir Chrissy eh, sila na lang ang hinihintay.." umikot ang mata nito at nagpaypay ng kamay.

"Haay..ang mga Boss nga naman.." tumayo ito at sinabing bababa muna siya habang naghihintay.

"Oh, heto na pala si Geanna," narinig kong sabi nito, bumaba na rin ako at sinilip ang dumating.

May dala palang kotse si Mam Geanna, at teka? Si Marco ang driver niya? Panong nangyari eh bodyguard ni Mr. DeAntonio ang lalaking yun? Napa wow ako ng makitang bumaba si Mam Geanna at napansin ang outfit nitong white mini dress boho design, naku! Pagkaganda gandang babae talaga nito. Ang hahaba ng mga legs, at ang kinis pa ng balat. Kahit sinong lalaki ay maiinlove talaga sa kanya sa unang kita palang. Bumaba rin ng sasakyan si Marco, at sumandal sa pintuan nito. Simpleng puting v neck tshirt lang ang suot nito ngayon na hapit sa kanyang mga muscles at tinernuhan iyon ng maong at puting rubber shoes, aba! Ganito pala ang itsura niya kapag hindi naka pormal ng suot, hindi gaya ng suit na madalas nitong suot kapag nagpupunta ito sa DeAntonio.Gwapings rin itong si Marco, kung hindi lang sana masama kung tumingin, at ngayon ko lang nalaman na meron pala itong malaking tattoo sa kanyang braso, maganda naman ang itsura noon, at hindi naman pangit sa paningin. Sa itsura nito, ay parang bagay tuloy siyang boyfriend ni Mam Geanna, uhmm..malay natin.

Nagtaka pa ako ng nagkaingayan ang mga tao sa labas, at pare parehong nakatingin sa isa pang kotse na kakahinto lamang. Napakaganda  nang itim na kotse at nasa uso ang itsura, sino naman kaya ito. Nang bumukas ang pinto ay napigil ko ang hininga ko. Ave Maria! Kay sarap na almusal! Isang fresh na fresh, at gwapong gwapo na Mr. DeAntonio ang lumabas mula sa kotse. Animo slow motion ang paglakad nito papunta kay Marco at tinapik ito sa balikat, bago naglakad patungo sa kinaroroonan ko. Hindi ito nakangiti, gaya ng araw araw na poker face nito, pero mukhang hindi rin naman mainit ang ulo. Habang papalapit siya ay hindi ko magawang iiwas ang tingin ko sa kanya. Nabibighani ako sa kakisigan ng lalaking ito. Simpleng black na  button up shirt lang ang suot niya, na tinernuhan ng grey pants at Gucci na sapatos. Hindi ko na tinagalan ang tingin sa kanyang sapatos dahil nasisilaw ako sa tatak, ibinalik ko ang tingin ko sa kanyang nagliliwanag na mukha. Diyos ko Lord! Bakit naman ang gwapo ng boss kong ito.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon