Chapter 46
Untamed Butterfly
Sapphire
"Uhmm..coordination meeting, check..monthly inventory of supply, check.." kasalukuyan kong pinapasadahan ang to do list ko habang nakatalikod sa pinto, ng may maramdamang malamig na kamay sa aking batok.
"Ay! Diyos Mio, Marimar!" napahawak ako sa aking dibdib at agad na humarap sa gawing pinto ng aking opisina.
"S-Sir? G-Gio?" gulat akong nakatitig ngayon sa nakangiting si Mr. DeAntonio. Tatlong araw na itong hindi pumapasok, nag advice lamang siya na kailangan niyang magpahinga matapos ang kanyang aksidente. Pakiramdam ko ay ang tagal ko siyang hindi nakita. Sa tatlong araw na wala siya ay si Mam Geanna ang tumayong OIC, at pababa na sana ako sa kanyang opisina para ibigay rito ang to do list, ng dumating si Mr. DeAntonio.
"Ofcourse it's me..who else would it be?" bigla ay sinugod ko ito ng yakap, na ikinabigla yata nito. At ikinabigla ko rin yata! Ano bang nangyayari sakin?
"O-Oh..I didn't expect you'll miss me that much..huh?" Hala ka! Sapi! Anong ginagawa mo? Nakakahiya! Nang matauhan sa aking ikinilos ay agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
"S-Sorry! N-Naku! H-hindi ko sinasadya!" Agad akong humingi ng paumanhin sa kanya, pero bago pa ako nakalayo ay muli ako nitong hinila pabalik sa kanyang katawan, at mahigpit na niyakap.
"I missed you.." Dinig ko ang pagtibok ng kanyang puso, habang naka dantay ang isa kong kamay sa kanyang dibdib. Huminga na lamang ako ng malalim at sinamyo ang amoy niyang ilang araw ko ring na miss. Pwede bang ganito na lang kami palagi?
"Let me see.." bahagya itong lumayo, at sinipat ako mula ulo hanggang paa. Nahihiya namang ibinaba ko ang aking tingin sa sahig na tiles.
"Still beautiful.." at ngumiti ito. Iyon bang ngiti na mararamdaman mong masaya siya.
------
Mula ng pumasok sa kanyang opisina at ipagtimpla ko ito ng kape, ay hindi pa siya lumalabas, o tumawag man lang. Marami rin kasi itong kailangan ireview sa mga reports at activities na hindi niya nagawa sa loob ng tatlong araw na wala siya. Sinulyapan ko ang orasan. 1:30 na ng tanghali, at hindi pa ito kumakain. Ako naman ay nakakain na rin ng tanghalian. Napaisip ako. Nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko siya para tanungin kung gusto ba niyang ibili ko siya ng pagkain. Uhmm..obvious naman na inaalala mo siya, kung tatanungin ko pa siya. Eh kung bumili na lang ako at ibigay sa kanya ang pagkain? Naku! Sapi-Shhh! Quite ka lang, huwag ka ng kumontra! Saway ko sa isip ko.
Dahil sigurado naman ako na hindi ito tatawag sa telepono, ay mabilis na lang akong bumaba sa cafeteria para ibili siya ng pagkain. Pero ng makita ko ang dami ng mga nakahain, ay parang bigl naman yatang sumakit ang ulo ko. Alin naman dito ang bibilhin ko? Eh ni hindi ko nga alam kung anong binibili niya tuwing dito siya kumakain, pero base sa narinig kong sabi noon ni Mam Geanna, ay hindi naman ito halos kumakain sa Cafeteria, nagulat pa nga siya ng makita niya itong bumili ng pagkain dito, at naki table pa sa amin. Tila nagliwanag naman ang bombilya sa isip ko ng makita ko si Kuya Larry.
"Kuya Larry!" tawag ko rito, na eksaktong kakarating lang mula sa labas.
"Yes, Sapphire, kakain ka uli?" biro nito.
"Hindi Kuya, si Boss po eh, hindi pa kumakain, bibilhan ko sana.." Sagot ko, na sadyang iniiwas ang tingin mula sa kanya.
"Uhmm..eh hindi naman madalas kumakain si Boss dito, pero teka..sa.ilang beses na kumain siya rito, ay itong salad ang lagi niyang kinakain, at nitong huli, yung magkakasabay kayong kumain ay itong pasta naman.." napangiti ako. Mabuti na lang at matandain itong si Kuya Larry.
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomanceUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...