Chapter 9

115 2 0
                                    

Chapter 9

Untamed Butterfly

Sapphire

Maaga akong pumasok para kuhanin ang ibang gamit ko sa opisina namin ni Sir Chris, alam na rin naman nito na pansamantala akong ililipat sa 25th floor. Nagkausap na raw sila ni Mr. DeAntonio, at wala naman daw problema sa kanya, dahil kaya naman daw niya kahit siya lang mag isa, nag hire na rin naman daw ito ng dalawang additional staffs. Matapos kung ipunin ang mga gamit ko sa isang maliit na kahon, ay naglinis pa ako ng kaunti sa opisina, para naman maayos pa rin niya itong madatnan.

Kasalukuyan akong nagpapagpag ng alikabok sa mga frame ng dumating itong malungkot.

"Good Morning Sir!" masayang bati ko, pero tumango lamang ito at naupo na sa kanyang desk. Ipinagpatuloy ko lang ang paglilinis. Maya maya pa ay nagsalita ito.

"It's already 7:30, bakit hindi ka pa umakyat sa taas, sigurado akong nandoon na si Boss..maagang dumarating yun.." seryosong sabi nito ng hindi ako tinitingnan.

"Okay lang po Sir, patapos na rin naman na po akong maglinis.." ngumiti ako sa kanya kahit hindi siya nakatingin sa akin.

"Mamimiss kitang nakaupo dyan sa sulok.." muli akong napatingin sa sinabi niyang iyon. This time, nakatingin na rin siya sa akin. Oh. Ang gwapo ni Sir Chris kapag hindi ako sinusungitan. Well. Mabait naman ito, pero kapag taranta na ito sa dami ng pending na dapat gawin ay hindi naiiwasang magsungit.

"K-kayo rin Sir, ma mimiss ko po.." naluluha tuloy ako. Alam ko naman na pansamantala lang akong mawawala dito sa office niya, pero mamimiss ko rin ang presensya niya, pati ang paglibre niya ng lunch sa akin, sa twing hindi ako nakakalabas ng office dahil may kailangan tapusin. Maswerte ang magiging girlfriend nito, o kung may girlfriend na siya, ay talaga namang swerte dahil maalalahanin ito, at matalino pa.

Huminga ito ng malalim at tumayo upang lumapit sa akin. Kahit naman sanay na ako na nagkakalapit kami, lalo na dito sa opisina ay nakaramdam ako ng pagkailang sa titig niyang iyon. Seryoso itong lumapit sa akin, at niyakap ako ng mahigpit. Sa pagkabigla ko naman ay hindi ako agad nakagalaw. Ganito ba talaga siya kalungkot sa paglipat ko? May pagyakap talaga?

Hindi naman nagtagal ang yakap na iyon dahil agad din itong kumalas, at muli akong tinitigan, na muli ko namang ikinailang. Pinasadahan nito ng tingin ang mukha ko, bago nito hinawakan ng dalawang kamay niya. Oh my God! Ano bang problema mo Sir Chris? Bakit ka nagkakaganyan? Pakiramdam ko ay pulang pula na ang mukha ko, napakalapit na ng mukha niya sa akin, at lalo pa nitong inilalapit. Diyos ko po! Hahalikan niya yata ako..wala na akong nagawa kundi ang pumikit na lamang, at hintayin ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Pero ilang segundo na ang lumipas ay wala namang halik na nangyari.

"Matagal na akong naiirita sa kilay mo eh,"       A-ano daw? Agad akong napadilat sa narinig na sinabi nito.

"A-Ano po?" baka mali ako ng narinig.

"Yung kilay mo, nakakairita, sabog sabog.." Yung kilay ko?

"Yung kilay ko S-Sir?" alanganing tanong ko rito. Maya maya pa ay namewang ito, at bumuntong hininga.

"Sapphire bingi ka ba? Inuulit mo lang yung sinasabi ko eh, ano gusto mo bang ahitan muna kita bago ka umakyat kay Boss?" tuluyan ng napakunot ang noo ko sa sinabi nito.

"S-Sir Chris?" takang tanong ko rito.

"Haay..Sapphire..napaka inosente mo talaga..hindi ba obvious sayo? Yes. I'm gay.." umirap ito at muling naglakad patungo sa kanyang desk. Ako naman ay napatakip ng bibig.

"T-totoo po pala.." Tama. Confirmed na ngayon, totoo ang tsismis sa kanya.

"Yes, at hindi ko naman iyon tinatago. Maingat lang ako sa mga kilos ko.." Umirap pa ito tsaka nagtungo sa maliit naming pantry at nagtimpla ng kape. Sumunod naman ako rito.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon