Chapter 34

167 4 0
                                        

Chapter 34

Untamed Butterfly

Sapphire

"Good Morning, Mam Sapphire, may package po si Boss, pwede pong pakisabay na sa taas? Maliit lang naman po ito.." nakangiting bungad ng receptionist na si Bel.

"Oo naman Bel, akin na at isasabay ko na.." iniabot nito ang isang cute na kahon, kasing laki ito ng box ng cake. Birthday niya ba? Para kasi itong birthday gift, may greeting card pa na may nakasulat na "enjoy". Parang wala namang laman iyon sa loob, dahil magaan lang, pinigilan ko na lamang ang sarili kong alugin iyon, baka kasi importante at masira ang laman. Ito pa naman ang unang araw ko bilang opisyal na personal assistant ni Mr. DeAntonio. Sa totoo lang ay hindi ko pa rin lubos maisip ang bilis ng pangyayari, marami rin akong tanong sa isip ko, gaya ng, mas marami namang mas karapatdapat at pwedeng ipalit kay Rachel, yun bang ilang taon ng naninilbihan sa kumpanya. At ang desisyon niya bang ito, ay nangangahulugan lang, na hinding hindi na ako makakaayaw? O para tuluyan na niya akong masingil sa pagkakautang ko? Haay! Sa tingin ko, sa ngayon ay kailangan ko munang gampanan ng mabuti ang trabaho ko, siguro naman, kung pagbubutihan ko ay wala namang magiging problema, hindi ba? Ayoko rin naman na maisip niyang nagkamali siya sa desisyon niya, at kahit naman hindi ko pa rin mailugar ang sarili ko sa posisyong ito, ayoko rin naman na mapahiya ito ng dahil sakin.

Maingat kong ipinatong ang box sa aking mesa, maaga pa, kaya alam kong wala pa ito sa kanyang opisina. Binuksan ko ang aking pc at nagsimula ng mag check ng mga daily reports, email at kung ano ano pa. Pagkatpos noon ay ipinrint ko na lahat ng mga upcoming designs para sa rainy season, tama. Kakaumpisa pa lamang ng summer, pero heto at di na kaagad magkandang humayaw ang mga designs para sa tag ulan. Matapos noon ay mga events, at invitations naman ang inatupag ko, sa araw araw na ginawa ng Diyos, ay dagsa rin ang mga imbitasyon sa kanya, mayroong mga fashion shows, company blessings o anniversary, pati mga charitable cause. Ang ilan doon ay halos taon taon niyang pinupuntahan, kaya naman taon taon din siyang iniimbitahan. Matapos kong pagsunod sunurin ang mga cards ay pinagpatong patong ko na ang mga iyon para kapag dumating siya ay maibigay ko na ring lahat.

Isang oras na itong late bago dumating. Binati ko ito ng dumaan sa labas ng opisina, ngunit hindi man lang lumingon. Mukhang bad mood? Goodluck sa maghapon mo Sapphire. Nagpalipas ako ng ilang minuto bago sumunod rito. Binuhat ko na ang kahon kung saan nakapatong rin ang mga papel na inihanda ko kanina, at dumeretso ng pumindot sa ka intercom.

Nang bumukas ito ay maingat akong naglakad patungo sa kanyang mesa. Malayo pa lang ako ay halatang wala nga ito sa mood, naka kunot ang noo, at nanlalalim ang mga mata. Napapansin ko na kahapon pa siya ganito. Nag aalinlangan tuloy akong istorbohin ito, actually wala naman siyang ginagawa, kundi nakaupo lang sa kanyang trono, at gumagamit ng cellphone.

"G-Goodmorning Sir, may dumating kayong package sa counter, sinabay ko na dahil baka importante," maingat kong ipinatong ang kahon pagkatapos ay dinampot ko naman ang mga papel at invitations. Hinintay kong tingnan ako nito pero nanatili sa telepono pansin nito.

"Eherm.." sinadya kong lakasan iyon para maagaw ang atensyon nito. Na nagtagumpay naman, iyon nga lang ay parang inis itong bumaling sa akin. Dahilan para bigla naman akong kabahan.

"What happen to your phone? I was trying to call you, to inform you I'll be late, but unfortunately, it was off, or no signal, out of coverage area.." walang kangiti ngiting tanong nito. Agad kong dinukot mula sa bulsa ng skirt ko ang aking cellphone. Nakapatay nga! Pero hindi ko naman iyon ini off, full charge din naman iyon kaninang umalis ako? Sinubukan kong buksan iyon, pero ayaw, sinimplehan kong alugin iyon ng kaunti, bumukas na.

"Ah..kasi-"

"Never mind, may dumating bang importanteng documents?" putol nito sa sasabihin ko.

"Ah, puro invatations lang ang dumating, Sir..heto po lahat..ipinrint ko na rin po ang lahat ng designs na isinend ng design department.." inisang hakbang ko lang para makalapit sa mesa niya, pagkatapos ay agad ring bumalik sa kinatatayuan ko. Inisa isa naman nitong tingnan ang mga papel.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon