Chapter 38
Untamed Butterfly
Sapphire
Mahigit isang oras din ang itinakbo namin bago narating ang tila isang liblib na lugar, madilim na kasi kaya hindi ko mawari kung nasaang parte na kami ng Pilipinas. Inayos ko ang pagkakaupo ko ng makitang iniliko nito ang sasakyan sa tila isang mahaba at makipot na daan, pero ang magkabilang gilid ay may mataas na bakod na semento. Mga limang minuto pa bago marating ang dulo nito na nahaharangan ng isang napakalaking gate na bakal, tulad ng kahoy na pinto ng kanyang opisina, mayroon din itong malalaking letra na initials ng kanyang buong pangalan. GDA. Nang maipasok nito ang kanyang sasakyan ay agad kong nilingon ang gate, syempre, kung kusang bumukas, siguro ay kusa rin itong sasara hind ba? At tama nga ako, kusa iyong sumara. Wow! Iba talaga kapag mayaman.
Inihinto nito ang kanyang sasakyan sa tapat ng isang magarang bahay na napapalibutan ng mga salaming dingding, mula sa labas ay kitang kita ko na kung gaano ito kaganda. Paanonpa kaya sa loob?"Wait..I'll open the door for you.." narinig kong sabi nito bago binuksan ang pinto at bumaba. Mabilis itong umikot sa gawi ko upang pagbuksan ako. Naiilang man, pero tinanggap ko na rin ang kamay nitong nakalahad para maalalayan ako sa pagbaba. Malamig na simoy ng hangin at agad na dumampi sa nanlalamig ko pang balat mula sa aircon ng sasakyan, kaya pinagsalikop ko ang aking dalawang braso sa aking dibdib.
May iilang baitang bago marating ang malaking pinto ng bahay. Agad nito iyong binuksan, at naunang pumasok sa loob. Hinintay ako nitong makapasok bago niya ito muling isinara. Napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ang loob ng bahay. Napakaluwag ng espasyo nito at sobrang taas ng kisame, may kadiliman nga lang ang tema sa kulay na grey at black, pero sa kabuuan, ay sobrang ganda."Come..I'll show you where you can wash and dry clean your clothes.." sabi nito na saglit akong nilingon at nagpatuloy sa paglakad, sumunod naman ako sa kanya habang nakanganga at namamanghang inililibot ang mga mata sa kabuuan ng bahay. Mula sa unang palapag ay umakyat kami sa pangalawa. Ganun din ang ganda nito sa second floor, malawak ang lalakaran mo, at gaya sa ibaba ay mayroon rin itong sala, marami ring nagkasabit na kung ano anong painting sa mga dingding, at mga modernong furniture naman sa bawat sulok. Sa kanya ba itong bahay? Bakit parang wala namang nakatira dito, pero sobrang linis naman at nasa ayos ang lahat?
"You can stay here while waiting for your clothes to dry..you can wear anything in the closet, I'll show you how to use this.." pumasok ito sa isa pang kwarto at doon ay tinapik ang isang automatic washing machine, lumapit ako para maitindihan ang itinuturo nito, matapos ang ilang beses na paulit ulit kong tanong ay lumabas na ito ng kwarto.
Nang maisara nito ang pinto ay tinungo ko na ang closet na tinuro nito kanina, pero ng buksan ko iyon ay wala naman akong mapapakinabangan, dahil puro tshirt at boxer shorts lang naman ang nandito, at puro pang lalaki pa. Ayoko ngang gayahin yung mga babae sa mga nababasa at napapanood ko na tshirt lang ang mga suot. Sinubukan ko pang magkalkal sa malaking tokador, at ilang sandali pa ay nakahanap naman ako ng roba. Okay na siguro ito, may tali naman. Hinubad ko na ang dress na suot ko, pero bago ko iyon inilagay sa loob ng washing machine ay inalala ko muna uli ang instructions niya. Habang hinihintay ang nakasalang damit ay sinamantala ko na ring maghilamos at alisin ang makeup ko. Inilugay ko na rin ang kaninang basa kong buhok, para normal na lang ang istura ko. Nakapag hugas na rin ako ng paa kong marumi, at nakigamit na rin ng malaking tsinelas na pangbahay. Mabuti na lamang at sa loob kang ng trenta minuto ay malinis, tuyo, at mabangong mabango na uli ang damit ko, mabilis akong nagbihis at ini-hanger ko muna ang roba na ginamit ko, bago ako lumabas ng kwarto. Maingat kong tinahak ang daan pabalik sa hagdan, habang isa isa pa ring inaagaw ng mga nadadaanan ko ang atensyon ko, hindi pala painting ang mga nasa dingding, kundi sketches, at hindi lang basta sketches, parang sketches iyon ng mga damit, ganito kasi ang madalas kong makita sa mga ipinapasa at pinapa approve ng mga designers kay Mr. DeAntonio. Kanino kayang mga designs ang mga ito? May iba pang frames, pero mukhang hindi naman ito gawa ng professional, parang drawing pa nga ng isang bata. Sino kaya ang may gawa ng mga ito?
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
RomanceUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...