Chapter 62
Untamed Butterfly
Giovanni
"Oh! Gio! Angelina! I miss you so much.." Mangiyak ngiyak na salubong ni Mommy sa amin ni Angelina. Patakbo namang yumakap dito si Angelina.
"Lola! Namiss po kita!" Nakangiting pinagmasdan ko ang dalawa. Napakasaya sa pakiramdam na makitang buo na ang aking pamilya. Pero alam kong hindi pa rin ako masaya. Pakiramdam ko ay kulang pa rin ako, dahil nawawala pa rin ang kabiyak ng puso ko. Kaya hindi ko pa rin lubusang maramdaman na masaya ako.
"How are you doing here, Mi? Yaya Carmen?" Ngumiti ako kay Yayama Carmen, napag pasyahan kong kunin itong muli bilang taga pag alaga naman ni Mommy, since nag iisa naman ito sa buhay, at wala ng pamilya. Labis ang saya nito ng alukin ko siyang sumama sa amin.
"Aba'y maayos naman, iho..may mga minsan laang na inaaway ako nitong iyong lola.." natatawang sagot naman nito. Mabilis na dumako ang tingin ko kay Mommy.
"No! Hindi ko siya inaaway, ang sabi ko kasi sa kanya, hanapin niya si Mariposa, at papasukin dito sa loob.." bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang sinabi nito, ofcourse I'm not sure if what she had said was true, pero hindi ko maiwasang mapa isip. Nagtatanong ang mga matang sinulyapan ko si Yaya Carmen.
"Aba'y meron kasing maganda pero makulit na babaeng umaakyat sa puno, malapit diyan sa bakod at nangunguha ng mangga, ang sinasabi ng lola mo ay si Mariposa raw iyon, aba'y minsang nahuli kong nasa puno ay tinanong ko ang pangalan ay hindi naman daw Mariposa ang pangalan niya.." nilingon nito si Mommy
"I'm telling you, she is Mariposa! I know her! Her face. Her hair..you got to find her, iho!" Hindi ako makapaniwala sa sinasabing iyon ni Mommy. Pero imposible, malayo na ang lugar na ito para makadating dito si Sapphire.
"Y-Yaya, what does she looks like?" kinakabahang tanong ko rito.
"Mahabang ang buhok, siguro ay hanggang bewang iyon, medyo tisay ang hitsura, maganda sana, pero makulit at panay ang sigaw.." Hindi. Imposible yun. Pero sa tagal ng nawawala ni Sapphire, maaaring mahaba na nga ang buhok nito.
"B-Baka si Ate Sapphire nga iyon kuya?" Hindi makapaniwalang sambit ni Angelina.
Tisay. Oo, may pagka tisay nga ito. Oh God! Magtatanong pa sana ako ng bigla namang nag vibrate ang telepono ko sa bulsa.
"Magkita tayo sa coffee shop." Sa wakas ay muling nag paramdama ang taong nagsabing alam niya kung nasaan si Sapphire. Halos isang linggo ko na itong sinusubukang tawagan, dahil hindi ito sumasagot sa mga text ko. Mabilis kong nireply ng text nito. Matapos magkasundo sa lugar at oras ay ibinilin ko na si Angelina kay Yaya Camen, at binigyan na rin ng instruction ang mga guard para sa kaligtasan nila, ay agad na akong nagpaalam na babalik ng muli sa maynila para kitain ang taong iyon. Nawala na sa isip ko ang tungkol sa sinasabi nilang si Mariposa, at nagmamadali na akong umalis.
----------------
Hindi ko mapigil ang sariling mainip habang naghihintay sa labas ng isang coffee shop. Hindi ko na rin inisip kung nagsasabi ba ng totoo ang taong ito, ang alam ko lang, basta't tungkol kay Sapphire ay handa akong sumugal, at wala akong palalagpasing pagkakataon para muli siyang makita.
"Where is he? Darating pa ba yun?" Inip na ring tanong ni Marco.
"I don't know, but I'm willing to wait.." He looked at me with disbelief.
"Sa tingin mo, alam talaga ng taong ito, kung nasaan si Sapphire, Gio?" Sumandal ako sa aking upuan.
"Nagsasabi man siya ng totoo, o hindi, ang mahalaga ay sinubukan ko.." Naramdaman ko ang pag vibrate ng telepono sa aking bulsa.
BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
Roman d'amourUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...
