Chapter 17

120 2 0
                                    

Chapter 17

Untamed Butterfly

Sapphire

Isang linggo matapos ang mini fashion show ng DeAntonio, ay balik na sa normal ang lahat. At isang linggo na lang rin at babalik na si Rachel sa trabaho. Aaminin ko, may lungkot akong nararamdaman, pero hindi ko sigurado kung bakit. Kung ito ba ay dahil nagiging maayos na ang samahan namin ni Mr. DeAntonio? Hindi na kasi ito masyadong nagsusungit sa akin, hindi na rin ito parang kidlat kung mag utos. O kung ito ba ay dahil, napapalapit na ako ng husto sa kanya dahil sa pagbabago ng pakikisama niya sa akin? Hindi ko naman binibigyan ng malisya ang mga ikinikilos niya, at hindi rin naman ako nagbibigay ng motibo para maging mabait siya sa akin. Iniyuko ko ang ulo ko sa aking desk. Haay! Isang linggo na lang at madalang mo na lang siyang makikita. Haay, nakakainis! Bakit ba ako nakakaramdam ng pagka lungkot?

Natigilan ako sa pag iisip ng marinig na paparating na mula sa kanyang lunch out si Mr. DeAntonio, habang papalapit ay naririnig ko na may kausap ito, may kalakasan ang boses ng kausap nito, at mukhang lalaki rin.

Nakatingkayad akong naglakad palapit sa salaming dingding ng opisina, at tinanaw ang mga paparating. Nang unti unting luminaw sa paningin ko ang mukha ng kasamang lalaki ni Mr. DeAntonio, ay napatulala ako. Si Mr. Ivo? Anong ginagawa niya dito? Bakit kasama niya si Mr. DeAntonio? Hala! Ba-baka nagkaproblema uli iyong sasakyan, at nalaman niyang dito ako nagtratrabaho kaya kinakausap niya ito? Diyos ko! Hindi ko malaman kung ano ang gagawin, o kung saan magtatago. Hindi niya ako pwede makita, baka hingian niya ako uli ng pera? Naku wala na akong maibibigay.

Sa sobrang kaba at pag aalala ay dali dali akong nagtago sa ilalim ng desk. Hihintayin ko munang makapasok sila bago ako lalabas dito. Akala mo ay nasa isang horror movie ako dahil sa takot na mahuli. Kakaba kabang tahimik akong naghintay na makalagpas ang mga yabag ng mga ito.

"Where is she?!" napapikit pa ako ng marinig ang boses ni Mr. Ivo, na malamang ay ako ang hinahanap. Hinahanap niya talaga ako? Ako yata talaga ang pakay niya.

"Maybe she's on the 20th, later you will see her.." narinig ko namang sagot ni Mr. DeAntonio, mayamaya pa ay narinig ko na ring bumukas ang pinto ng kanyang opisina, tanda na nakapasok na ang mga ito.

Ano nang gagawin ko ngayon? Makikita pa rin niya ako kapag lumabas siya. Bakit ba kasi nandito siya? Kinakabahan na gumapang na ako palabas sa ilalim ng mesa, at nang mailitaw ko na ang ulo ko, ay siya namang paglitaw rin ng isang pares ng magagarang sapatos sa harapan ko. Dahandahan akong tiningala ang taong nagmamay ari niyon.

"Si-Sir, nakabalik na po pala kayo? M-may kailangan po ba kayo?" pasimple kong tanong dito..

"What are you doing under the table? Are you playing hide and seek now Ms.Adriano?" takang tanong nito, at inilahad nito ang kanyang palad para alalayan akong makatayo. Naku! Kung hindi lang ako kinakabahan ngayon, siguro ay kinilig na naman ako.

"Yu-yung ballpen ko po kasi nalaglag po, hindi ko makita sa ilalim.." palusot ko naman at bahagyang inayos ang aking skirt.

"You're ballpen is here, Ms. Adriano.." kinuha nito ang ballpen na nakapatong mismo sa desk ko, at iwinagayway sa harap ko.

"Ah..!ah! Naku! Akala ko nalaglag! Nandyan ka lang pala!" kinuha ko sa kamay nito ang ballpen at kunwari ay iiling iling na sinipat ito. Binalewala naman ito ni Mr. DeAntonio at nagsalita.

"I need you to make two cups of coffee.." utos nito. Kunwari ay takang napatingin pa ako sa kanya.

"Two?" pagtitiyak ko.

"Yes, I have a visitor in the offi-" naputol ang sasabihin nito ng biglang lumitaw mula sa pintuan ang walang iba kundi si Mr. Ivo. Ave maria!

"Gio, are you sure you don't want to go out for a coffee?" habang hindi pa ako napapansin ni Mr. Ivo ay nagmamadali akong bumalik sa ilalim ng mesa para magtago.

Untamed Butterfly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon