" Pangit ang jeje parang manang! "
Sabi nila .Tanggap ko, ako ang uri ng babaeng hindi marunong manamit at mag-ayos. Ang mahalaga pinagbubutihan ko ang pag-aaral ko.
Bago ako tumungtong sa paaralang ito, naranasan ko ang insultuhin at pagtawanan ang mukha ko.Okay lang sakin sanay narin naman ako.Hindi ko magawang pumatol dahil nga wala naman ako mapapala.
Ang akala ko wala akong mapupusuang lalaki dito ngunit nagkamali ako.Ang gwapo naman kasi tapos famous sa campus, kilalang magaling bilang isang basketball player.
Dahil sa kagwapohang taglay niya palagi ko siyang tinititigan.Ang dami lang talagang naiinis sa mukha ko at ayaw nilang nakikita ako sa harapan nila.Hindi ako mahilig makipag-away kaya kahit naapakan na ang boung pagkatao ko ay tila wala akong pakealam.
" Ewww seryuso ka girl? Ang akala mo ba papansinin ka ng isang QUERZONER? "
" Papansin b*tch! "
" Nakakadering babae kala mo maganda! "
" Nerd na nga jeje pa! Nakakaderi iyong face mo! "
Yumuko ako at hindi pinansin ang mga masasamang komento nila.Minsan naapektuhan ako peru minsan nasasanay na.
Paano ako irerespito ng mga kapwa ko studyante? Paano ako magkakaroon ng maraming kaibigan? Pwede ba iyon?
Hayss bahala na!
" Wahhhhh ang gwapo mo KENZO! "
" Omg grabe talaga ang isang QERZUNER! "
" Beh mahihimatay na ako sa kilig! "
Narinig ko ang mga tilian ng mga studyante kaya napatakbo ako ng marinig ang pangalang Kenzo.
" Tabi! " Nagmamadaling kong sambit dahil gusto kong makita Si Kenzo Qerzuner.Hawak ko ang love letter na ibibigay ko.Bahala na kahit kahihiyan pa ito.Eh kase first time kong mainlove.
" You b*tch hindi kaba nahihiya sa pagmumukha mo? " Mariin akong napapikit nang biglang may tumulak sakin.Aray ang sakit non ha?
Napangiwi ako dahil ang sakit ng balakang ko.Napakasama talaga nila sakin.
" Nakakapuno kana girl, attention seeker! nakakahiya na ang pagmumukha mo! "
" Ang lakas ng loob mong humarap kay Kenzo! "
Nahubad ko ang suot kong salamin at pinagtatawanan na ako ng ibang studyante.Pinulot ko narin ang nahulog kong love letter nadumihan tuloy.
" Ehhh kawawang girl! "
" Deserve niya yan! "
Mga bulungan nila.Sinubukan kong tumayo kahit nasasaktan ako at nang magtagumpay ay ganon na lamang ang paglaki ng mga mata ko dahil nasa harapan ko siya.Ang gwapo niya, kaya pala lahat ng babae may gusto sa kaniya.At isa na ako don.
Walang emosyon niya akong tiningnan habang nakapamulsa siya.Matangkad at makisig ang katawan niya maging ang mga kaibigan ay napakagwapo din.Hindi tuloy papahuli ang lakas ng pagtibok ng puso ko.
Hindi ako palasalita, ang akala ng iba pipi ako.Peru hindi,hindi lang talaga ako mahilig magsalita.Lumapit ako kahit pinagtitinginan na ako mga babaeng studyante at halos hatakin na ang buhok ko dahil sa galit.
Ngumiti ako at ibinigay ang love letter.Kinagat ko ang pang ibabang labi ko bago ako yumuko.Hinintay ko talagang tatanggapin niya ang handog ko ngunit nabigo ako.Hinawi niya lang iyon at walang emosyong nilagpasan ako.Nahulog ang hawak kong love letter dahil sa ginawa niya.
Sh*t napahiya ako.Paniguradong hindi na naman ako tatantanan ng mga grupo nina Kierra. Subrang nakakalungkot dahil hindi niya tinanggap, mas lalo lang niya akong pinahiya.
" Your standing in my way " Malamig nitong sambit.Pumagilid ako para bigyan siya ng daan bago ako napatingin sa love letter na nakasalampak na sa lupa.
Sa pag alis niya ay sumama narin ang tatlo niyang kaibigan. Napatigil lang ako ng umtras si Zayden Guerera at hindi ko inaasahan na pupulutin niya ang love letter ko.Seryuso niya akong tiningnan at binigay ang love letter na hawak niya.
Marahan ko nalang tinanggap iyon.
" Why did you do that Kuya? Dapat hinayaan mo siya? " Inis na sambit ni Kierra kay Zayden.Nagkibit balikat lang si Zayden at umalis ,habang ang kapatid niya ay mabilis akong tinulak dahilan kaya napaupo ulit ako.
" You deserve that, mamaya ka sakin pangit " Pagkatapos sambitin ni Kierra iyon ay umalis na siya sa harapan ko at tumakbo upang sundin ang grupo nina Kenzo.
May gusto si Kierra sa tropa ng kapatid niya at iyon ay si Kenzo.Sa bagay marami ngang nagkakagusto sa isang iyon.Iwan ko ba kung bakit nagkagusto ako kahit wala namang pag-asa na maging kami.
" Hayss tara na nga, hayaan niyo ang pangit na yan! " Sambit ng ibang studyante at kahit ni isa ay walang tumulong sakin. Porket ba ganito ako ay hindi na nila magawang irespito ang isang tulad ko?
'Balang araw hindi niyo ako kikilalanin bilang isang nerd ' Iyon lang ang palagi kong sinasabi sa sarili ko.
A/N: Wrong grammar and wrong typos ahead.Sorry if there are many errors in the story. Please this story is not fully edited. It is up to you to understand. If I have a time I will edit it again.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...