CHAPTER 45 :𝗛𝗜𝗦 𝗩𝗢𝗜𝗖𝗘

1.2K 43 0
                                    

ZHEILY'S POV

Hindi ko maiwasang mapatingin sa gawi nina Mama at Papa kausap ang Dad ni Kenzo maging ang bagong asawa nito.Nakakatuwa silang pagmasdan magkasundong -magkasundo sila.

" Kasal nalang ang kulang " Napatigil ako sa sinabi ni Jace.Nagulat pa ako dahil hindi lang pala ako ang nakatingin sa gawi ng mga magulang ko dahil maging sila doon nakatingin.

" Of course, soon " Lintaya ni Kenzo bago ako tingnan.Biglang nag init ang pisngi ko sa sinabi niya, si Sheh ay kinikilig na yumakap kay Zhoren, napangiti ako.Natigilan pa ako nang makita ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Zayden ngunit ngumiti din siya.Ngiting napipilitan.

Hindi ko alam kung bakit nakokonsencya ako, dahil ba hindi ko masuklian ang nararamdaman niya? Dahil hindi ko siya magawang mahalin ? Nasabi naman niya na okay lang siya peru hindi ko parin maiwasang isipin ang nararamdaman niya.

Nagpatuloy ang seremonya ng party hanggang sa tumunog ang malamyos na violin.Hindi ko maiwasang mapangiti nang ilahad ni Papa ang kamay niya kay Mama.

" Nice, para silang teenager "

" Oww ang sweet pagmasdan "

" Ang cute nila "

Rinig kong komento ng mga bisita namin habang nakatingin kina Mama at Papa na sumasayaw sa gitna.Sumunod naman  ang Dad ni Kenzo at ang bago nitong asawa.Tuwang tuwa ako habang pinagmamasdan sila.

Nagsayawan din ang Mommy at Daddy ni Sheh.Kasunod non marami ng nagsayawan sa gitna.Bawat galaw ay sumasabay sa malamyos na tugtog.Inilahad ni Zhoren ang kamay niya kay Sheh.

" G ako dyan! Di tayo magpapatalo sa matanda " Prankang bulaslas ni Sheh at pumunta sa gitna para magsayaw.Uminom ako ng kunting wine bago napatingin kay Kenzo.

Inilahad nito ang kamay niya kaya hindi ko maiwasang mapangiti bago ibinigay sa kaniya ang palad ko.Malayos niyang hinalikan iyon bago ngumiti.Iyong ngiti niya talaga.

Pumunta kami sa gitna.

May mga videographer na nakatutok sa'min ni Kenzo, may photographer na kinukunan kami ng litrato. " My princess " Bulong ni Kenzo bago halikan ang pisngi ko.Subrang lakas ng kabog ng puso ko.

Hinapit niya ang bewang ko palapit sa kaniya bago ipinulupot ang isang braso sa bewang ko. " Iba pala iyong pakiramdam kapag kasayaw mo ang lalaking mahal mo sa maraming tao " Mahinang sambit ko.Ngumiti siya at marahan na hinalikan ang noo ko.

" The best feeling " Tipid lang ang pagkakasalita nito bago ngumiti. Saglit na natigilan kami habang nagsasayaw.Pinaikot niya ako at inalalayan ang bewang ko bago niya iniyuko ang katawan..

Nakaalalay ang braso niya sa bewang ko para hindi ako bumagsak.Ngumiti ako at ibinalik ulit ang posisyon namin.Pakiramdam ko kami lang ang tao habang sumasayaw dito sa gitna, para kaming may sariling mundo.

" What's your thoughts about  marriage? " Natigilan ako sa tanong niya. Nagpatuloy kami sa pagsasayaw habang nakatitig ang mukha niya sakin.Ngumiti ako.

" O-okay lang naman. Gusto muna bang magpakasal tayo? " Pagbibiro ko at tumawa.

" Hmm what do you think? " Nakikita ko sa mukha niya na seryuso siya sa katagang iyon.Hindi pala mabiro ang isang ito.Tumitig siya sa mga mata ko kaya napaiwas ako sa kaniya.Tumikhim ako.

" M-masyado pa tayong bata Kenzo " Nauutal kong sambit.He chuckled. Hinaplos haplos niya ng pisngi ko at maliit na kinintalan ako ng magaan na halik sa labi.Ipinagdikit niya ang noo namin at bahagya pang ginidgid ang ilong niya sa ilong ko.

" You're right, hindi kita inaalok ng kasal I just want to hear your thoughts.That's it! " Ngumiti ako at hinaplos haplos  din ang pisngi niya.

" Alam mo bang ikaw lang ang pinangarap kong makasama habang buhay? Ikaw lang ang lalaking pinangarap kong maging asawa ko, ang lalaking pinangarap kong  magiging ama ng mga anak ko, s-sana nga segurado, na tayo na talaga Kenzo " Napasinghap ako ng tumulo ang luha ko.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now