ZHEILY'S POV
Pinunasan ko ang luha sa mata ni Kenzo nang makitang tumulo iyon. Hindi lang daw siya makapaniwala na may anak kami at ang inaasahan niya ay baka wala na siyang pag-asa sa'kin.Buong akala niya kami na ni Zayden.
" Akala ko ba gagawin mo ang lahat para sa'kin, so kapag naging kami ni Zayden hindi ka gagawa ng paraan para bawiin ako sa kaniya? " Natahimik siya sa tanong ko.Nakahiga kami sa kama habang nasa gitna ako.
Si baby Kai mahimbng na natutulog at ang maliit niyang braso ay nakayakap sa tyan ko.Si Kenzo na nakasubsob ang mukha sa leeg ko. " Of course I won't let your relationship continue, I will kidnap you again and lock you up so you can't escape from me" Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinagot niya.
" Grabe ka naman! " Mahina akong tumawa. "Ganon kita kamahal Zheily " Marahan na inalis niya ang mukha niya sa leeg ko at tinitigan ako. " I might k*ll Zayden if he tries to take you from me " Napangiwi ako.
" Nagiging masama kana Kenzo " He chuckled, hinawakan niya ang baba ko at hinalikan ako ng puno ng pagmamahal.Napapikit ako habang ramdam ang lakas ng tibok ng puso ko.Wala ng sasaya pa sa nararamdaman ko at alam kong ganon din siya.
" Can I ask for a favor? " Hinaplos haplos ko ang mukha niya. " Sure, what's that? " Tanong ko bago nakangiting pagmasdan siya, muli siyang sumubsob sa leeg ko kaya hindi ko pa maiwasang makiliti.Ganito din ang ginagawa ng anak namin.Tsk nagmana talaga.
" Can I sleep here I just want to be with you and to our son even just tonight " Ngumiti ako at tumango. " Kahit gabi gabi pa.Papayag ako Kenzo " Napangiti siya sa sinabi ko.Ano kaya ang magiging reaksyon ng anak ko kapag nakita niya ang Daddy niya?
Tumingin siya sa anak namin nang nakangiti sabay haplos sa mukha nito.Pinagitnaan namin si baby Kai at nakayakap ang braso namin sa katawan ng anak namin.
" Good night baby " Hinalikan niya ako sa noo at ganon din ang ginawa niya sa anak namin. Nakatulog narin ako kaagad, sa kalagitnaan ng gabi nagising ako at laking gulat ko nang makitang gising pa si Kenzo, napabangon ako.
" Hindi ka pa natutulog? " Ngumiti siya bago tumingin kay baby Kai. " I can't sleep, I'm so happy baby.Hindi na ako makapaghintay na magising ang anak natin " Aniya dahilan kaya napatingin ako sa anak namin.
" Matulog kana, huwag kang magpuyat.Gusto mong patulugin kita? " Ngiting sambit ko,napabangon siya at tumango tango bago humiga sa tabi ko, ako naman ngayon ang nasa gitna nila.
" Sleep my love " Malambing kong sambit nang sumubsob siya sa leeg ko.Hindi ko mapigilang mapangiti nang mahigpit na pumulupot ang braso niya sa tyan ko.Inayos ko ang kumot sa katawan naming tatlo at kalaunan ay nakatulog narin.
Kinaumagahan nagising ako dahil sa iyak ni baby Kai, gulat na gulat kami ni Kenzo at kapwa nagising dahil sa iyak ng anak namin.
"Mommy! Who's that guy? " Iyak niyang tinuro ang Daddy niya na nakayakap sa katawan ko.
" Don't hug my Mommy! Go away! " He cried while pointing at Kenzo. Mabilis na inalis ni Kenzo ang braso niya sa katawan ko.Ayaw niyang may yumayakap sa'kin lalo na kapag lalaki kaya ganito ang reaksyon ng anak ko.
" Mommy! Stay away from him "
" Baby Kai he's your Daddy " Naiiyak na yumakap ito sa katawan ko at sinubsob ang mukha sa dibdib ko.Si Kenzo ay may gulat sa mga mata niya ngunit napalitan din iyon ng awa sa anak namin.
" Pasensya kana Kenzo, hindi siya sanay na may kayakap akong iba, gusto niya siya lang ang yumayakap sakin " Dahil sa sinabi ko napatingin siya kay baby Kai. " Baby, meet your Daddy, don't be mad at him he's your Daddy baby Kai " Sobrang higpit ng yakap niya sa katawan ko.Hinaplos ko ang buhok niya bago tumingin kay Kenzo.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...