CHAPTER 9 :𝗞𝗘𝗡𝗭𝗢'𝗦 𝗠𝗔𝗡𝗡𝗘𝗥𝗦

2.2K 54 0
                                    

ZHEILY'S POV

Kinaumagahan, wala muna kaming klase ngayon araw, pahinga muna daw kami sabi ng mga guro samin, peru bukas may klase na naman, tumulong ako kay Mama sa gawaing bahay bago iyon, may binigay akong sobre sa kaniya.

Nakakunot ang noo niya nang mapatingin siya sakin " A-ano ito anak? " Ngumiti ako. "Buksan niyo nalang ma " Hindi siya nagsalita at binuksan na ang sobre.

" P-pera? Saan ka kumuha nito? Huwag mong sabihing nagnakaw ka o baka myembro ka ng mga kidnapper naku bata ka mali iyo- "

" Si Mama naman! Oa ka, hindi ako nagnakaw at mas lalong hindi ako myembro ng mga kidnapper mabait kaya ang anak mo" Dipensa ko.

" E saan ka kumuha ng pera? " Nagtatakang tanong niya, yumakap ako sa likuran niya. "Mama kagabi, nakuha akong Queen ng paaralan, at yang pera na yan, premyo yan sakin ng nagmamay-ari ng school " Napatakip siya sa bibig niya at gulat na gulat.

" I-ikaw? " Turo niya sakin kaya ngumingiting tumango tango ako " Oo Mama, hindi ko rin enexpect iyon " Proud na humarap siya sakin at niyakap ako.

" Proud na proud ako sayo anak, ang ganda ganda muna ngayon, paniguradong dadami ang manliligaw mo " Diko maiwang matawa sa sinabi ni Mama.

" Si Mama naman, h-hindi naman po ako masyadong maganda para dumami ang manliligaw ko, tsaka ma study first ako " Napailing ito at niyakap ako ulit.Ang sarap talaga ng yakap ng isang ina, damang dama ko ang pag-mamahal niya.

Alam ni Mama na si Persia ang naging dahilan kaya nabago ang mukha ko, maraming nagsasabi na maganda naman daw ako peru hindi daw ako nag-aayos.Tigyawat lang talaga ang sumira sa mukha ko peru ngayon subrang nakaktuwa at wala na sila.

Binilhan din ako ni Persia ng mga beauty product, iwan ko ba sa babaeng iyon halos nagsasayang lang ng pera sakin kahit hindi ko naman alam kung saan ko ito gagamitin.

Alas tres ng hapon habang nakadapa  ako sa maliit naming kama at abala sa pagbabasa ng libro. Inayos ko ng bahagya ang suot kong salamin at pinagbutihan ang pagbabasa ng libro.

Hindi ako sanay na walang salamin, pakiramdam ko parang lumalabo ang mata ko.Napatigil lang ako nang makarinig ako ng katok sa labas, " Anak? " Tawag ni Mama sa pangalan ko. " Sandali ma " Nagmadali akong bumangon at lumapit sa pinto.

" Zheh! " Pagbukas ko ng pinto agad na sumigaw si Persia at mahigpit akong ginawaran ng yakap.Napangiwi pa ako, parang mga sampong taon na hindi kami nagkita dahil sa uri ng yakap niya na halos hindi ako bitawan.

" Sige anak, dito muna kayo ng kaibigan mo at may gagawin lang ako sa kusina " Paalam ni Mama at ngumiti. " Bye Tita " Kumaway pa itong si Persia bago ako hinarap. " Dalian mo magbihis ka dahil may pupuntahan tayo "

Kumunot ang noo ko " Saan naman? Hindi ako p-pwede ngayon busy ako " Umiling siya at mahinang tumawa. " You have no choice Zheh, binilin na kita kay Tita and she agree so fix your self " Napabuntong hininga ako.

" Sheh, ano na naman ba ang ginawa mo kay Mama para mapapayag mo siya? " Ngumiti lang siya sakin at tinulak ako sa loob ng kwarto, pinangunahan niya ako at siya na ang kumuha ng susuotin ko.

" Ha? Bakit yan? " Turo ko sa damit na binigay niya sakin na spaghetti strap at hanggang tuhod ko ang haba. " Ang arte mo naman, dalian muna kase Zheh " Napasapo nalang ako sa noo ko at kinuha ang spaghetti strap.

Sumusunod lang ako sa likuran niya habang tinatahak namin ang malawak na mall, hindi na ako nakaangal ng bumili siya ng damit at halos mahal iyon . " Huwag ka ng umangal, Mommy told me na pumunta tayo dito para bumili ng damit so just shut up " Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now