CHAPTER 4 :PERSIA'S COMMAND

2.3K 66 2
                                    

ZHEILY'S POV

Sabado ngayon kaya oras na naman para tulungan ko si Mama sa pagtitinda sa palengke, ganito talaga ang nakasanayan ko kapag sabado linggo.Tirik na tirik pa ang araw kaya amoy pawis narin ako.

" Ma, ako na po ang bahala dito, mas mabuti pong magpahinga na po kayo " Ngiting presenta ko kay Mama. Nilingon lang niya ako bago ibinaling ang atensyon sa suki niyang si nanay Maring.

" Naku Mare ang swerte mo talaga sa anak mo, bukod sa mabait napakalaga pang anak " Diko maiwasang mapangiti dahil sa narinig. "Salamat nanay Maring at palagi kayong bumibili dito " Ngumingiti ngiting nilingon ako ni Mama.

" Aba't napakapresko ba naman ng mga gulay ng iyong ina kaya dito lang ako palagi bibili " Napakasarap pakinggan.Nang makaalis na si nanay Maring tsaka ko pinilit si mama na ako muna ang magbantay sa gulay.

" Ma, makinig ka naman sakin " Pumunta ako sa likuran niya at ipinatong ang dalawang palad sa magkabila niyang braso. " Pagod na pagod po kayo, kaya hayaan niyo muna ako " Pagdating kay Mama makulit talaga ako.

" Ano pa nga ba ang magagawa ko e ang kulit kulit mo " Umalis siya sa bangko at pumunta sa mahabang bench at doon humiga.Inayos ko muna ang suot kong salamin sa aking mata at nakangiting hinarap ang mga iba pang suki ni Mama.

Salamat at hindi sila nandederi sa mukha ko.Marahil nasanay na talagang pangit ako.Nilingon ko saglit si Mama at awa ang naramdaman ko ng makatulog na siya, pagod na pagod siya at minsan umaatake pa ang ubo niya.

Alas dose ng hapon at ako parin ang nagbabantay sa mga gulay, gising na si Mama at tahimik lang akong pinagmamasdan. " Magahinga kana rin " Umiling ako sa sinabi ni Mama. " Hindi pa naman po ako pagod Ma " Ngiting nilingon ko siya.

Ilang segundo kong hinintay ng biglang may sumulpot na magandang babae sa harapan ko habang nakashade.Para siyang model sa ibang bansa kaya katawag tawag pansin ang katawan niya.

" Hoy ano titigan mo lang ako? " Agad niyang tinanggal ang shade niya.Napawow ang bibig ko at nanlaki ang mata ko bago ako napatakip sa bibig ko. " P-persia? " Ngumisi siya.

" Yup, ako nga girl " Mayabang niyang anas at hinawi ang mahabang buhok niya.Napakagandang dilag naman niya.Si Mama naman ay tumayo at tiningnan ang kaibigan ko.

" Nak sino siya? " Biglang tanong ni Mama at sinuri ang kaibigan ko. " Oh your Mama? " Turo ni Persia.Tumango ako, doon ako labis napahanga ng ngumiti siya sa magulang ko at nagmano. " Hello po Tita, magandang hapon po " Maging si Mama ay nagulat dahil sa inasal niya.

" M-magandang hapon din Hija " Tumingin sakin si Mama na tila naiilang, nagkibit balikat nalang ako, dapat masanay na siya sa kaibigan ko dahil subrang bait niya at walang pinipiling tao yan.

" Tita, my name is Persia, kaibigan ng anak mo " Pakilala kaagad ni Persia.Napangiti si Mama at nilingon ako. " Ma, siya po ang sinasabi ko sayo na mabait kong kaibigan " Napatayo ng matuwid si Mama at tuwang tuwa na tiningnan ang kaibigan ko.

" Naku Hija, maraming maraming salamat at kinaibigan mo ang anak ko, totoo ngang mabait kang bata. " Ngiting napatingin sakin si Persia bago kay Mama. " Thank you Tita, mabait din po ang anak ninyo kaya maswerte ako dahil naging kaibigan ko siya " Naantig ang puso ko sa sinabi niya.

" So bakit ka naparito? " Halata sa mukha niya na hindi siya nandederi sa ganitong lugar, hindi ba siya naiinitan? " Gusto kong samahan mo ako sa mall, pwede ba? " Hindi muna ako nakasagot, nilingon niya si Mama ngunit tumango naman kaagad ang Mama ko.

" Wala naman masama don, okay lang iyon Hija, basta't huwag mo lang pabayaan ang anak ko " Natawa ng mahina si Persia. " Don't worry Tita akong bahala kay Zheh " Napatulala pa ako sa kanilang dalawa, close na kaagad sila.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now