ZHEILY'S POV" Hindi ka parin tinatantanan ni Kenzo? " Naibaling ko ang tingin ko kay Mama.Seryuso ang mukha niya habang nakatingin sa'kin, marahil nagsumbong na naman ang bodyguard ko.Tumango ako dahilan kaya napabuntong hininga siya.
" Señorita, Madam Susan, nandyan na naman si Sir Kenzo " Napatigil ako sa pagnguya ng pagkain.Napatingin si Mama sa'kin bago tumayo, hindi ko mawari kung bakit kinakabahan ako lalo pa't si Mama na naman ang makakaharap ngayon ni Kenzo.
" Dito ka lang anak, ako ang bahala kay Kenzo " Seryuso at malamig na sambit ni Mama, ngunit hindi ako nakatiis, pinigilan pa ako ng bodyguard ko at si Ate Jolie peru nagmatigas ako.
" Tita, iharap niyo sa'kin ang anak mo.I need her, p-please I love her, I will never leave her Tita, just please, I really miss her " Nakagat ko ng labi ko nang marinig ang boses ni Kenzo tila lasing siya.
" Kenzo ang tigas ng ulo mo! Layuan muna ang anak ko! Hindi kayo bagay ng anak ko at mas lalong hindi ko hahayaan na magpatuloy ang relasyon niyo! "Galit na sigaw ni Mama.
" You can't take her away from me. I love your daughter very much. T-tita please I can't lose Zheily.H-huwag niyo pong ilayo ang anak niyo sa'kin " Biglang gumaralgal ang boses ni Kenzo.Lumapit ako kay Mama bago ko tingnan si Kenzo.
Pinilit kong maging seryuso ang mukha ko kahit gustong gusto ko siyang lapitan at yakapin peru nagpipigil ako.Galit na galit si Mama sa kaniya lalo pa't kung pilit niya kaming pinapaniwala na walang kasalanan ang Dad niya.
" Ang tigas ng ulo mo Kenzo, hindi ba malinaw sayo na ayaw ko ng maging boyfriend ka ng anak ko.Layuan muna si Zheily magkaaway ang pamilya mo at si Ave.Kenzo hindi kayo nararapat sa isa't isa! " Sigaw ulit ni Mama dahilan kaya nahawakan ko ang kamay niya.
Ang luhang pinipigilan ko kanina ay hindi ko na magawang pigilan.Ang sakit! Bakit naging ganito pa ang sitwasyon namin? Bakit kailangan pang dumating sa puntong ganito?
Tumulo ang luha ko nang makita ang matinding sakit na dumaan sa mga mata ni Kenzo, biglang lumandas ang luha sa pisngi niya nang marinig ang sinabi ni Mama.Napaatras ako nang magtangkang lumapit sa'kin si Kenzo.
" U-umalis ka nalang Kenzo " Mahinang sambit ko at seryuso ko siyang tiningnan kahit ang mga mata ko ay walang tigil ang pagtulo ng luha ko.Umiling iling siya bago napatingin kay Mama.
" I'm also struggling with this situation but please Tita, let me fix this. He's still my dad and I can't leave my dad alone.A-ayaw ko din mawala ang nag iisang babaeng mahal ko.I will prove that I love your daughter very much, let me love her even in this situation " Nagulat ako nang lumuhod siya.
Si Mama ay nanlaki ang mata si ginawa niya.Hindi ko inaasahan na gagawin niya ang bagay na ito.
" Huwag mong ilayo sa akin ang anak mo Tita, p-please I really love her.I'm ready to kneel in front of you, just don't take Zheily away from me. I can't lose the girl I love please " Napatakip ako sa bibig ko.Naging emosyonal na nga ako.
Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Mama ngunit napaiwas lang siya ng tingin kay Kenzo, alam kong ayaw ni Mama na gawun ito kay Kenzo ngunit gusto lang niyang huwag akong palapitin sa pamilyang Querzoner.Gusto niyang putulin ko ang pakikipagrelasyon kay Kenzo.
" Nang dahil sa Papa mo nasa ospital parin si Ave, muntik na siyang mawala nang dahil sa Dad mo, Kenzo maging ako nananatili ang trauma simula nang mangyari ang ginawa ng Dad mo.Hindi ko na hahayaang makipagrelasyon ang anak ko sa uri ng pamilya ninyo! " Hinila ako ni Mama sa loob.
" Tita! Tita please don't do this to me. I won't let you to take Zheily away from me! " Rinig kong sigaw ni Kenzo habang nagpupumilit itong pumasok sa mansion.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...