ZHEILY'S POV
Hindi ko alam kung ilang oras na ba at nagising ako dahil sa malakas na kulog.Hindi ko makita sa labas kung umuulan ba dahil wala namang bintana peru malakas ang kutob ko na umuulan sa labas.
Napabangon ako bago napatingin sa pagkain na hindi parin nagagalaw.Masama ang loob ko kay Kenzo, hindi ko inaasahang kikidnapin niya ako, hindi ba siya nag-iisip? Hindi niya ba naisip na baka mas lalong lumaki ang gulo nang dahil sa ginawa niya?
Paano ako nito makakatakas? Ngayon lang ako nakakita ng ganitong bahay, walang bintana, walang pintuan.Kung ganon paano kami nakapasok sa loob?
Napatigil ako nang maisip si Kenzo, nasaan na kaya siya? Halos maparusahan ko narin ang sarili ko dahil sa masasakit na salitang binitawan ko sa kaniya.Labag sa loob ko na saktan siya peru gusto kong layuan niya ako.At ang ginawa niyang pagkidnap sa'kin ay mali.
Napabuntong hininga ako bago ko naisipang lumapit sa pinto. Pinihit ko ang seradora.Hindi ko maiwasang magulat nang makita si Kenzo na natutulog habang ang likod niya ay nakasandal sa pader.
Nasa gilid lang siya ng pinto na nakaupo.Napaluhod ako.Bakit hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa lalaking ito? Naaawa akong tiningnan siya dahil tila nilalamig siya.
Nilukob ako ng kaba nang dumapo ang palad ko sa noo ay ang mainit niyang balat ang sumalubong sa kamay ko. May lagnat siya.Nangangapoy siya sa lagnat.Yakap niya pa ang sarili niya habang giniginaw siya sa lamig.
" K-Kenzo? K-Kenzo gumising ka, tara sa kwarto " Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat.Marahan na bumukas ang mata niya at nang makita ako agad na napayakap siya sa'kin.
Nakokonsensya ako sa ginawa ko, kaya pala namumula ang mukha niya kanina at ramdam ko rin ang init ng balat niya habang niyayakap ako ni Kenzo.
" D-don't leave " Nakagat ko ang labi ko sa sinabi niya, ramdam ko ang matinding lungkot sa boses na iyon.Umiling lang ako at inalalayan siyang tumayo.Bakit hindi ko nahalata kanina na may lagnat siya?
Nang makarating sa kama maingat na pinahiga ko siya at binalot siya ng kumot.Akmang aalis ako nag mahigpit niyang hawakan ang kamay ko.Natigilan ako bago siya tingnan.
" P-please d-don't leave s-stay here " Namamaos ang kaniyang boses, halos hindi niya maidilat ang mata niya. " H-hindi Kenzo, kukuha lang ako ng maaligamgam na tubig"Hinaplos ko ang buhok niya at aalis na sana ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
" Kenzo mataas ang lagnat mo, h-hindi ako aalis, babalik ako " Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak niya sa kamay ko.Diretso ako sa baba at pumunta sa kusina, hindi ko kayang iwan siya nang ganito ang kalagayan niya at isa pa wala din naman akong matatakasan.
At kahit meron man hindi ko siya magagawang iwan, matapos kumuha ng palanggana nagmamadaling napatakbo ako sa taas at pumunta sa kwarto.Giniginaw siya.Kinakabahan ako sa kalagayan niya.Pinunasan ko muna ang katawan siya gamit ang maaligamgam na tubig.Paulit ulit niyang sinasambit ang pangalan ko.
Ipinatong ko sa noo niya ang maliit na towel bago naghanap ng pweding ipanggamot sa lagnat niya.Baka may gamot dito peru hinalungkat ko lahat ng drawer wala akong makita.
Napabuntong hininga nalang ako. " Kenzo, ipagluluto kita ng lugaw dito ka lang " Alam kong hindi siya kumain kanina.Akmang tatalikod na ako nang hawakan niya ulit ako sa kamay.Sobrang higpit no'n.
" You will stay here, p-please Zheily don't leave " sambit niya habang nakapikit ang mata.Naaawa akong napatingin sa kaniya.Mamaya ko nalang siya lulutuan.Tumabi ako ng higa sa kaniya.Napakagat nalang ako sa labi ko nang mahigpit niyang ipinulupot ang isa niyang braso sa tyan ko.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...