CHAPTER 53 : 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗘𝗗

1K 30 0
                                    

PERSIA'S POV

Maging ako ay hindi makapaniwala sa narinig. Talaga ba na ang Dad ni Kenzo ang nangtangkang patayin ang mga magulang ni Zheh?

Oh my god! Ang hirap paniwalaan.Peru hindi ko maitatangging magalit sa pamilyang Querzoner, deserve ng Dad ni Kenzo na makulong.

" Nasa labas siya Señorita, papasukin ko ba?" Tanong ng isa sa mga tauhan ni Tito Averon.Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Zheh kaya niyakap ko siya.Alam kong nahihirapan siya sa sitwasyong ito.

" H-hindi ko alam kung ano ba dapat ang gagawin ko Sheh, iiwasan ko ang taong mahal ko? Peru nang dahil sa Dad niya muntik ng mawala si Papa sa'kin " Maging ako ay hindi ko mapigilang mapaiyak.Ang hirap naman.

" Zheh, mahirap nga ang sitwasyon mo maging ako ay hindi ko rin alam ang gagawin, peru ano ba ang nararamdaman mo ngayon? "

" Galit.Yan ang nararamdaman ko.Nagagalit ako sa Dad niya peru Sheh mahal na mahal ko si Kenzo " Mas lalong tumulo ang luha niya. " Iiwasan ko nalang siya Sheh, k-kahit mahirap " Niyakap ko siya.

" Suportado ko ang magiging desisyon mo, peru Zheh, wala siyang alam.Kausapin mo muna siya.Maging siya ay maguguluhan kung basta basta ka nalang iiwas " Pinunasan ko ang luha niya.

Nandito kami sa mansion nila, gusto kong damayan ang kaibigan ko dahil mahihirapan siya sa magiging desisyon niya.

Dumungaw si Zheh sa bintana at naroon si Kenzo na nagpupumilit na pumasok.Marahas nalang napabuntong hininga ang kaibigan ko bago siya napatingin sa'kin.Nag-aalinlangan pa siya peru makikita sa kaniyang mata ang matinding lungkot at sakit.

" Handa ka bang kausapin siya ngayon? " Tumango siya.Muli ko siyang niyakap para narin lumakas ang loob niyang harapin si Kenzo.Bumaba kami ni Zheh habang sina Mr.Lee ay nakaawat sa labas.

" Zheily harapin mo ako! I want to see you and I want to talk to you please! "Rinig kong sigaw ni Kenzo, ramdam ko ang lungkot sa boses niya.Lumapit kami sa maindoor ng mansion bago namin  siya tiningnan.

" I miss you " Hindi ko napigilan si Kenzo nang bigla siyang yumakap kay Zheh.Nakita ko ang pagtingin ng kaibigan ko sa'kin bago kay Mr.Lee.Mahigpit ang yakap ni Kenzo na tila ba ayaw niyang pakawaaan ang kaibigan ko.

" Why don't you answer my call? What's happening? They didn't let me in Zheily, I wanted to see you last night, may problema ba? " Malambing niyang tanong.Gusto naming pigilan si Kenzo sa pagyakap kay Zheily ngunit nakita kong umiling si Zheh.

" Kenzo " Marahan na lumayo si Zheh sa kaniya at walang emosyong tumingin kay Kenzo. Nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni Kenzo at nagtataka sa reaksyon namin ngayon.

" Kenzo n-nalaman na namin kung sino ang gustong patayin ang Mama at Papa ko " Bumigat ang paghinga ni Zheh, tila hindi niya alam kung papaano niya ito sasabihin.Nahihirapan siya.Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa'kin.

" Then who? Who wants to kill your parents?" Tanong ni Kenzo, napayuko ang kaibigan ko at talagang hindi niya kayang sabihin ito.

" Ang Dad mo " Napasinghap si Kenzo at natigilan.Nilakasan ni Zheh ang loob niya at seryusong tumingin kay Kenzo, parang hindi ko maiwasang hindi maapektuhan sa kanilang dalawa.

" Kenzo ang Dad mo ang dahilan kaya muntik ng mawala si Papa .Gusto niyang p*tayin ang Papa ko.Nalagay sa panganib ang dalawang importanteng tao sa buhay ko nang dahil sa Dad mo " Madiin na sambit ni Zheh
Mariin akong napapikit bago napatingin sa reaksyon ni Kenzo.

" I-imposible.Why are you saying that? Dad can't kill your parents Zheily, mali ang akala mo "

" Kenzo nagsalita na ang lalaking inutusan ng Dad mo para patayin ang mga magulang ko, m-maski ako ayaw kong maniwala peru ang Dad mo talaga ang may pakana ng lahat.Magsasampa kami ng kaso sa Dad mo" Nanatiling walang reaksyon ang mukha ni Zheh.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now