CHAPTER 44 :𝗧𝗛𝗘𝗜𝗥 𝗦𝗪𝗘𝗘𝗧𝗡𝗘𝗦𝗦

1.1K 43 1
                                    

ZHEILY'S POV

Nakagat ko ang labi ko sa sinabi ng kaibigan ko bago ko pigilan ang braso niya.Baka mag away na naman sila. " Sheh, pabayaan muna" Mahinang bulong ko.

Ngumiti ng peke si Sheh. " Punta tayo don, doon tayo mag inuman " Sambit nito at ngumiti kay Kierra na halata namang peke.Napailing-iling nalang ako bago lumapit kina Mama at Papa nang makitang kinaway nila ako.

" I'm going with you " Seryusong sambit ni Kenzo, napangiti ako at tumango.Nagpaalam muna kami sa kaibigan namin bago umalis, nakita ko pang ngumiti si Kierra kaya ngumiti din ako pabalik.

" Anak, meet Dela Cruz families  and Reyes families " Ngiting sambit ni Papa, umayos ako ng tayo at ngumiti sa kanila.

" Nice to meet you po sa inyong lahat " Nahiya pa ako sa paraan na iyon. Kasama nila ang myembro ng kani-kanilang pamilya.Hindi na ako magtataka kung galing sila sa mayamang pamilya.

" Mr.Valencia talaga nga namang maganda ang Unika Hija mo, mukhang bagay na bagay sa binata ko " Nang mapatingin ako sa binatang tinutukoy niya subrang gwapo naman talaga, ngumiti ito kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

Ngunit ang katagang sinabi ni Mr.Reyes ay subrang nakakailang sa'kin.Napalingon ako kay Kenzo sa likuran ko ngunit naging seryuso lang ang mukha niya bago umalis.Gusto ko sana siyang sundan peru may ipapakilala pa sa'kin si Papa.

Nakagat ko ang labi ko.Narinig niya ba iyon? Nakangiting hinawakan ni Mama ang kamay ko.

" Mr.Valencia nababagay din ang anak mo sa anak ko, ang aking tagapagmana " Sambit naman ni Mr.Dela Cruz, biglang dumating ang matangkad at gwapong lalaki sa tabi nito.Ito ba iyong anak niya?

" Meet my son Hija " Seryuso pa ang mukha ng gwapo na lalaki ngunit nang makita ako biglang lumitaw ang ngiti niya.Ang ganda ng ngiti. " Nice to meet you gorgeous " Nakipag-shake hands pa ito sa'kin.Ngumiti ako at nakipag-shake hands din.

Naging hamble ang ekspresyon ng mukha niya. Nagulat ako nang halikan nito ang likod ng palad ko.Napaiwas ako ng tingin at inilayo ang kamay sa kaniya. " Pasencya kana Hija, ganiyan lang talaga ang anak ko, malambing" Ngiting sambit ni Mr.Dela Cruz.

Nadidismayang tiningnan ko si Papa, wala paring makakahigit kay Kenzo. Kung gwapo ang dalawang binatang kaharap ko mas gwapo parin ang boyfriend ko.Ngumiti si Papa at hinaplos haplos ang buhok.

" I'm sorry to say this Mr.Dela Cruz and Mr.Reyes but she already in a relationship with Kenzo. Ang anak ni Mr. Albert Querzoner " Ngiting sambit ni Papa.Nakahinga ako ng maluwag salamat at hindi niya itinanggi ang pakikipag relasyon ko kay Kenzo.

Ang ngiti sa dalawang binata ay nawala maging ang ngiti ng pamilya nila. " By the way enjoy, kailangan ko pang ipakilala ang anak ko sa ibang pamilya " Yumuko ako bago namin sila nilagpasan.

" Papa nakilala naman nila ako sa entablado hindi ba? " Malambing na hinaplos nito ang buhok ko. " Kailangan mo parin silang harapin ng malapitan anak " Sumang ayon si Mama sa sinabi ni Papa.

Pilit na hinahanap ng mata ko si Kenzo ngunit hindi ko siya mahagilap.Saan na ba iyon nagpunta? Gusto ko palagi ko siyang kasama. Lalo pa't kung maraming pamilya pa ang haharapin ko.

Aalukin pa ata nila si Papa na ipagkasundo ako sa anak nila. " Papa hindi ba pweding hanapin ko muna si Kenzo? " Nag-aalinlangang napatingin si Papa sa'kin bago kay Mama.

" Oo naman anak, hanapin- "

" Mr.Valencia, akala ko talaga wala kang anak"Pagbibiro ng isang matandang lalaki.Mahinang napatawa si Papa, palinga linga ang ulo ko, nagbabakasakaling makita ko si Kenzo.

" Ang ganda ng Unika Hija mo Mr.Valencia. Sandali ito ba ang ina ng anak mo? " Ngumiti si Mama, ibinaling ko nalang ang tingin ko sa matanda. " Nice to meet you Hija, Mr.Valencia mukhang maswerte ka sa mag-ina mo " Proud na tumingin si Papa sa'min.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now