ZHEILY'S POV
" I'm still angry with my Dad, I don't recognize his wife and his daughter as a family. " Hindi ko maiwasang lumingon sa kaniya. Peru hindi ko siya masisisi maging ako ay galit din sa Papa ko peru magkaiba kami ng dahilan.
" G-galit din ako sa tunay kong Papa " Sambit ko habang nakatingin sa kawalan. Mapakla akong tumawa at siya ay nakakunot naman ang noo.
" Pinabayaan niya lang kami ni Mama, alam mo maswerte ka kasi may Papa ka, nandyan siya palagi sayo, nasa isinapupunan pa lang ako ni Mama tinalikuran na kami ni Papa " May dumaang awa sa kaniyang mata nang mapalingon siya sakin.
" By the way huwag na nga lang natin pag-usapan ang bagay na ito, masyadong nakakalungkot " Mahina akong tumawa. "You're right, are you busy tomorrow ? " Umiling ako, tumingin ako sa kaniya na tila may gusto siyang sabihin.
" Bakit? "
" I'm going to visit you tomorrow " Napangiti ako.
Parang napapadalas na siya. Tumango lang ako at parang nasasayahan sa gusto niya.Hindi ko alam kung ilang oras kami don peru hinatid narin niya ako sa bahay para daw makapagpahinga na ako.
Kinaumagahan, abala ako sa pagluluto habang si Mama naman nakaupo lang sa maliit naming sofa at pinagmamasdan ako.
"Nang dahil sa binatang iyon napapadalas na ang pag ngiti mo " Napaharap ako kay Mama.
" H-huh? Hindi Ma, mukha ba akong nakangiti e hindi naman " Napatawa siya sa inasta ko.Hinarap ko ulit ang ulam na niluluto ko at pagkatapos non kumain narin kami.
" Nakatawag pala kanina ang kaibigan mo "
" Si Sheh po? " Tumango tango siya.Alam kong naboboring na iyon, gusto niyang pumunta ako sa mansion nila peru parang wala akong gana, sa susunod na lang.Baka nga pupunta iyon dito at baka magtampo na naman.
" Bakit hindi ka pumupunta sa kaibigan mo? "
" Kung mamimiss ako ng babaeng iyon ede siya dapat ang pumunta, at tsaka Mama may pinagkakaabalahan din ang isang iyon " Mahina akong humagikhik.
Minsan lang kami mag usap sa text or sa call, alam ko kasi na kausap niya si Zhoren.
" Sa bagay tama ka anak. Pagkatapos nito may lalakarin ka ba? " Umiling ako. "Bantayan mo muna ang bahay ha, kakausapin ko lang si Manda, iyong suki natin may inaalok kasi siyang pwesto na maaari natin rentahan para sa pagtinda ng gulay " Ngumiti ako at tumango.
" Kapag mangyari iyon babalik kana ulit sa pagtitinda Mama? " Hindi ko alam peru ayaw ko siyang nakikitang nagtitinda, kung hindi naman siya gagawa ng paraan wala kaming panggastos sa pang araw-araw namin.Pag mahirap nga naman.
" Wala akong mapagpipilian anak, mahirap lang tayo at sa pagtitinda ng gulay lang tayo nabubuhay " Nakakalungkot man ngunit totoo naman.Pagkatapos kumain nagpaalam narin si Mama sakin.
Matapos kong maglaan ng oras sa paggawa ng gawaing bahay ay naligo narin ako dahil medyo pawisan na ang katawan ko.
Abala ako sa pag-aayos nang biglang may marinig akong busina ng sasakyan.
Dumungaw ako sa labas at nakita si Sheh na kumakaway sakin. " Good morning hehehe pweding pumasok? "
" Bawal " Ngumuso siya kaya diko mapigilang matawa sa reaksyon niya.Kay aga aga nandito na.
Tanging tuwalya lang ang suot ko ng buksan ko ang pinto, hindi ako mahihiya kasi si Sheh lang naman ito.
" Ang aga naman natin-- " Nanlaki ang mata ko at biglang niyakap ang katawan. Grabe ang gulat ko dahil hindi lang pala si Sheh ang nandito maging sina Zhoren at Kenzo t*ngina.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...