CHAPTER 68 : 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗜𝗔'𝗦 𝗜𝗡 𝗣𝗔𝗜𝗡

1.4K 40 0
                                    

PERSIA'S POV

" OMG! So okay na kayo? " Oa kong tanong kay Zheily na halos maluha pa ako sa saya, sobrang nakakatuwa nga iyon. " You're noisy! Can  you just lower your voice?" Ang sungit talaga.

" But I'm happy ngayong nagkaayos na kayo ni Kenzo, congrats sayo Zheh masaya talaga ako " Maluha luha kong sambit, mahina siyang natawa bago tumulo ang luha niya.Isang mahigpit na yakap ang ginawa ko.Nakakaiyak talaga sa tuwa.

" I'm sure baby Kai is very happy with his Daddy "

" Of course, kaya lang kilala mo naman ang anak ko he doesn't want someone else hugging and kissing me. He gets annoyed with Kenzo when he catches us kissing and hugging. " Napahalakhak ako ng tawa.

" Magiging kawawa tuloy si Kenzo, kaagaw niya ang anak niya "  Napailing iling nalang ang kaibigan ko bago sumimsim ng kape.We are here at the coffee shop because we talked about meeting here, my friend and I just talk often.

" Paniguradong luluha ng dugo si Kierra kapag nalaman niyang nagkabalikan na kayo ni Kenzo, and when she finds out that you have a child for sure she will explode in anger " Naiimagine ko tuloy ang mukha niyang hindi maipinta.

" Kapag hindi pa niya titigilan si Kenzo makakatikim talaga siya ng isang sampal galing kamay ko, Sheh she's always desperate.I'm sure at this time Kenzo said that their marriage will not continue." Nagpapalakpak ako sa tuwa.

" Baka nga umiiyak na iyon " Naisambit ko at napangisi nalang.

" But I can't help but to feel pity for her, Sheh nagmahal lang din siya.Ang hirap sa kaniya patuloy parin niyang pinagsisiksikan ang sarili niya sa taong ayaw sa kaniya "

" Don't be concerned about her feelings, she deserves to be hurt because of the mistakes she made Zheh. Until now, she still hasn't changed.Hindi na ata magbabago ang linta na iyon " Napairap tuloy ako sa kawalan ng maisip ang mukha ng babaeng iyon.

Matapos mag usap namili muna kami ng mga expensive clothes sa mall , I took the most expensive clothes and Zheh just shook her head.

" I'll buy it all" I said to the saleslady with a smile. Napatingin ako kay Zheh na nakacross arm habang pinagmamasdan ako. " My god Sheh kahit kailan ang hilig mong mamakyaw ng damit tskk! " Masungit nitong sambit kaya natawa ako.

" Ako to Zheh ang kaibigan mong mahilig sa damit, hindi na ata ako magbabago " Napatawa siya sa sinabi ko.Tinawagan ko ang driver ko na kunin ang lahat ng pinamili ko. " Mamaya kailangan ko naring umalis, kailangan ako sa kompanya  " I said.

Napatango siya. Katulad ni Zheh nakapangalan narin sa pangalan namin ang kompanya ng Dad namin, and now I'm the one managing my company. Zheh can't manage yet because of baby Kai.Ang anak niya kasi palaging naghahanap sa kaniya, I'm sure tinakasan niya ang inaanak ko kaya siya nandito.

Matapos mamili naglakad narin kami ni Zheh, hindi pa maiwasang mapatingin ang mga tao sa loob habang nakatingin sa kaibigan ko.Of course she's famous.

" Sheh? " Napalingon ako nang marinig ang boses na iyon. Nanlaki ang mata ko nang makita si Zhoren kasama niya si Jace.Gusto ko sanang umalis ngunit ayaw kong ipakita na naapektuhan parin ako.

It's been three years since Zhoren and I broke up, three years have passed and I just saw him again. We broke up because of Faith, she did her best to get Zhoren from me, nakita ko lang naman silang magkatabi sa iisang kama, hubot hubad.Ayaw ko nang alalahanin ang tungkol do'n.

Infairness ang laki ng ipinagbago nila, mas lalong naging makisig ang katawan nila. " I'm glad to see you Zhoren and you Jace " Nakangiting sambit ni Zheh, ngayon lang kami nagkita kita.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now