PERSIA'S POV
Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa envelope na hawak ni Daddy, lumapit ako sa gawi nila ni Mommy at tumingin sa envelope.
" Daddy what's that? " Tanong ko at napaupo sa couch. " I don't know sweetheart, inabot lang ng lalaki kanina na naka motor" Umupo si Mommy sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko.
" Kumusta naman ang pag-aaral mo anak? Si Zhoren sinagot muna ba? " Pinulupot ko ang braso ko sa braso ni Mommy.Ngumiti ako at umiling.
" P-peru malapit na po " Nakita ko ang pagsulyap ni Daddy ng tingin sakin. "He's okay sweetheart, mabait naman siya at magkakasundo kami " Lintaya ni Daddy na nagpangiti sakin.
Palagi kasing pumupunta dito ang isang iyon kaya maging ang mga magulang ko ay tuluyan na niyang nakuha ang loob.
" It's invitation, galing kay Tito Averon mo. He's really excited para lang e-anunsyo sa lahat ang nag iisa niyang anak.Magkakaroon ng engranding party bukas ng gabi sa mansion nila" Napatakip ako sa bibig ko sa sinabi ni Daddy.
" Wow that's exciting! Ibig sabihin malalaman na ng lahat na may anak talaga si Tito Averon.Malalaman nila ang tungkol sa kaibigan ko " Natutuwang tumingin ako kina Mommy at Daddy.
" Deserve niya iyon babygirl "
" I'm happy for her.Sino ang mag aakala na anak siya ng bilyunaryo " Sambit ni Daddy.Paniguradong makakarating lahat ng invation sa mga mayayamang pamilya at paniguradong kasama na roon ang pamilya ng Kierra na iyon.
Excited na kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang numero ng kaibihan ko.Ilang segundo lang ang hinintay ko ay agad niyang nasagot ang tawag ko.
" Finally Zheh! " Sigaw ko.
[" Sheh naman masisira ang tainga ko! Bakit ka ba sumisigaw? "] Tumawa ako ng malakas.Nakakaproud talaga.
" Congrats sayo, sa wakas makikilala ka narin ng lahat, ang Unika Hija ng isang bilyunaryo " Masayang boses kong sambit.
[" K-kinakabahan nga ako Sheh"]
" Bakit ka naman kinakabahan? Naalala mo iyong palaging pang iinsulto sayo ni Kierra, palagi kang tinatawag na basura, tingnan lang natin kung hindi siya mahimatay sa gulat " Napangisi ako.Iniimagine ko tuloy kung ano ang magiging reaksyon ng bruhang iyon.
[" Hindi ko pinapansin ang pang iinsulto niya, at tsaka hindi ko ipagmamayabang kung anuman ang buhay ko ngayon"] Aniya.Napangiwi nalang ako.Subrang bait nga niya talaga.Peru naeexcite parin talaga ako.Pinaghandaan iyon ni Tito.
[" Hindi ka ba pupunta ngayon? Nandito ako sa kubo iyong nasa taas ng puno"]Napatawa ako.Plano ko naman talagang puntahan siya ngayon.
" Si Kenzo nandyan ba?" Kinikilig kong tanong.Nagsimula akong mag ayos at ibinaba ang cellphone habang kausap parin si Zheh.
[" Wala pa, peru tinawagan ko siya kanina na pumunta siya dito sa mansion, Sheh bakit ganon walang segundo na hindi ko siya namimiss "] Napatili ako sa kilig.Parang ako, gusto kong palagi kong nakikita si Zhoren.
" So namiss mo talaga? "
[ " Kaya nga tinawagan ko kasi na miss ko, sabi niya busy daw siya sa kumpanya ng Dad niya, peru susubukan daw niyang puntahan ako"] Mapapasana all nalang ako sa relasyon nila.
Sana tumibay ang relasyon nilang dalawa, huwag lang talagang umepal si Kierra.Pinatay ko narin ang tawag at kinailangan ko ng mabihis para makapunta ako sa kaibigan ko.
Nagpaalam na muna ako kina Mommy at Daddy at pumayag naman sila kaagad, muntik pa akong hindi payagan dahil nagkotse ako mag isa.Gusto nilang ipahatid ako kay Manong peru nagmatigas ako.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...