ZHEILY'S POV
Sabado ngayon kaya walang klase, nang magising kinaumagahan agad na tiningnan ko ang cellphone ko.Nanlaki ang mata ko nang makita ang message ni Kenzo.Nakangiting binasa ko iyon habang kinikilig.
From: Kenzo
" Hii good morning, don't forget to eat breakfast, mamayang hapon get ready we're going to my favorite spot " Kinikilig na napayakap ako sa unan. Ang tinutukoy ba niya ay iyong lugar na pinuntahan namin noong gabing iyon?
Iyon bandang nasa bundok tanaw ang malawak na karagatan. Nakangiting bumangon ako sa kama at tumuwid ng tayo bago ako nag type.
To: Kenzo
" Good morning ikaw din, sige papayag naman si Mama kapag ikaw ang kasama ko " Reply ko. Medyo maging sa pagreply ng message niya ay tila hindi ako segurado, parang hindi ako marunong mag-isip kung ano ba ang irereply ko.
" Naku, nakangiti ang maganda kong anak " Nang mapatingin sa direksyon ni Mama nandon siya sa tabi ng pinto nakatayo.Nahihiyang tumawa ako.
" Dalaga kana nga talaga anak " Naglakad si Mama at umupo sa tabi ko.Hinaplos haplos niya ang buhok ko bago ako pagmasdan. "Ang ganda ganda talaga ng anak ko"
" Mama nagmana po ako sayo " Ngiting tugon ko. Niyakap niya ako. " Sa totoo lang anak nangangamba ako, ayaw kong matulad ka sakin noon, peru nakikita kitang masaya sa binatang iyon.Nakikita ko na mahal mo siya, kung saan ka masaya don ako " Niyakap ko pabalik si Mama.
" Naiintindihan ko po kayo Mama, marahil natatakot ka na baka magaya ako sa ginawa sa inyo ng Papa ko.Peru Ma sa palagay ko hindi ganon si Kenzo. "
" Sana nga anak hindi ganon ang binatang iyon, tulad mo ganito din ang ginawa ng Papa mo, sa simula lang siya magaling " Nabahiran ng lungkot ang boses ni Mama.Sa tingin ko na trauma si Mama sa ginawa ng walang hiya kong Ama.
" Ayaw ko pong pag-usapan ang tungkol sa walang hiya kong ama, change topic na tayo ma" Iwan ko ba peru kapag napag-uusapan ang tungkol sa Papa ko parang nagagalit ako.Oo Ama ko parin siya peru sa palagay ko hindi makatarungan ang ginawa niyang pagtalikod kay Mama.
Mga ala una ng hapon at napagpasyahan kong pumunta sa supermarket para bumili ng mga kakailanganin, si Mama talaga ang dapat pupunta peru ako na ang nagpresenta.
Masyadong mainit at gusto kong magpahinga nalang siya sa bahay.Nag dyip nalang ako hanggang sa makarating ako sa supermarket.
Pumipili ako ng mga bibilhin habang tulak ang pushcart.Kunti lang naman ang bibilhin ko iyong kaya sa budget. Matapos mamili pupunta na sana ako sa casher para magbayad.Aktong kukunin ko na ang pera sa pitaka ko peru kinabahan ako bigla.
Nasaan na ang pera?
Nang mapatingin sa casher ngumiti ako at pinagbutihan ang paghahanap ng pera, lahat ng maliit na bulsa binuksan ko peru wala.Paanong nangyaring nawala ang pera? Nandito iyon kanina.
Paanong nawala iyon? Hindi kaya aksidenteng nahulog iyon noong nagbayad ako ng pamasahe sa dyip.Tangina naman kailangan ko ang perang iyon.
Paano na'to? Isang libo iyon at iyon na lang ang perang tinatago ni Mama pambili ng grocery.
" Miss, exact 1,000 po ang bayad lahat nito " Nakagat ko ang labi ko.Halos maluha na dahil sa kapalpakan ko. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko dahil hindi naman ako pweding umalis, manghihiram sana ako ng pera kay Sheh kaso hindi ko nadala ang cellphone ko.
Ang malas ko naman. Kung hindi ako bibili paniguradong magtataka si Mama tapos nawala ko pa ang pera. " Miss babayaran mo ba ito o hindi? " Tila naiinis na ang babae.Nakagat ko ang labi ko at napayuko.
" P-pasencya na n-nawala kase ang per- "
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...