CHAPTER 8 : 𝗧𝗛𝗘 𝗤𝗨𝗘𝗘𝗡

2.2K 56 0
                                    


PERSIA'S POV

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa nakita ko, moment na ng kaibigan ko iyon e, panira talaga ang bruhang iyon.Nakakainis peru nakakaexcite din.

Kitang kita kung papaano sila nagulat nang makita nila ang kaibigan ko, hindi ko maiwasang mapangisi dahil halos hindi talaga sila makapaniwala sa bagong diyosang mukha ni Zheh.

Honestly, halos maiyak ako sa tuwa, umaasa ako na sana wala ng mang aapi sa kaniya, wala ng tao ang pagtatawanan ang mukha niya, gusto ko siyang matulungan nang walang hinihinging kapalit.Gusto ko siyang tulungang gumanda, ayaw ko siyang nakikitang inaapi ng lahat.

Bukal sa loob ko ang tumulong sa kaniya, noong unang pasok ko sa paaralan nakita ko siya kung papaano siya pahirapan ng mga studyante at iyon sina Kierra.

Nasabi ko sa sarili ko, bakit? Bakit niya hinahayaang pinagmamalupitan siya ng lahat? Bakit hindi siya lumaban? At doon sa loob ng classroom namin naabutan ko siyang nagbabasa, tahimik siya subra.

Ako kase ang uri ng babaeng makulit at palaban, iwan ko kung bakit peru kapag may nakikita akong taong inaapi para ako ang sasabog sa galit, basta gusto ko walang inaapi, gusto ko lumalaban sila kapag sila ang nasa tama.

Naikuyom ko ang kamao ko at gustong gumawa ng eskandalo. " T*ngina talaga ng g*gang iyon, f*ck! Ang sarap sampalin " Halos mamula ako sa galit.Natigil ako ng mahinang tumawa si Zheh kaya tinaasan ko siya ng kilay.

" Relax ka lang, okay lang ito, at tsaka a-ayaw ko sa gulo Sheh " Napairap ako sa sinabi niya. " Alam mo, dapat ipakita mo rin na kaya mo sila, Zheh, pag-alam mong ikaw ang nasa tama dapat ipagtanggol mo ang sarili mo " Paalala ko dito.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at tumingin ulit sa repleksyon niya sa salamin. " Bata pa lang ako, palagi ng sinasabi sakin ni Mama na hindi dapat ako pumatol, mas lalong lalaki lang ang gulo " Mahinang sabi niya habang pinupunasan ang mukha niya.

" Peru Zheh, hindi naman tama kung hahayaan mo silang saktan ka " Dipensa ko at kinuha ulit ang makeup sa shoulder bag ko. " Kainis talaga, nabawasan tuloy ang makeup mo, peru maganda ka parin naman " Naipuri ko.

Ang laki ng ipinagbago niya, parang alam ko na ang susunod nito, parang siya na ang pag-aagawan ng lalaki sa campus.Hahaba talaga ang hair nito. " Lagyan natin ng lipstick iyong labi mo nabawasan " Napangiti siya.

" Sabihin mo, kinikilig ka no? " Biglang tanong ko.Bigla naman namula ang pisngi niya "Confirmed, kinikilig ka nga " Sambit ko.

" Grabe iyong puso ko kanina Sheh, hindi ako makapaniwala na sinayaw niya ako.Nahihiya talaga ako kanina " Napailing ako. " Ano na ang gagawin k-ko? " Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

" What do you mean? " Tila kabado ang mukha niya. " H-hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, n-nakilala na nila ang mukha ko, p-parang nahihiya akong humarap sa kanila "

" Br*ha! Ngayon ka pa mahihiya lalo na't diyosa kana ng kagandahan, ikaw talaga Zheh kahit kailan ang weird mo, ipagmayabang mo yang kagandahan mo, ipamukha mo sa Kierra na iyon na mas maganda ka kaysa sa kaniya " Napayuko siya.

Lumapit ako at niyakap siya. " I'm so proud of you Zheh, alam mo ba kanina, kilig na kilig ako sa inyong dalawa ni Kenzo, unti-unti mo ng nararanasan ang mga bagay na hindi mo naranasan noon. Ang purihin ka nila dahil sa ganda mo ay dapat masanay ka na " Bulong ko kaya naramdaman ko ang yakap niya pabalik.

Tinignan ko siya at hindi naman nabawasan ang ganda niya kahit nawala iyong makeup kanina, hindi naman nabasa ang gown niya, she's still gorgeous and hot. " Are you ready to face them? " Napabuntong hininga siya at napailing.

" M-medyo kinakabahan pa ako " Napatango na lamang ako.Saglit na iniwan ko siya at sumilip sa labas ng comfort room and I saw Kenzo, nakasandal ang likuran niya sa pader habang nakapamulsa.D*mn ang gwapo niya at bagay na bagay sila ni Zheh.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now