ZHEILY'S POV
Hindi ko alam kung bakit pa kami humantong sa ganito, gusto kong umiwas nalang peru parang gusto kong ipakita ang bagay na ayaw ni Kenzo.
Total ayaw ko naman makita siyang kasama niya si Kierra then gagawin ko rin ang pinakaayaw niya, at tsaka bakit ba ako magseselos kung wala naman kaming relasyon?
Parang alam na alam ni Zayden ang gagawin niya, seguro tinulungan lang niya ako, halata kase na nagseselos na ako kina Kenzo.Kita ko na palihim na patawa si Persia sa ginawa namin ni Zayden.
" Bet ko yan! Eshhh palaban kana girl " Naibulong sakin ni Persia.Nasa bench kami na nasa silong ng puno, wala pa naman kaming klase ngayon so malaya kong makakasama si Zayden.
Nagkwentuhan kami na para bang magkarelasyon kami, lahat ng sinasabi niya sinasakyan ko, natatawa pa nga ako sa joke niya, wala lang gusto ko lang ipakita kay Kenzo na hindi ako naapektuhan sa ginagawa niya ngayon, at kung mag selos man siya bahala siya.
Para sakin wala namang masama sa ginagawa ni Zayden gusto lang niya akong libangin, at para narin hindi na mapunta ang atensyon ko kina Kenzo na nakaupo lang din sa kabilang bench.
Nang lingunin ko si Kierra halata na sayang saya siya.Seryuso lang din ang mukha ni Kenzo peru alam kong nag-uusap sila.Napabuntong hininga nalang ako at hindi parin maiwasang maapektuhan.
Kainis naman, ang dali ko paring magselos.Parang kahapon lang nag uusap pa kami, hindi na ata iyon mababalikan pa.
" Your smart, balita ko nangunguna ka daw klase " Sambit ni Zayden." Hindi naman " Bahagya siyang natawa sa sinabi ko.Dumagdag tuloy iyon sa kagwapohan niya. " Si Kierra din matalino " Puri ko sa kapatid niya bago ako ngumiti.
" Y-yeah, peru hindi siya mahilig mag aral sa gabi, pinapagalitan ko nga " Kung may kuya lang ako katulad ni Kierra tapos ang magiging kuya ko ay katulad ni Zayden ang swerte ko non.Bukod sa mabait maalalahanin pa.
" Ano nga pala ang pinagkakaabalahan ng mga magulang mo? "
" Abala sila sa kompanya, minsan wala na nga silang time sa amin, si Kierra palaging nagtatampo kina Mom at Dad they always busy but I understand, si Kierra lang ang hindi nakakaintindi sa kanila " Sinulyapan niya ako ng tingin.
" Ganon, seguro Mama's girl si Kierra " Ngumiti ako.Gumihit din ang maliit na ngiti sa labi niya bago napatingin sa kawalan. "Yeah. Kay Mom and Dad " Mabuti pa sila may kompletong pamilya, mabuti pa ang Daddy ni Kierra matino.E iyong ama ko iniwan lang kami sa ere.
" How about you? " Bigla siyang lumingon.
" H-huh a-ako? " Natawa siya bago tumango.Napabuntong hininga ako. " Simple lang ang buhay namin, mahirap. Pagtitinda lang ng mga gulay ang hanap buhay namin, peru ngayon wala na.Hindi ko muna hinayaang magtinda si Mama kakagaling lang niya sa sakit. " Nakita ko na dumaan ang lungkot sa mga mata niya na tila naawa.
" Paano kayo nakakakuha ng perang ipang-gastos sa pang-araw araw ?"
" May naiipon din naman ako " Sagot ko.
Iyong nakuha kong premyo noong gabing iyon, medyo malaking halaga iyon kaya sapat na para sa amin ni Mama, babayaran ko rin sana ang nautang kong pera kay Persia peru ayaw ng tanggapin ni Persia.Kailangan ko daw ng pera ngayon kaya hindi muna niya tinanggap ang bayad ko.
" Subrang hirap ng buhay,peru kailangan lang talaga natin magpakatatag para harapin ang panibagong bukas " Lumingon ako sa kaniya at ngumiti. " Believe ako sayo, ganyan nga Zheily, just be strong " Aniya.
" If you need money, just say it to me.Palagi akong nandito Zheily, I'm always present to help you.Huwag kang mahiya " Hindi ko maiwasang ngumiti ulit dahil sa sinabi niya.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomansaSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...