ZHEILY'S POV
Umiiyak na napatakbo ako sa loob ng ospital.Halos hindi mapakali ang puso ko sa sobrang kaba, pagkarating sa nurse station agad na nagtanong ako,doon ko narin nalaman na nasa emergency room na si Papa.
Sunod sunod ang pagtulo ang luha ko.Takot at kabado ang puso ko.Bakit kailangan pang humantong sa ganito? Bakit ang mga magulang ko pa?
Nanlalabo ang mata ko dahil sa hilam na luhang pumupuno sa mata ko.Nag-aalalang hinawakan ni Kenzo ang kamay ko at pilit akong pinapakalma.
Hindi ko magawang kumalma lalo pa't kung ang kalagayan ng pamilya ko ang pinag-uusapan dito. " Be careful Zheily " Nag-aalalang usal ni Kenzo habang nakikipagsiksikan ako sa maraming tao na nadadanan ko.Iyong iba nababangga ko na.
" Mr.Lee, M-mama? " Nang makita si Mama agad na sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. " A-anak ang P-papa mo! " Humihikbing banggit niya habang nakayakap sa'kin.Mariin akong napapikit habang walang tigil ang luha ko.
" M-mama, sino may gawa nito? Mr.Lee gumawa ka ng paraan para malaman kung sino ang mga taong gustong patayin ang mga magulang ko " Naalarmang sigaw ko.Nang mapatingin ako kay Mama may galos ang noo niya.Tumulo ulit ang luha ko habang yakap si Mama na umiiyak lang din.
" A-anak malala ang k-kalagayan ng Papa mo, may humarang sa kotse namin habang papauwi na kami sa mansion, a-anak i-iyong Papa mo! " Napasubsob si Mama sa'kin bago napahagulgol ng iyak.
Mga hayop sila.Anong rason nila at bakit ang pamilya ko pa? Halos manghina ako sa nasaksihan ko.Hindi ito ang inaasahan kong mangyari.Si Papa ang target nila.Si Mama ay hindi parin tumitigil sa pag-iyak.Kapwa kaming nag-aalala sa kalagayan ni Papa.
Umiiyak na pinatahan ko si Mama ngunit tila naging trauma ang insidenteng nangyari sa kanila, halos mawalan narin ako ng malay dahil maging ako namumutla sa takot na baka may mangyaring masama kay Papa.
" Madam, may sugat po kayo at kailangan niyong magamot kaagad " Umiiyak na umiling si Mama sa isang Nurse.
" M-mama sige na po, magahinga narin po kayo dahil may natamo din kayong sugat " Pamimilit ko kay Mama.
Takot na takot siya sa kalagayan ni Papa.Kinailangan pa naming turukan siya para kumalma at para narin makapagpahinga na siya.
" B-bakit? B-bakit kailangan pa nilang gawin ito sa mga magulang ko? " Napahagulgol ako at napahilamos sa mukha ko.Hanggang ngayon hindi parin nakakalabas ang Doctor sa loob ng emergency room.Hindi ako mapapalagay hangga't hindi pa lumalabas ang Doctor.
" Shhh Zheily, magiging okay din ang Papa mo, trust me he will recover immediately stop crying " Rinig kong pag-aalo ni Kenzo ngunit kinakain parin ng takot ang puso ko.Sana maging matatag si Papa.
" K-Kenzo h-hindi siya pweding mawala.H-hindi pweding mawala ang Papa ko " Mas lalong akong napahikbi.Bakit ganon? Kung kailan maayos na ang lahat, kung kailan nakasama ko na ang Papa ko tsaka pa manganganib ang buhay niya.
" Palaban na tao ang Papa mo Zheily, he will never left you, he loves you and your Mama so don't cry "He uttered.
" Magbabayad ang gumawa nito, hindi ko hahayaang makalaya sila.Kailangan nilang mabulok sa kulungan Kenzo.Nang dahil sa kanila nag-aagaw buhay ngayon si P-papa " Hindi parin ako mapakali.
Umalis kanina si Mr.Lee at paniguradong naghahanap na sila kung sino ba ang nagtangka sa buhay ng mga magulang ko."Señorita! " Napalingon ako nang makita sina Ate Jolie at Manang.
Si Manang ay biglang tumulo ang luha bago ako yakapin." S-si Averon Hija? " Tanong nito.Naluluhang tumingin ako sa kaniya.
" Sa ngayon Manang, patuloy na sinasalba ng Doctor ang buhay niya.M-manang natatakot po ako " Yumakap si Manang sa'kin at ganon din si Ate Jolie.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
Storie d'amoreSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...