THIRD PERSON POV
Para makakuha ng inpormasyon tungkol sa mag-ina, utos ni Averon sa kaniyang tauhan at sa Secretary niyang si Mr.Lee na puntahan ang dating tinitirhan nina Susan noon sa may malapit sa park.
At katulad ng naimbestiga, tama nga ang naging hinala nila. Si Mr.Lee at ang isang niyang kasamahang lalaki ay nagtanong sa dating kapit bahay noon ni Susan kung tunay ba itong naikasal sa ibang lalaki.
Nasabi ng dating kapit bahay ni Susan na walang katutuhanan na naikasal si Susan sa isang lalaki. At ang nag-iisang anak daw nito ay anak ni Susan sa dati nitong kasintahan.
Doon nalaman ni Averon na walang iba kundi siya ang ama ng dalaga.Ang saya at pagkasabik ay hindi niya maiwasang maramdaman, kahit hindi pa nasusubok sa DNA test ay talagang natutukoy na niyang anak niya si Zheily.
Ang dalagang babaeng na kapag nakikita niya ay tila ang gaan gaan ng loob niya. Walang katutuhanang naikasal si Susan sa ibang lalaki at mas pinili nalang maging dalagang ina kahit na maraming lalaking sinusubukan siyang ligawan.
Ang imbestigasyon ay natapos sa loob ng isang araw lamang at ngayon pilit na kumukuha ng tyempo si Averon upang kausapin ang dati niyang kasintahan tungkol kay Zheily.Kinailangan niya ring magpaliwanag kung bakit maraming taon siyang nawala.
" Tito Averon ahmm.Okay lang po ba kayo? " Nagtatakang naitanong ng dalaga dahil hanggang ngayon kayakap parin siya nito.Yakap na puno ng pagmamahal at pagkasabik.
" Pasencya kana Hija, namiss lang kita " Nagulat ang dalaga nang may kumawalang luha sa kaniyang mata.
" T-Tito? U-umiiyak po ba kayo? " Inosenting tumingin sa kaniya ang dalaga.Maging si Kenzo ay napakunot ang noo kung bakit ito umiiyak.Si Averon ay mabilis na pinunasan ang luha at ngumiti sa dalaga.
" P-pasencya kana Hija napuwing lang ako " Pagsisingungaling nito, nakumbinse niya ang dalaga ngunit ang binatang kasintahan nito ay nagtataka parin at alam niyang walang katutuhanan ang pagdadahilan nito.
" Tito Averon, pasencya na po kayo peru kailangan ko narin pong umalis, b-baka po kasi hanapin ako ni Mama. " Ngiting paalam ng dalaga.
" Sige Hija. By the way how's your Mom condition? "
" Gumagaling na siya Tito, hindi ko na pinagpatrabaho, kailangan niya munang magpagaling pa lalo " Hindi maiwasang makaramdam ni Averon ng awa sa mag-ina.Hindi sana magiging ganito ang buhay nina Susan kung walang trahedyang naganap.
" Pwedi ko bang makita ang Mama mo? " Nagtataka ang dalaga at natigilan sa tanong ng Tito Averon niya. Nakangiti parin si Averon at hinihintay ang maging sagot ng dalaga.
Ang dalaga ay saglit na napatingin kay Kenzo ngunit naging seryuso lang din ang mukha nito.
" B-bakit po Tito Averon? " Ngumiti si Averon at hinagod hagod ang buhok ng dalaga.
" Payagan muna ako Hija, gusto ko lang siyang kumustahin pwede ba? Para makilala ko narin siya " Nagdadalawang isip pa ang dalaga,kung aayaw siya parang nakakahiya iyon.
" Oumm s-sige po " Ngumiti ng tipid si Zheily. Bagamat iniisip niyang pinagbabawalan siya ng Mama niya ngunit wala naman masama kung mangumusta ang Tito Averon niya.
Mabait itong tao, nagtataka nga siya kung bakit pinagbabawalan siya ng Mama niyang lumapit kay Averon?
" Let's go? " Pagyaya nalang ni Kenzo at hinawakan ang kamay ng dalaga.Napatingin pa si Averon sa ginawa ng binata sa dalaga.Sumakay si Zheily sa magarbong kotse ni Kenzo habang ang Tito Averon niya ay nakasakay sa private van nito kasama si Mr.Lee.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...