ZHEILY'S POV
Kasalukuyang nag-aaral kami sa loob ng library at abala naman ako sa pagbabasa, pasimpleng sinulyapan ko ng tingin itong si Sheh na abala sa pagsolve ng math problem.
Madali lang siyang turuan dahil focus siya at nakikinig sakin ng maayos.Ibinalik ko nalang ulit ang atensyon ko sa pagbabasa at pumili ulit ng panibagong libro.Tahimik ako habang naghahanap, malaki ang library room at subrang madaming libro ang nakapaloob.
Naglakad ako sa pinakadolo habang marahang pinapalandas ang hintuturo sa bookshelf.Hinahanap ang isang libro na gusto kong basahin at aralin.
Hindi ko mapigilang mapanguso nang makita ko ang libro kaso medyo nasa mataas na parte siya, napabuntong hininga ako at tumingkayad pilit na inaabot ang libro kaso hindi ko parin maabot.
Muli akong sumubok, kunti nalang maabot na nang biglang may kamay na umabot kaya nagtaka ako at mabilis na tumalikod.Subra akong nabigla nang makaharap ko ang gwapong mukha ni Kenzo.Subrang lapit ng mukha niya kaya napatras kaagad ako.
Marahil malakas ang pagkakaatras ko at nabangga ang bookshelf kaya biglang nahulog sa taas ang dalawang libro.Napapikit ako.Hinihintay na mabagsakan ako ng libro ngunit hindi iyon ang nangyari.
" Be careful! " Malamig niyang turan habang ang kamay niya ay nakatakpan banda sa ulo ko.Nang mapasulyap sa kamay nya hindi ko mapigilang mag-alala nang makitang namumula iyon.Hays pahamak talaga ako sa lalaking ito.
" S-salamat, peru namumula ang kamay mo " Hindi ko maiwasang hawakan ang kamay niya at sinuro iyon. " It's okay Zheily " Binigay niya ang libro at tinalikuran ako.Bumalik ulit ako sa table namin ni Sheh habang hawak ang libro.
" Sinong hinahanap mo? " Mahinang tanong ni Sheh, natigilan ako nang makita ang grupo nina Kenzo na abala sa pag-aaral, medyo malayo sa pwesto namin, mahilig din pala silang pumunta dito.
" Nandito pala sina Kenzo " Sambit ko habang nakatingin sa pwesto nila.Mahinang natawa itong si Sheh at napailing-iling.
" Kanina pa sila nandyan, hindi mo napansin?" Umiling ako." Masyado ka kaseng abala sa pagbabasa, hindi mo tuloy napansin si crush " Humagikhik siya. " Oh ito pakicheck kung tama ba ang naging sagot ko.Kung mali pa yan naku iwan ko nalang! " Inabot niya sakin ang papel.
Umupo ako sa tabi niya at sinuri ang sagot niya sa math, napatango ako.Ang husay madaling turuan ang babaeng ito. " Magaling, tama lahat ng sagot mo " Napawow nalang ang bibig niya at nagpalakpak dahil sa tuwa.
Matpos sa loob ng library umalis narin kami dahil may klase pa, hanggang natapos ang klase at sina Kierra ay lumapit pa upang asarin at insultuhin ako.Pinabayaan ko nalang, masyado siyang inggit sa tuwing nangunguna ang grado ko kaysa sa kaniya.
Alas singko na ng hapon nang mapatingin ako sa relo ko.Kakatapos lang namin gumawa ng proyekto ni Persia at nagpaalam naman ako kay Mama na baka gagabihin ako ng uwi.
" Umupo muna tayo dito " Sambit nito at umupo kami sa bench.Nilingon ko si Persia na abala sa cellphone niya.Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya.
" Si Tito Averon madalas ba siyang pumunta sa inyo? " Hindi ko alam peru gusto ko lang pag-usapan ang Tito niya.
" Noong nasa Canada pa kami oo " Lumingon siya at ibinaba ang hawak niyang cellphone.
" Alam mo kagabi, sinabi niyang natutuwa siya sayo, masaya siya nang makilala ka ni Tito, sinabi pa niyang malapit daw ang loob niya sayo"
" H-hindi ko rin alam Sheh, peru subrang natutuwa ako sa Tito mo, magtataagal ba siya dito sa Pilipinas? " Nakangiting umiling siya.
" I think dito na talaga siya, nandito ang kompanya ni Tito, mayaman siya a Zheh, malaki ang komapanya dito kumpara sa kompanya ni Daddy,noong nasa Canada pa kami palaging nangunguna ang komapanya niya " Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkamangha.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...