CHAPTER 70 : 𝗚𝗥𝗔𝗡𝗗𝗦𝗢𝗡

1.5K 31 0
                                    

ZHEILY'S

Abala ako sa pagbibihis kay baby Kai dahil mamaya narin magaganap ang pinakahinihintay ni Tito Albert na makilala ang apo niya.Kenzo is not here and he's still at the company, but he will come here later.

" I'm excited to meet my new Lolo and Lola, I also excited to meet baby Trexy Mommy " Masiglang sambit ng anak ko at halata sa boses niya na sobrang excited na siya.Sa wakas makikilala narin nila ang anak namin ni Kenzo.

" I'm sure your Grandparents are also excited to meet you baby Kai, and also si Trexy. You should behave kapag nandon tayo okay ba iyon? " Tumango tango siya.Kenzo told me yesterday that his Dad really wanted to have a grandson. Even me was excited to see their reaction when they saw baby Kai.

" Mommy, isn't Lolo grumpy? " Mahina akong natawa sa tanong ni baby Kai I squeezed his cheek and kissed him on the forehead." Of course not baby Kai, your Grandpa is a good person at ganon din ang Lola Christine mo. they are good a person baby " Niyakap ko siya at sumubsob naman siya sa leeg ko.

Natapos ko narin siyang binihisan at kanina pa ako nagbibihis habang natutulog ang anak ko. " Mommy I already miss my Daddy" Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi ng anak ko, talagang nakuha na ni Kenzo ang loob ng anak namin dahil kanina pa siya naghahanap kay Kenzo.

" We will be with him later  I'm sure your Daddy misses you too" He added to his cuteness when baby Kai smiled and hugged my neck . Nagiging madaldal na siya about sa Daddy niya kapag nasa company si Kenzo.

" Wow, my son is handsome." I complimented him when I looked at his face.Kamukhang kamukha talaga siya ni Kenzo, ni wala man lang  nakuha sakin.Okay lang iyon gwapo naman ang Daddy niya paniguradong pag-aagawan din ito ng mga babae.

" My Mommy is beautiful and my Daddy is handsome, I inherited from both of you"  Bibo niyang sambit, gigil na pinaghahalikan ko ang leeg niya, nambobola na naman siya. " I'm tickled Mommy! " Natatawa niyang sambit hindi ako tumigil dahil kagawian narin namin ito kapag kaming dalawa lang.

" Ang sweet naman ng mag- ina ko " Natigilan kami ni baby Kai nang marinig ang boses ni Kenzo.Kanina pa ba siya dito? Si baby Kai ay napatigil sa pagtawa at kapwa napatingin kami kay Kenzo.Nakasandal ang likuran niya sa pinto at nakacross arm ang braso niya sa dibdib.

" Daddy! Daddy I miss you " Tumitiling sigaw ni baby Kai, napailing iling nalang ako, parang matagal na nawala si Kenzo base sa reaksyon ni baby Kai.Nakangiting lumuhod si Kenzo para pantayan ang anak namin.

" I miss you too my son " Yumakap sa leeg niya ang maliit na braso ni baby Kai at hinalikan sa pisngi si Kenzo.Nanatili lang ako sa pwesto ko at tiningnan ang dalawang mag-ama.Sobrang sweet nilang tingnan.

" Mommy, don't you miss my Daddy? Won't you kiss and hug him? " Natigilan kami ni Kenzo sa sinabi ni baby Kai,  anong ibig niyang sabihin?

" Mommy what are you waiting for? Kiss my Daddy " Nang mapatingin ako sa gwapong mukha ni Kenzo may ngiti na sa labi niya.

" Really son? " Paninigurado ni Kenzo habang nasa bisig niya si baby Kai.Agad na lumapit ako at saglit na tiningnan si baby Kai na nakangiti sa'kin.Sunod kong binalingan ng tingin si Kenzo hanggang sa marahan kong halikan ang labi niya.Okay na kay baby Kai na makitang naghahalikan at nagyayakapan kami ni Kenzo?

" I love you both of you Mommy and Daddy! " Masayang sigaw ng anak namin at hinalikan ako sa pisngi at ganon din ang ginawa niya kay Kenzo.Sobrang lawak ng ngiti namin ni Kenzo at niyakap namin ang isa't isa.

" The gaiety of this companionship, I promise that I will never leave both of you again " Sobrang lambing ng boses ni Kenzo habang sinasabi iyon.Ang sarap sa pakiramdam na kompleto kami ng ganito.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now