ZHEILY'S POV
Tahimik kong pinagmamasdan ang mga studyanteng masayang naglalakad kasama ang mga kaibigan nila, sana ako din may kaibigan.Kailan kaya mangyayari iyon?
Tiningnan ko ang hawak kong sandwich at kinagat iyon.Dito ako kumakain sa tuwing naglulunch ako.Isa siyang bench na nasisilungan ng maraming puno.Ito ang madalas kong tambayan dahil kung doon ako kakain sa cafeteria,paniguradong hindi ako wellcome don.
Matapos kumain tiningnan ko ang love letter at nilinisan dahil nagkaroon pa ito ng dumi.Hindi ko alam kung bakit pagdating sa lalaking iyon ay tila hindi ako natatakot mariject.Nagkakaroon ako ng lakas ng loob kahit halatang ayaw niya sa isang tulad ko.
Basta, hindi ako titigil hangga't hindi niya tinatanggap ang hawak kong love letter. Isang malaking pasasalamat kay Kenzo kung sakaling tatanggapin niya ang ibibigay ko.Magiging masaya na ako non.
Nang tumunog ang bell tsaka ako napatakbo patungo sa malawak na ground, oras na naman ng klase.Pagkarating sa gitna agad na napadapa ako dahil sa isang malakas na tulak.
" Ayyy kawawa naman ang pangit nadapa! " Nagtaas ako ng tingin at si Kierra na naman ito kasama ang grupo niya. Aminadong nasaktan ako peru ayaw ko siyang pakitaan na nagagalit ako.Akmang kukunin ko ang bag ko peru inabot iyon ni Mariel.
" Opss wait lang pangit! "
" A-akin na yan " Mahinang sambit ko ngunit pinagtawanan lang nila ako. Biglang kinuha ni Kierra ang bag ko na hawak ni Mariel at binuksan bago pinaghuhulog ang mga gamit ko.
Mariin akong napapikit. " You deserve that pangit, sa totoo lang kulang pa yan, after class humanda ka! " Pagbabanta sakin ni Kierra.Napayuko lang ako at hindi tinitingnan ang masasama nilang tingin sakin.
" Kawawang pangit, dapat kasi tumahimik ka nalang, alam ng lahat na si Kierra lang ang pinupusuan ni Kenzo mahiya ka nga sa mukha mong ubod ng pangit! " Mariin akong napapikit.Hindi pa nakontento at sinipa ako bago pumasok sa loob ng classroom.
Hindi ko pinansin ang mga sinabi nila.Nagmadali akong pinulot ang mga notebook ko na nagkalat sa lupa, habang abala sa ginagawa, may nakita akong dalawang paris ng sapatos na tumigil sa harapan ko.
Dahan dahan akong nagtaas ng tingin at laking gulat ko ng makita si Zayden, seryuso ang mukha niya at tinulungan akong pulutin ang mga gamit ko.
" I'm sorry for my sister " Malamig niyang sambit.Hindi ko naigalaw ang katawan ko.Bakit hindi siya nandedering lapitan ako?
" Zayden hurry up! May gagawin pa tayo! " Sigaw ni Jace kaya napabaling ako dahil maaring kasama niya si Kenzo.At ang akala kong kasama nila si Kenzo ay mali ako.Nasaan siya?
Matapos akong tulungan ni Zayden ay nagmadali na siyang pumunta sa gawi nina Jace at at Zhoren.
Bukod sa kanila hindi nila kasama si Kenzo.Saglit pa akong napatulala habang nakatingin kay Zayden, napakagwapo niya.Lahat silang magkakaibigan ay ipinagpala sa kagandahan ng mukha.
Peru bakit? Bakit lahat ng studyante dito siya lang ang malakas ang loob para lapitan ang isang tulad ko? Hays kinikilig tuloy ako sa pagkakaalam na dalawang beses na niya akong tinulungan.Pinapakita niya sakin na hindi siya nandeddering lapitan ako.
Napailing ako at nagmadaling pumasok sa classroom.Pagpasok ko palang nakita ko na ang pagtalim ng tingin sakin ng mga grupo nina Kierra. " Congrats Ms. Ceivas you got the high score " Hindi pa ako nakakaupo ay ganon na lang ang balita ng guro namin.
Kahit papaano masaya ako.Ako na naman ang nakakuha ng pinakamataas na score every quizzes at exams.Kinuha ko sa guro ko ang papel ko and yes perfect ang score.Sanay na akong walang pumupuri sakin dahil palagi akong mataas sa mga pagsusulit.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...