ZHEILY'S POV
Hindi ko narin inisip ang ginawa niya sa'kin at pilit ko nalang kinakalimutan ang mga bagay na iyon.Dalawang araw narin ang lumipas simula ng mangyari iyon.Nabulag siya sa pagmamahal kaya niya nagawa na galawin ako.Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin .Peru nahihirapan na talaga ako.
Alas otso na ng gabi at ipinulupot ko ang tuwalya sa katawan ko.Kakatapos ko palang maligo bago ko napagpasyahang lumabas na sa bathroom.Automatikong naabutan ko si Kenzo na maingat na nilalapag ang tray ng pagkain sa couch.
Nang mapatingin ako sa mukha niya mabilis lang siyang nag-iwas ng tingin at tahimik na lumabas sa kwarto.Napabuntong hininga nalang ako at naisipan ng magsuot ng damit bago lumapit sa pagkain.
Dalawang araw na siyang nagiging tahimik at dalawang araw narin na wala kaming kibuan, ayaw ko rin naman na lansinin siya dahil masama ang loob ko sa ginawa niyang pagkulong sa'kin.
Nagsimula narin ako sa pagkain at hindi pa maiwasang sumagi sa isip ko si Kenzo, iyong mga katagang sinabi niya na nag nagpapaapekto sa'kin.Peru bakit ganon nakokonsensya ako.Tama siya kahit mali ginawa dahil mahal niya ako.
Peru ako, anong ginawa ko? Wala. Hinayaan ko ang taong mahal ko dahil lang sa sitwasyon ng pamilya namin.Ang hina ko.Ang hina ko sa paraang hindi ko magawang ipaglaban ang taong mahal ko.Naguguluhan ako kung ano ba ang susundin ko.
Isip o ang puso ko? Paano kung wala talagang kasalanan si Tito Albert? Unang kilala ko palang sa kaniya mabait na siya peru paanong nangyaring nagpapatunay na siya nga ang nagbanta sa buhay ng mga magulang ko.
Ang daming tanong na bumubuo sa isip ko na wala namang sagot.Napahimas nalang ako sa sentido ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko sa mga tanong na gumugulo sa utak ko.Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain at talagang ang sarap niyang magluto.
Hanggang kailan niya ako ipaglalaban? Hanggang mapagod na siya? Nang matapos kumain ay napag-isipan kong bumaba para ihatid ang pinagkainan ko at para narin mahugasan ko ang plato.
Napakunot nalang ang noo ko nang hindi ko mahagilap si Kenzo.Saan kaya siya pumunta? Imbes na isipan siya nagmadali narin ako sa paghuhugas ng plato hanggang sa makatapos narin ako.Bumalik ulit ako sa kwarto at nahiga nalang sa kama.
Kumusta na kaya sina Mama at Papa? Hindi ko mapigilang masabik sa presensya nila.Hinahanap kaya nila ako? Nagalit kaya sila sa ginawa ni Kenzo? Pagnagkataon na nahanap nila si Kenzo kaya ko bang makitang nakakulong ang taong mahal ko?
Nang marinig ang yapak patungo sa kwarto agad na ipinikit ko ang mata ko.Nagpapanggap akong tulog.Rinig ko ang pagbukas ng pinto kaya pinakiramdaman ko ang paligid hanggang sa lumubog ang kamang hinihigaan ko.
Ilang segundo kong hinintay hanggang sa maramdaman ko ang palad niyang humahamplos sa pisngi ko.Tila bumigat ang loob ko sa puntong ito.
" I know you are having a hard time because of me " Nang marinig ang malungkot niyang boses ay natigilan ako.Kahit kailan naapektuhan parin talaga ako kapag umaakto siyang ganito. " I said to myself I won't let you go, but I don't want to see you suffer " Gusto kong idilat ang mata ko sa sinabi niya ngunit hindi ko ginawa.
" After three days..I will let you go even if it hurts me " Napasinghap siya bago ko naramdaman ang pagtulo ng luha niya sa mukha ko.Alam kong umiiyak na naman siya sa oras na ito.Ramdam ko ang sakit sa bawat katangang binibigkas niya.
" Baby, for now let me be with you.Alam kong pagkatapos kitang palayain tuluyan kang maglalaho sa'kin. T*ngina! Just thinking about you being away from me it hurts me so much " Kasunod no'n narinig ko na ang mahina niyang paghikbi.
" I love you baby, I love you so much.Maybe we are not what we were meant to be. It's hard to accept but I have to accept the fact that I will lose you " Sobrang piniga ang puso ko sa sakit.Ramdam ko ang halik niya sa noo ko bago lumayo ang katawan niya sakin.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...