ZHEILY'S POV
Nagpaalam ako kina Mama at Papa na lalabas kami ngayon ni Kenzo, hindi ko siya pweding hindian ngayon dahil baka magtampo.
" Basta ingat kayo anak. Nasaan ba si Kenzo? " Naitanong ni Papa.Ngumiti ako at lumapit sa kanila para halikan sila sa pisngi.
" Nandon po siya sa labas, hinihintay ako"" Ingat ha, basta anak iyong sinabi ko sayo noong isang gabi " Hindi ko maiwasang pamulahan ng ipaalala ni Mama ang sinabi niya noong gabing iyon.Tumango ako at ngumiti.
Hindi naman kami nagmamadali ni Kenzo hays si Mama talaga. At tsaka kahit kailan hindi ko naisipan ang mga bagay na iyon.Hindi ko nalang inisip iyon at lumabas na sa malaking pinto ng mansion.
" Señorita magandang gabi " Ngumiti lang ako at tumango.Hindi ako sanay na ganito sila sakin.
" Hi po Tatang! " Kumaway ako nang makita si Tatang nagdidilig ng halaman.Ngumiti ito.
" Hija saan ang lakad mo? " Ngumiti ako at lumapit sa kaniya.Bahagya kong sinulyapan ng tingin ang mga bulaklak." Lalabas lang po . Kanina pa po kayo dyan bakit po hindi muna kayo magpahinga "
" Naku Hija kailangan ko itong tapusin "
" Peru Tatang baka pagod na po kayo, dapat nagpahinga na kayo " Mahina niyang tinawanan ang sinabi ko.Sinabi lang niya na okay siya hanggang sa makita ko pa ang ibang bodyguard ni Papa.
" Magandang gabi Señorita "
" Magandang gabi din po " Ngiting kumaway pa ako sa kanila.Naabutan ko pa ang iilang kasambahay na hawak ang basura,dadalhin yata sa labas.
" Tulungan ko na po kayo " Nabigla si Ate nang kunin ko ang dinadala niyang basura na nakaplastic. " Señorita bakit mo ginawa iyon? Paano kung nakita kami ni boss baka mapagalitan kami " Napatawa ako.
" Magtapon lang ng basura magagalit agad? Huwag kang mag-alala Ate laki sa hirap po ako " Kumindat ako.Nagkatinginan nalang sila peru napangiti din.Magtatatlong gabi pa lang kami dito.At sina Mama at Papa tuluyan ng nagkamabutihan.
Hindi ko nga alam kung bakit parang may hinahanda si Papa ngayon, nakalimutan kong magtanong.Nang makita si Kenzo nakasandal siya sa kotse niya habang ang dalawang kamay ay nasa ilalim ng bulsa niya.
" Punta ulit tayo sa favorite mong spot, paborito ko narin don " Ngiting sambit ko.Lumapit ako at mahigpit siyang niyakap.Hinalikan niya ako sa noo at nakangiting tiningnan ako.
" Of course but before that may ibibigay ako" Kumunot ang noo ko.Humiwalay siya sa yakap ko at may kinuha sa sasakyan niya.Natigilan ako nang makita ang nagkukumpulang bouquet.
" A-anong okasyon? " Natawa siya ng mahina. Ibinigay niya iyon sa'kin, subrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa bulaklak na binigay niya.Siya ang unang lalaking nagbigay ng bulaklak sa'kin.
" Binigay ko dahil sa pagmamahal ko sayo. Do you like it? " Ang tingin ko ay nasa bulaklak bago ko ibaling ang tingin sa kaniya. Ngumiti ako at tumango tango.
" Sobrang nagustuhan ko " Nahihiya pa siyang ngumiti bago napahawak sa leeg niya.
" Zheily I'm sorry, I don't know how to make you happy as your boyfriend.I don't know what would make you happy.I'm afraid you'll get bored of our relationship" Hindi ko mapigilang hampasin siya sa braso.
" Anong pinagsasabi mo Kenzo? Ang makita ka araw-araw isa iyon sa mga bagay na nagpapasaya sakin alam mo ba iyon? " Niyakap ko siya. " H-huwag mong sabihin yan, walang araw na hindi mo ako napapasaya, tandaan mo yan " Humiwalay siya sa'kin at hinalikan ako sa noo.
" Thank you " Aniya. Tumango lang ako at ngumiti.Bago kami pumunta sa paborito naming lugar, pinahinto niya muna ang kotse niya sa harapan ng isang malaking building.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...