CHAPTER 58 : 🔞 𝗣𝗥𝗢𝗣𝗘𝗥𝗧𝗬

1.6K 32 0
                                    


Warning: This story contains, matured contents, which may not suitable for young readers and close-minded people.Please do skip if you don't like  my contents.

PERSIA'S POV

" Sabihin mo Zhoren saan dinala ni Kenzo ang kaibigan ko? Gusto mong hindi ako magalit sayo hindi ba? " Tanong ko gamit ang seryusong mukha ko.Hinawakan niya ang kamay ko at mariin akong tiningnan.

" Wala akong alam, sinubukan naming contact-kin ang numero niya peru palaging patay, babe wala akong alam tungkol sa plano ni Kenzo hayaan mo nalang silang dalawa walang mangyayari sa kaibigan mo dahil si Kenzo ang kasama niya " Napabuntong hininga ako.

Alam kong wala namang gagawin si Kenzo sa kaibigan ko kaya lang sina Tito Averon at Tita Susan ay hindi na mapakali.Alam ko na mahal nila ang isa't isa peru si Zheh mismo ang nagsabi sa'kin na kahit labag sa loob niya ay iiwasan niya si Kenzo.

" Alam mo bang mas lalo lang nagiging malaki ang gulo dahil sa ginawa ng kaibigan mo? "

" Mahal na mahal ni Kenzo si Zheh kaya niya nagawa iyon. Babe makinig ka sa'kin walang kasalanan si Tito Albert.He's innocent.Ang Daddy ko at ang Daddy ni Jace ay naniniwala na wala siyang ginawa " Napairap ako.

" So naniniwala ka? " Hinawakan niya ang kamay ko at yumakap sa'kin.

" Wala akong kinakampihan.Babe doon lang ako sa tama at walang may sala.Mahihirapan silang ipanalo ang laban dahil Querzoner family ang binabangga nila.Alam kong makapangyarihan din sila peru papatunayan ni Tito Albert na wala siyang kasalanan " Napaiwas ako ng tingin sa  kaniya.

" That's their fight, why does it have to affect our relationship? Hindi tayo kabilang sa away nila babe " Napabuntong hininga nalang ako bago tumingin sa kaniya.He's right.

" I'm sorry " Sambit ko kaya sunod sunod siyang napailing bago ako yakapin. Ang hirap lang kasing tanggapin kung bakit kailangan pang mangyari ang mga bagay na ito sa kaibigan ko at sa pamilya nila.Pati si Kenzo kung ano-ano na ang nagagawa alang alang sa kaibigan ko.

" Balang araw magiging okay din ang lahat.We have to understand Kenzo, he did that thing because he loves your friend so much babe " Napatango ako.Maging ako hindi din naman talaga ako makapaniwala na magagawa iyon ng Dad ni Kenzo.

Kaya lang nandon ako noong gabi na nagsalita ang lalaki, may iba ding ebidensya ang nahanap ng mga kapulisan laban sa Dad ni Kenzo.

" Kung hindi ang Dad ni Kenzo ang gumawa no'n sino? At bakit siya ang tinuturo ng lalaki na si Mr.Albert Querzoner ang nagtangka sa buhay ni Tito Averon at Tita Susan? " Nakita ko ang pagbuntong hininga niya bago ako tingnan.

" Malakas ang kutob ni Tito Albert na baka sina Mr. Santos,Mr. Flores at Mr.Delgado ang may pakana ng lahat, babe walang kasalanan ang Dad ni Kenzo kaya gumagawa siya ng paraan para hindi maipanalo ni Mr.Valencia ang laban.Ang tatlong pamilyang ito ang may galit sa Dad ni Kenzo kaya gusto nilang mag-away sina Tito Albert at Tito Averon. " Natigilan ako.

Si Mr.Santos ay Daddy ni Jake, si Mr.Flores ay Daddy ni Kenneth at si Mr.Delgado ay Daddy naman ni Dindo. So ang pamilya nila ang may pakana ng lahat? Kailangan malaman ni Daddy ang tungkol dito para narin malaman ni Tito Averon.

" Kailangan ko ng umalis " Pamamaalam ko kay Zhoren, alam kong busy siya ngayon at sapat na sa'kin na nalaman ko ito sa kaniya.Kahit wala pang katiyakan kailangan parin malaman ito ni Tito Averon.Sana maniwala sila.

" Gusto mong ihatid kita sa inyo? "

" H-huwag nalang " Ngumiti siya at saglit na hinalikan ako sa labi. " Take care babe " Ngumiti ako at napatango.Nagmadali narin akong umalis bago sumakay sa kotse ko.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now