CHAPTER 18: 𝗠𝗘𝗘𝗧 𝗧𝗜𝗧𝗢 𝗔𝗩𝗘𝗥𝗢𝗡

1.6K 51 0
                                    

PERSIA'S POV

Kanina pa ngumingiti ang kaibigan ko, kung hindi lang ito inlove at kinikilig kay Kenzo iisipin ko talagang nababaliw na siya.

Hays grabe ba naman  kasi ang ginawa kanina ni Kenzo.Maging ako ay hindi makapaniwala na yayakapin niya si Zheh at sa harap pa talaga ng mga fans niya.

Kung hindi ko lang napigilan si Kierra aatake talaga ang bruha. Ang bruhang  iyon dakilang selosa, siya nalang palagi ang paepal sa moment ng dalawa tapos sisiraan niya pa?

Naibaling ko ang tingin ko nang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nagtext, nang makita ang pangalan ni Zhoren na eexcite na binuksan ko ang message niya.Hindi ko mapigilang mapangiti.

From: Zhoren

" You're home? Hinanap kita kanina sa court hindi na kita nakita " Nakagat ko ang labi ko at ramdam ang pagsulyap ni Zheily sa gawi ko.Bumuntong hininga ako at nagtype kaagad.

To: Zhoren

" Oum, may family dinner pa kase kami, my Tito will visit and I'm with Zheily, pasencya ka na hindi man lang ako napagpaalam "Reply ko.Nang lingunin ko si Zheily nakasandal na ang kaniyang likuran habang tumitingin sa mga bahay na nadadaanan namin.

" Grabe talaga ang epekto ng yakap no, iyong ngiting yan hindi na ba mawawala? " Pang-aasar ko. Napailing iling siya habang may ngiti parin sa labi.

" Kaninang umaga solo ko si Kenzo, Sheh hindi ako makapaniwala na natapos ang araw ko na kasama ang lalaking iyon "

" Kasi walang sipsip, si Kierra hinahanap pa niya si Kenzo kaninang umaga hahaha pinagtawanan ko ang bruha, parang ligaw na kaluluwa talaga siya " Napatawa siya sa sinabi ko. " Grabe ka naman sa kaniya "

" Nah! She deserve that Zheh! " Hindi nalang siya umimik kaya itinuon ko ulit ang atensyon ko sa text ni Zhoren, lokong to pinapakilig ata ako.No way kinikilig na talaga ako.

From: Zhoren

" Aayain sana kita sa labas, but it's okay maybe next time na lang " Date ba iyon? Oo next time na lang Zhoren lahat talaga ng atensyon ko ibubuhos ko sayo.

Hindi ko naman inaasahan na mahuhulog ang loob ko sa lalaking ito, e siya nga ang unang kumausap sakin.

Hindi na ako nagreply.

" Hoy may sasabihin ako sayo " Mahinang hinampas ko ang balikat ni Zheh kaya napatingin siya kaagad sakin. " Ano na naman yan? " Lumingon siya sakin kaya napahagikhik ako.

Babaeng ito wala yatang balak sabihin ang tungkol sa nangyari kanila ni Kenzo sa comfort room. " Niregla ka? At si Kenzo pa talaga ang inutusan mong bumili ha g*gang to'! " Nanlaki ang mata niya.

" Paano mo nalaman? " Hindi ko alam peru natatawa kasi ako kung papaano mamroblema si Kenzo sa mga napkin, hindi daw niya kasi alam.Ikukwento ko nalang sa babaeng to para kiligin ulit.

" Alam mo ba habang nag-uusap kami ni Zhoren sa study area bigla nalang tumawag itong si Kenzo kay Zhoren. Promise Zheh I was shocked but kinikilig din " Napaawang labi niya.

" He's very disappointed Zheh, tinanong ni Zhoren kung ano ang problema at sinabi lang naman ni Kenzo na something dalaw daw? Iyong niregla ka,hahaha hindi nga niya alam kung papaano siya bibili. "

Dito talaga ako napahanga kay Kenzo, imagine kahit medyo kahihiyan iyon sa kaniya bilang lalaki ginawa niya parin.Iilan lang ang mga lalaking bibilhan ka ng napkin.Ang akala ko maarte lang itong si Kenzo mali pala ako.

" Nakakahiya talaga Sheh " Namula ang pisngi ni Zheh. " Maraming beses siyang pabalik balik at tinatanong kung anong klaseng napkin ba ang dapat bibilhin, nakikisingit nalang ako para matulungan si Kenzo " Ngumiti ako.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now