CHAPTER 48 : 𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚

1.1K 34 0
                                    

ZHEILY'S POV

Nakangiting pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin bago haplusin ang buhok ko.Ngayong gabi ang date namin ni Kenzo sabi niya may surpresa daw siya, inaasahan kong dadalhin niya ako sa paborito naming spot ngunit masyadong formal ang pinasuot niya sa'kin.

" Señorita napakaganda mo at bagay na bagay ang suot mo " Papuri ni Ate Jolie.Ngumiti ako at pinagmasdan ulit ang sarili sa salamin.

" Señorita, nandon na po sa labas ang boyfriend mo kanina ka pa hinihintay " Napatayo ako sa sinabi nito.Kanina pa naghihintay? Nako baka nainip siya sa kakahintay sa'kin.

" Kailangan ko ng magmadali Ate Jolie " Mahinang natawa si Ate Jolie sa'kin. Sabay kaming naglakad sa baba.Tinahak ko pa ang malaking hagdan bago ko nakita ang napakagwapong si Kenzo.

Marahil hindi niya ako napansin abala siya sa pakikipag-usap sa mga magulang ko habang nakangiti pa siya.Iyong ngiti niya talaga, sobrang nakakapangakit tingnan.Nang mapatingin siya sa gawi ko bigla siyang natigilan.

Napatayo siya at tinitigan ako. Ngumiti ako hanggang sa makalapit ako sa kaniya. "Kanina ka pa pala naghihintay " Sambit ko ngunit wala siyang responde nakatitig lang siya sa'kin.Inis na pinitik ko ang noo niya.

" Ano tititigan mo lang ako? " Mahinang natawa sina Mama at Papa.Si Kenzo ay napatikhim bago hapitin ang bewang ko.Aba hindi na talaga siya nahihiya sa mga magulang ko.

" Your  beautiful " Nag-init ang pisngi ko.Nang mapatingin ako kina Mama at Papa nakangiti sila sa'min na para bang natutuwa sila. " Maganda talaga ang Señorita namin ayiee nakakakilig kayo Sir Kenzo " Tumitiling sambit ng isa naming kasambahay.

Napailing nalang ako. " Binobola mo lang ako Kenzo, tama na yan " Inirapan ko siya.

" Nope, I'm saying the truth, hindi ako magsasawa sa kagandahan ng girlfriend ko " Aniya at hinalikan ako sa noo.

" Señorita nakakakilig kayo! "

" Grabeng kasweetan yan Sir Kenzo "

" Ayiee si Señorita kinikilig "

" Sana may boyfriend din ako katulad ni Sir Kenzo " - Si Seren.Lahat ng kasambahay ay pinagkumpulan kami habang tumitili sa kilig.Naisubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Kenzo, kasing pula ng kamatis na seguro ang pisngi ko.

" Tama na yan, Anak pumunta na kayo.Halatang kinikilig talaga ang anak natin Ave " Natatawang sambit ni Mama.Lumapit si Papa at hinaplos haplos ang buhok ko bago tumingin kay Kenzo.

" Ikaw na ang bahala sa Unika Hija ko.Kenzo I trust you don't hurt her.Malaki ang tiwala ko sayo at sana huwag mong sirain ang tiwalang iyon.Mahal na mahal ka ng anak ko and I know you love her too.Be a good man to her " Pormal na sambit ni Papa.

Nakangiting tumingin sa'kin si Kenzo bago tumingin kay Papa sabay tango.Tumapik si Papa sa braso ni Kenzo.

" Papa salamat.Salamat at suportado kayo sa relasyon namin " Dahil sa sinabi ko niyakap ako ni Papa at hinalikan ako sa noo.

" Pumunta na kayo, be enjoy okay? Kenzo ikaw na ang bahala sa kaniya " Ngumiti si Kenzo at tumango.Pagkatapos kong magpaalam ay umalis narin kami ni Kenzo.Inalalayan niya akong pumasok sa kotse niya, pinigilan ko muna siya sandali.

" Sa tingin ko, deserve mo rin mapuri.Ang gwapo gwapo mo- Oum! " Napatigil ako ng halikan niya ako.G*go magnanakaw talaga siya ng halik. Bigla siyang ngumisi. " I know baby " Aniya.Napatanga ako.Parang mayabang siyang umakto ngayon ah.

Umikot siya sa driver seat hanggang sa magsimula na siyang magmaneho.Hindi na ako nagtanong pa dahil alam kong sasabihin lang niya 'secret'.Makikita ko naman mamaya kung ano ba ang surpresa niya.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now