ZHEILY'S POV
Naalipungatan ako nang maramdamang may humahaplos sa pisngi ko. Hindi ko sana ididilat ang mata ko dahil subrang sarap sa pakiramdam ang pwesto ko ngayon. " Hmm " Halinghing ko dahil patuloy na may humahaplos parin sa pisngi ko.
Medyo nakaramdam ako ng inis.Ano ba ang plano niya? Ang sirain ang masarap kong pagtulog? Mabigat ang talukap ng aking mata bago ako marahang nag dilat.
" Good morning " Dahil sa gulat agad na napabangon ako at aksidente pang napauntog ang noo ko sa noo niya.Napangiwi ako sa sakit at napasapo sa noo ko.
" It does hurt? " Mahina akong napatawa at umiling, sh*t nakakahiya, nagpasarap ako sa tulog kahit hindi ko kama ang hinihigaan ko.
" H-hindi naman" Inalis niya ang kamay na nakadapo sa noo ko at sinuri ito.Seryuso siya habang tinitingnan kung nagkaroon ba ako ng bukol.Hindi naman malakas ,kaya imposibleng magkaroon ng bukol o pasa. Habang hinahawakan ang noo bigla akong nataranta nang maalalang may klase pa ako.
Nako lagot!
" Baka mahuli ako " Nagmadali akong bumaba sa kama ngunit pinigilan niya ako. "Ako ang bahala Zheily, kakausapin ko ang teacher mo " Kumunot pa ang noo ko sa sinabi niya.Ngunit naalala ko rin na malakas siya sa mga guro.
" Ahm..T-talaga? S-sige, kumusta ang sugat mo? " Nag-aalalang tanong ko.Bigla niyang hinilot ang sentido niya na para bang nasasaktan siya. "My head, It's hurt! I think may hangover ako" Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
" Hindi ka uminom ng gamot? "
Umiling siya. " I prepare breakfast for you, pinagluto kita " Nanlaki ang mata ko.
" Nagluto ka kahit masakit ang ulo mo? Bakit hindi mo ako hinintay? " Hindi siya sumagot.Nang mapako ang tingin ko sa sugat niya medyo may pasa pa.
Hinawakan ko ang mukha niya. " Uminom ka ng gamot okay? Kailangan din natin pumasok sa skwelahan " Ngumiti ako ngunit mabilis na umiling siya kaya napakunot ang noo ko.
" Tinawagan ko lahat ng mga guro mo. Just what I said ako na ang nagpaalam " Nanlaki ang mata ko.Bakit niya gagawin iyon? Inalis niya ang ulo niya sa balikat ko at ngumiti.Halos lumuwa ang mata ko subrang gwapo.Iyong ngiti niya mas lalong nakakainlove.
Tumayo siya at dinala ako papunta sa malawak na dining area. " Eat " Hindi ko maiwasang matigilan nang makita ang luto niya. " Marunong kang magluto? " Tumango siya.
Umupo na ako sa bangko at agad na tinikman ang luto niya. " What can you say?" Napatango tango ako. " Masarap, ang galing mong magluto " Papuri ko.Kapwa na kaming kumain at naging tahimik narin ako.
" About last night, I was drunk. Thank you for taking care of me" Napaiwas ako ng tingin sa kaniya.Bakit nga ba siya umaaktong ganito? Parang ibang Kenzo tuloy ang kaharap ko.
Hindi ko maiwasang pamulahan nang maalala ang nangyari kagabi, niyakap niya ako at ayaw akong paalisin, ang bagay na ikinakagulat ko ay iyong pagdampi ng labi niya sa leeg ko.
" I know it's awkward, I'm sorry Zheily "
" H-huh? " Ngumiti siya.
" I'm sorry for what I've done last night.Alam kong naiilang ka sa mga oras na iyon " Mas lalong nag init ang pisngi ko.Tila ayaw kong pag-usapan ang nangyari tungkol sa kagabi.
" Okay lang iyon " Mabilis na sagot ko.
Matapos kumain ,ako na ang nagpresentang maghugas ng plato, ayaw pa niya peru alam kong masakit ang ulo niya kaya kinulit ko talaga siya.Pinaalala pa niya talaga kung papaano ako nasarapan sa pagtulog ko.
G*go niyakap ko daw siya.Gumagawa ba siya ng kasinungalingan o sadyang totoo lang talaga? Eh kasi naman mahilig akong yumakap kay Mama habang natutulog kami kaya baka nayakap ko siya.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...