CHAPTER 31: 𝗛𝗘'𝗦 𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗔𝗥

1.1K 37 0
                                    

THIRD PESON POV

" Susan iyong gwapong binata kanina talaga bang boyfriend iyon ng anak mo? " Natigilan ang Mama ni Zheily sa pagliligpit nang tanungin siya ng kapwa niya tindera ng gulay.

"  Oo, hindi nga ako makapaniwala na nakapunta iyon dito " Ngumiti si Susan, nang maisip niyang nagluto pa ito at dinalhan siya ng pagkain at talagang nakaramdam siya ng tuwa, bukod sa mabait at gwapo may talento parin ito sa pagluluto.

" Ang swerte naman ng anak mo, napakagwapong binata at bagay na bagay sila ng anak mo Susan, kanina sobrang sipag niyang tumulong sa inyo "

" Ganon talaga ang binatang iyon. Itong pagkain na dinala sakin sayo na, hindi ko kayang ubusin " Inilahad ng Mama ni Zheily ang plastic na may laman pang pagkain na niluto ni Kenzo.

Tuwang tuwa ang kasamahan niyang tindera bago kinuha ang plastic. " Naku salamat Susan, titikan ko ito mamaya mukhang masarap at ang bango bango pa " Mahinang napatawa ang Mama ni Zheily.

" Talagang masasarapan ka niyan, hindi ko akalain na marunong pala magluto ang binatang iyon " Nang mapatingin siya sa kaniyang lamesa sa harapan niya.Kahit ni isang gulay ay wala na at naubos narin ito.Maraming namili dahil sa binatang si Kenzo.

" Magliligpit narin ako at nang makaalis na ako, iyong anak ko nauna na may lalakarin pa sa kasama ang kabigan. " Salaysay ng Mama ni Zheily.

Ngumiti ang babae na kasamahan niya. "Kaya pala nagmamadali na siya kanina, sige Susan ingat ka " Tumango ang Mama ni Zheily bago ngumiti.

Matapos magligpit sa pwesto niya lumabas narin siya hanggang sa makaabot siya sa kalsada, abala ang ginang sa pag zipper ng bag niya hanggang sa mapako ang tingin niya sa kabilang daan at hindi inaasahan na mamataan ang lalaking napakapamilyar sa kaniya.

Nanlaki ang mata niya sa nakita.Automatikong napatakip ang isa niyang palad sa kaniyang bibig habang nakatingin sa isang kotse na pinapaadar at kitang kita niya ang lalaking nasa loob.

" A-ave? " Hindi makapaniwalang bigkas niya.

Ang magarbong kotseng nakita niya ay mas lalong lumalayo sa pwesto niya.Napahawak nalang siya sa kaniyang dibdib habang hindi maalis ang nakita niya.

" H-hindi! Hindi siya iyon! Imposibleng si Ave iyon " Paulit ulit niyang bulong sa kawalan.

Sa pag-aakalang malayo na ang lugar na narating ni Ave ay malabong babalik pa iyon sa Pilipinas. Ang kaisipan na dating kasintahan niya ang nakita ay iwinaksi nalang niya.

Matagal na panahon na simula ng umalis ang dati niyang kasintahan, kaya malabong bumalik narin dahil maraming nagsasabing may pamilya na ito sa ibang bansa. Pilit nalang niyang pinapaniwala ang sarili na namamalik mata lang siya nakita.

' 𝐓𝐚𝐦𝐚 𝐒𝐮𝐬𝐚𝐧 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐢𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐢 𝐀𝐯𝐞, 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐛𝐚𝐥𝐢𝐤 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚𝐚𝐧 𝐩𝐚? ' Sa isip ng Mama ni Zheily. Hindi nalang niya inisip ang bagay na iyon at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nang makarating sa bahay agad na napahiga ang ginang sa sofa hanggang sa makita niya ang litarto ng kaniyang anak na nasa bisig niya.

Kay Zheily na lamang siya humuhugot ng lakas ng loob, kapag nakikita niya ang anak niya tila lahat ng pagod ay nawawala sa katawan niya, ang magandang biyayang natanggap niya iyon ay ang maipangank niya ang nag iisang anak na si Zheily.

ZHEILY'S POV

" Promise kapag nakita mo ang mansion ni Tito Averon talagang mamangha ka, subrang yaman ng Tito ko nakakaproud " Mayabang na sambit ni Sheh.Natigilan ako sa pagtetext kay Kenzo dahil sa sinabi niya.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now