ZHEILY'S POV
Puro hiyawan ang naganap ngayon habang ang iba naman sinisigaw ang pangalan ni Kenzo dahil abot abot na ang pagtira niya ng bola sa ring kaya naman abot abot din ang puntos na nakukuha ng team nila.
Subrang husay niya sa ganitong laro, hindi ko tuloy maiwasang sumigaw din habang dinaramdam ang kakaibang kilig. " Grabe ang galing niya talaga, proud future girlfriend ang g*ga! " Napatigil ako sa pag ngiti at ibinaling ang tingin kay Sheh.
" Naman, nakakaproud kaya! " Umirap ako.
" Suportado ah! Tumigil ka sa kakangiti mo pansinin mo iyong nasa kabila halos patayin kana ng tingin ni Kierra " Hinawakan ni Sheh ang baba ko at pinaharap sa direksyon nina Kierra.Napaiwas nalang ako ng tingin dahil sa subrang sama ng tingin nila sakin.
" Hayaan muna! Huwag mo nalang pansinin "
" Nakakainis parin Zheh sarap tusukin ng mata " Hindi ko maiwasang mapatawa.Ito talaga si Sheh bukod sa napakadaldal na, ang sakit pang magsalita.Akala ko noong nakilala ko siya medyo tahimik.
" Whoah! Go Zhoren my love! " Nakataas kilay na tumingin si Sheh kay Faith nang bigla itong sumigaw.Alam kong naiinis na naman ang isang to.
" Go! whoah! Zhoren my love! " Sigaw ulit ni Faith.Naikuyom ni Sheh ang kamay niya at masamang tiningnan si Faith na ngayon ay nakangisi na sa kaniya.
" My love daw! Eh sino ang palaging kasama ng love niya diba ako? So ako ang love ni Zhoren! Ang babaeng yan talaga hahampasin ko yan ng malaking itak sa leeg!" Napairap si Persia.
" Hayaan mo nalang Sheh! "
" No way! Hindi ako magpapatalo sa bruhang yan! " Napabuntong hininga nalang ako. Itinuon ko ang atensyon ko kay Kenzo at hindi maiwasang mapangiti dahil madalas siyang mapatingin banda sa pwesto ko.
Ang gwapo niyang tingnan habang pinagpapawisan narin ang matipuno niyang braso. Matangkad siya, maskulado ang katawan, hindi na ako magtataka at baka alagang alaga niya ang katawan niya.Baka madalas siyang mag gym eh kasi ang ganda ng kaniyang katawan.
" Baka matunaw yan habang naglalaro " Pambibiro ni Sheh nang mapansin niyang nakatitig ako kay Kenzo. " Ikaw talaga Zheh huwag mong titigan si Kenzo, baka hindi yan makapagfocus sa laro " Napairap nalang ako.
" Whoah go babe! Kaya mo yan babe! " Maraming napatingin sa gawi ni Persia nang sumigaw siya.Hawak ni Zhoren ang bola at ititira na ito.Kita ko ang pag ngiti ni Zhoren at pasimpleng tumingin kay Sheh sabay tira.
" Whoah ang galing mo talaga babe " Sigaw ulit ni Persia.Napagtagumpayan ni Zhoren na maitira ang bola sa ring.Mas lalong kumulo ang dugo ni Faith.Pinandilatan lang siya ni Sheh na tila iniinsulto.
Nakuha naman ni Kenzo ang bola sa kalaban at walang pag-aalinlangang itinira sa loob ng ring.Napuno ng hiyawan ang mga tagasuporta kay Kenzo.
" Timeout muna to all players! " Anunsyo ng isang lalaki na nakahawak ng microphone.Hinatak ako ni Sheh para lumapit sa baba peru hindi nalang ako sumama.
Hawak ko pa sana ang tubig at tuwalya, peru nang makita ang paglapit ni Kierra sa gawi ni Kenzo binigyan niya ito ng tubig. " Hoy huwag mong hayaan si Kierra " Sambit ni Sheh at kinaway ako para bumababa.
" Hayaan muna ako Sheh lapitan muna si Zhoren " Sinamaan ako nito ng tingin peru lumapit din sa gawi ni Zhoren, gusto kong matawa dahil inunahan niya talaga si Faith na lalapit din sana kay Zhoren.
Napabuntong hininga ako at agad na napatingin sa gawi ni Kenzo.Natigilan ako ng makitang nakatingin siya sa gawi ko at kinaway pa ako.
Ngumiti ako at umiling, kung lalapit ako mas lalong nakakailang lalo pa't kung nandon sa tabi niya si Kierra. Habang nakatingin naging seryuso ang mukha niya at natigilan ako ng bigla siyang umakyat at lumapit sa gawi ko.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...