CHAPTER 43 : 𝗗𝗔𝗨𝗚𝗛𝗧𝗘𝗥 𝗢𝗙 𝗕𝗜𝗟𝗟𝗜𝗢𝗡𝗔𝗜𝗥𝗘

1.2K 45 0
                                    

 

THIRD PERSON POV

Ang gabing pinakahihintay ng lahat.Ang gabing titingalain ang dalaga bilang nag iisang anak ng bilyunaryo.Ang gabing malalaman ng lahat kung sino ba ang taga pagmana ng sikat na CEO.

" Perfect napakaganda mo talaga Señorita! " Mangahng papuri ng isang bakla habang inaayusan ang dalaga.Ang kasamahan ay bahagya pang napatulala sa angking kagandahan ng dalaga.

" Parang diyosa! "

" Walang kasing ganda " Manghang bulong ni  Jolie.Hindi maiwasang mapangiti ng dalaga bago napatingin sa Mama niya na kakapasok pa lang sa kwarto.

Katulad niya ay nakaayos din ito.

" Mama ang ganda niyo rin po " Ngiting papuri ng dalaga sa kaniyang Mama.Mahina nalang napatawa ang ginang bago hinaplos ang buhok ng dalaga.

" Mas maganda ka anak, hindi ko akalain na maiging ganito ang buhay natin, hindi ko akalain na magbabalik ang Papa mo " Yumakap ang dalaga sa kaniyang Mama.

" Sige ipagpatuloy niyo ang pag-aayos, anak pupunta lang ako sa kwarto nandon ang Papa mo sinilip lang kita dito" Tumango ang dalaga bago humarap sa salamin.

" Ingat madam, kaya pala maganda ang dalagang ito dahil nagmana sa kaniyang Mama " Mahinang napatawa ang dalaga sa sinabi ng isang beki. Hindi pa siya tapos sa pag-aayos habang ang tao sa labas ng mansion ay dumarami narin.

Napuno ang tao sa loob ng mansion at ang iba galing pa talaga sa ibang bansa na naging kaibigan ni Averon.Hindi mabilang ang nanggagaling sa mayamang pamilya na naritito upang tunghayan ang biglaang paglitaw ng katutuhanan na may anak talaga ang isang Averon.

" Ate Jolie, pwede po bang silipin niyo kung nandyan na si Kenzo "

" Masusunod Señorita " Napangiti ang dalaga.Kinikilig na sinundot ng isang beki ang dalaga dahilan kaya mahinang napatawa ang dalaga habang ang dalawang beki ay tila sinusuri ang mukha niya.

" Kenzo? Familiar iyon sakin " Kumunot ang noo ng isang beki.

" Ang kilala ko lang ay si Kenzo Querzoner, anak din ng isang bilyunaryo at balita ko nagiging sikat na ang binatang iyon.Sobrang gwapo,bet na bet.Peru sa TV ko lang siya napapanood at sa mga social media "

" Marami kasing nagngangalang Kenzo, Señorita sinong Kenzo ba ang tinutukoy niyo? " Ngumiti ang dalaga. " Querzoner po " Napatili nalang ang dalawang beki.Ang dalaga ay napailing-iling.

" Nandito siya ngayon? " Tumango ang dalaga habang nakangiti.Napangiwi nalang nang biglang tumili ang mga bakla, dinaig pa ang mga dalagang naghahabol sa boyfriend niya.

" Makikita na natin siya sa personal! " Tumitili ito sa tuwa.Napailing iling nalang ang dalaga.Hanggang ngayon kinakabahan parin ang dalaga, mga mayayamang pamilya ang makakasalubong niya mamaya kaya kinakabahan talaga siya.

Sa kabilang banda naman, abala si Susan sa pagsilip sa bintana habang tanaw ang mga mararaming tao sa labas ng mansion, kita niya din na marami pa ang bagong paparating.

" Dumarami na ang tao sa labas Ave " Bulong nito habang abala sa pagsilip.Tumayo si Averon sa pagkakaupo sa dulo ng kama bago saglit na inayos ang formal nitong attire at lumapit kay Susan.

" I'm sure they are excited to see you and our daughter " Malambing nitong sambit bago yumakap sa likod ni Susan. " Matagal kong hinintay ito Susan, ngunit alam mo bang hindi na ako umasa na mababawi kita ulit " Nakangiting humarap si Susan.

" H-hindi din ako umasa na mabubuo ng ganito ang pamilya natin Ave, dahil sa pagkakaalam kong naikasal ka sa ibang bansa malabong mangyayari ang bagay na ito, katulad ngayon "

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now