PERSIA'S POV
Nakakatuwang pagmasdan sina Zheh at Kenzo sobrang sweet nila, medyo nahihiya pa si Zheh kapag hinahalikan niya ni Kenzo sa harapan ng maraming studyante.Hindi nasanay ang bruha.
" Gusto mo ng ganoong relasyon? Sagutin muna kasi ako " Bulong ni Zhoren kaya hindi ko maiwasang pamulahan.Hindi ko pa nasasabi kay Zheh ang tungkol sa panliligaw niya bago pa lang sasagutin ko na agad? Peru mahal ko na siya.
" Ikaw? Hindi ka makapaghintay? "
" Tskk! " Ngumuso ito. Oh my god ang cute.Hindi ko tuloy maiwasang kurutin ang pisngi niya.Sumama ang tingin nito kaya napahawak ako sa tyan ko bago siya tinawanan.
" Ang cute mo kasi, para kang batang naagawan ng candy hahaha " Mas lalo siyang napanguso.Tumikhim nalang ako at pilit na sineseryuso ang mukha bago lumapit sa kaniya.Hinaplos ko ang makinis niyang pisngi.
" Diba nasabi ko sayo na bawal kaming magtago ni Zheh sa isa't isa kaya bago kita sagutin sasabihin ko na muna kay Zheh na nililigawan mo ako.Baka magtampo ang isang iyon " Pumulupot ang braso nito sa bewang ko.
" Hoy! Umayos ka nga bitaw! "
" Ayuko! " Inis na tiningnan ko siya. Noong nakaraang araw sinama ba naman ako sa mansion nila, nakilala tuloy ako ng mga magulang niya pati ang Ate niya.Napagkamalan kaming mag jowa.
Ligaw nga wala pa, tapos magiging jowa ko kaagad ang isang to'? Ang torpe at ang manhid.Akala mo hindi inlove sakin. At noong isang araw t*ngina pumunta sa mansion namin, niligawan ako.Okay naman ang mga magulang ko sa kaniya, mukhang mabait naman daw si Zhoren.
" You love me right? " Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
" Hindi ba halata? O wala ka talagang pakiramdam? " Sumama ulit ang tingin niya.Nahampas ko siya sa balikat at napatawa.Ang dali pala niyang mainis.
" Mahal kita okay? P-peru Zhoren tungkol kay Faith mahal ka niya hindi ba? Tell me do you like her? " Napamura siya sa tanong ko.Nagtatanong lang naman mura agad.Napapansin ko kasi ang pagtingin sa kaniya ni Faith, minsan lumalapit pa sa kaniya.
" I don't like her.Ikaw ang mahal ko at wala ng iba " Kinikilig na napangiti ako.Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa pisngi niya at marahang lumayo na siyang ikinakunot ng noo niya.
" Huwag kang mag-alala hindi ko ito patatagalin at magiging baby muna ako" Mahina akong napatawa.
Si Kenzo nga baby niya si Zheily so dapat baby niya ako. Kinailangan ko naring mag paalam dahil may klase na kami, katabi ko si Zheh habang masaya ang mukha.Pumasok si Mrs.Pablo at nagsimula na ang klase.Hindi ko alam kung ilang oras bago nakatapos, may activity at report pa kasi.
" Kumusta ang buhay prinsesa? " Ngiting tanong ko. Sobrang saya ko dahil hindi na siya maiinsulto nina Kierra, hindi na siya matatawag na basura.Hanggang ngayon hindi parin talaga ako makapaniwala na mag ama sila.
Ang liit nga ng mundo para sa kanila. "Masaya ako dahil nagiging kompleto na kami Sheh, alam mo hindi parin ako makapaniwala na si Tito Averon ang Papa ko" Masayang lintaya niya.Ngiting hinawakan ko siya sa kamay.
" Ibig sabihin mayaman kana Zheh "
" Hindi naman importante sa'kin ang yaman Sheh eh, ang importante sa'kin 'yong mabuo ulit ang pamilya namin at makasama ko ulit si Papa.Kahit nasa mahirap na buhay lang kami basta kompleto ang pamilya ko magiging masaya na ako non " Aniya.May punto nga siya.
" Hindi nga ako sanay sa buhay mayaman " Mahina ko siyang tinawanan. Malamang laki sa hirap siya at si Tita, peru masasanay din sila."Sama ako sayo mamayang gabi " Agad naman itong tumango.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...