ZHEILY'S POV
Hapon na ng makauwi ako galing sa bahay namin, hinatid ako ni Persia at ang driver niya, pagod na pagod ang katawan ko ngayon at gustong gusto ko ng magpahinga.
" Talaga bang okay ka lang Zheh? "
" Oum, huwag kang mag-alala " Ngumiti ako, medyo sumasakit lang ang ulo ko.Nagpaalam na muna ako bago bumaba.
" Bukas, pupuntahan kita ulit dito " Ngumingiting tumango tango ako.Ang sarap sa pakiramdam na may kaibigan kang tulad ni Persia, bukod sa mabait napaka-maalalahanin pa." Mama " Nagmano ako kay Mama bago ako pumasok sa kwarto namin. " Pagkatapos mo diyan kumain kana dito " Rinig kong sigaw ni Mama.Napahilot ako sa sentido ko.
" Okay ka lang anak? "
Umakto kaagad akong okay bago ngumiti. "Oo naman ma, okay lang po ako " Pagsisinungaling ko. " Talaga ba? " Halata na ayaw niyang maniwala.Matapos kong ilapag ang bag ko sa maliit na lamesa lumapit ako at niyakap ang likuran niya.
" Oo Mama, huwag kang mag-alala okay lang ako " Hinalikan ko ang pisngi niya.Mahina siyang natawa sa ginawa ko. " Naglalambing kana naman! " Kinurot niya ng mahina ang tagiliran ko. Si Mama talaga hindi na nasanay na may anak siyang malambing.
Kumain narin kami sa hapag, pagkatapos non nagpresenta na akong maghugas ng plato kahit ramdam ko ang pagsakit ng ulo ko.Nang matapos na ako, diretso muna ako sa banyo at naligo narin.
Maagang natutulog si Mama samantala ako nag-aaral muna bago matulog.Minsan lang ako gumamit ng cellphone nakafocus lang talaga ang boung atensyon ko sa pagbabasa ng mga topic sa notebook ko.
Kinaumagahan naulanan pa ako bago ako nakasakay sa kotse ni Persia, at itong kaibigan ko galit na galit dahil nagpaulan daw ako, subrang lakas ng ulan at wala pa akong payong,kung hihintayin kong tumila ang ulan paniguradong mahuhuli kami sa klase may pagsusulit pa naman kami ngayon.
" Ayan nabasa ka tuloy! " Sermon ni Persia, basa nga ang uniporme ko peru tutuyo din ito mamaya, " Tungkol kay Kenzo, talaga bang iniiwasan muna siya? " Natigilan ako sa tanong niya.
" Bakit? Halata naman na tinamaan na siya sayo noong gabing iyon " Tanong niya ng tumango ako.Anong tinamaan ang pinagsasabi niya? Matapos nga ang gabing iyon parang mas lalo siyang naging masungit, hindi ko alam kung bakit peru parang may galit siya sakin.
Dahil ba sa sinabi ko noong araw na iyon? Noong senermonan ko siya dahil bastos at wala siyang respeto?
" Plano ko siyang kausapin, hihingi ako ng tawad kase hinusgahan ko kaagad siya "
" Then, do it! "
" P-peru paano? Iniiwasan ko na nga siya at baka ayaw niya akong makausap dahil sa ginawa ko." Hinawakan niya ako sa braso at ngumiti. " Subukan mo, malay mo gusto ka niya talagang makausap, peru baka nahihiya siya " Ang lalaking iyon mahihiya?
Imposible!
" Half day lang pala ang pasok ko ngayon, uuwi kase ngayon si Tito Averon, matalik na kaibigan ni Daddy and kami ang susundo sa kaniya " Nakita ko ang saya sa kaniyang mukha.
" Alam mo Zheh subrang namiss ko siya, ilang years narin siyang nandon sa Canada at ngayon lang siya ulit uuwi sa Pilipinas, noong nasa Canada pa ako palagi niya akong tinuturing na anak, ang bait niya " Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi.
" Subrang nakakatuwa nga iyon, sana makilala ko din siya "
" Oo naman, don't worry ipapakilala kita sa kaniya, I'm sure ituturing ka rin niyang anak, subrang yaman niya, palagi nga akong humihingi ng pera sa kaniya noong bata pa ako " Bahagya siyang natawa.Nang makarating kami sa skwelahan ay bumaba narin kami ni Sheh.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...