ZHEILY'S POV
Matapos ang klase sa hapon, nag-aagam-agam ako kung pupuntahan ko ba si Kenzo sa office ng Lolo niya, hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa nangyari noong araw na iyon, hindi ako nakahingi ng tawad dahil sa sinabi ko sa kaniya.
Kahit sino naman magrereact sa ginawa niya.Paano niya nagawang ipahiya ang Mommy at kapatid niya sa maraming tao? Peru hindi ko siya masisisi kase baka may pinagdadaanan siya.Sa palagay ko nagagalit siya sakin?
Bakit ba kase hinusgahan ko kaagad siya nang hindi nalalaman ang side niya.Pagkarating sa harapan ng pintuan nakita ko sina Zayden at ang dalawa niyang kasama na sina Jace at Zhoren.
" Zheily " Banggit nila sa pangalan ko ng makita nila ako, nakaupo sila sa couch na nasa labas ng office room.
" What are you doing here? " Naitanong ni Zayden, dumako ang tingin niya sa kamay ko na may band aid na.
" Are you okay? Wala bang masakit sa iyo? " Nakita ko ang pagsulyap nina Jace at Zhoren kay Zayden nang magtanong siya ng ganon.
Alam kong concern lang siya, bakit ano ba ang iniisip ng dalawang to?Wala dito si Persia, half day lang siya ngayong araw dahil daw may susunduin sila iyong Tito niya. " Zayden nag-aalala din ako kay Miss Zheily, akala mo ikaw lang? " Biglang sambit ni Jace bago lumapit sa tabi ko.
Kinuha niya ang kamay ko at sinuri." Gasgas lang naman Jace " Tumango tango siya bago hinaplos haplos ang palad ko roon.Mabilis na iniwas ko ang kamay ko sa kaniya dahilan nakita ko ang pag nguso niya.
" Look, concern din ako " Parang bata niyang sambit, mahina siyang tinawanan ni Zhoren bago batukan. " G*go, kita mo naman okay si Miss Zheily diba? Pabida ka talaga! " Diretsong sambit ni Zhoren na tila inaasar itong si Jace.
Napailing nalang si Zayden bago ako pagmasdan. " G-gusto ko sanang kumustahin si Kenzo " Nakagat ko ang labi ko at napaiwas ng tingin sa kanila dahil bahagya pa silang napatitig at natigilan.
" Okay na ba siya? " Nilakasan ko nalang ang loob ko. " Concern ka rin ba kay Press K? " Nangunot pa ang noo ko sa sinabi niya.Mahina pang natawa itong si Jace. "President Kenzo, that's it! " Paglilinaw niya.Napatango ako.
"Ikaw Miss Zheily masyado kanang halata, nakakapagselos 'yang ginagawa mo, alam kong may pagtingin ka kay Kenzo, peru huwag muna man akong saktan ng ganito! "Emosyonal na naiboses ni Jace.
Nakaramdam ako ng hiya kina Zayden at Zhoren.Noong una pa lang may nararamdaman na ako kay Kenzo at alam nila iyon, ang sipag ko ngang gumawa ng love letter peru hindi lang tinatanggap ng Kenzo na iyon.
" Don't mind him Zheily " Seryusong ani ni Zayden ng mapansin niyang naging awkward ako.Ngumiti nalang ako ng tipid. Sumunod ako kay Zayden nang siya mismo ang nagbukas ng pinto.
" He's here " Pagbukas niya ng pinto nanigas ang katawan ko nang matanaw si Kierra sa loob, bakit nandito pa siya?
T*nga ka Zheily!
Malamang girlfriend siya ni Kenzo kaya siya nandito.
Blanko ang mukha ni Kenzo nang mapalingon siya sakin, nang makitang sinusubuan siya ni Kierra doon ako natuod.Bakit ba kase pumunta pa ako dito kung ito lang ang aabutin ko.
Napatingin ako kay Zayden na parang sinusuri niya ang magiging reaksyon ko.
" What are you doing here Zheh? " Naitanong ni Kierra na umaaktong mabait peru kita ko ang inis sa mukha niya nang makita ako.Hindi ako pweding maapektuhan. Ngumiti ako na para bang okay ako. " Gusto ko lang bisitahin si Kenzo " Pinilit ko talagang huwag mautal para hindi halata, nakita ko ang pagtingin sakin ni Zayden at parang alam niya ang nararamdaman ko.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...