ZHEILY'S POV
Mula sa pagkakapikit, agad na naimulat ko ang mata ko, pinakiramdaman ko muna ang puson ko medyo hindi na sumasakit.
Iginala ko ang tingin ko sa paligid at agad na napabangon sa couch ng makita ko ang seryusong mukha ni Kenzo na nakatayo sa harapan ko.
" Ahm..Pasencya na sinolo ko ang couch hindi ka tuloy nakapagpahinga. " Mahinahon kong sambit habang nahihiyang napapatingin sa gawi niya.
" It's okay " Napatingin ako sa cellphone ko at agad na binasa ang text ni Persia.Napabuntong hininga na lamang ako.
From: Persia
" Hindi na kita ginising ang sarap ng tulog natin kasama si Crush ah.By the way hindi pumasok ang guro natin kanina may emergency daw. " Napahinga ako ng maluwag sa text ni Persia.
Nang mapalingon ako kay Kenzo, nakatalikod na siya sakin at lumapit sa table niya. "She was here earlier. Your friend, I bought you food, you better to eat now. " Hindi ko maiwasang matigilan nang makita ang pagkain na nakabalot sa plastic.
" S-salamat " Ngumiti ako.Nagugutom narin kase ako. Inayos ko ang pagkakaupo ko sa couch at kinuha ang binigay niyang pagkain, inalok ko pa siya peru umiling lang siya bago ko napansin na kinuha pala niya ang jersey niya.
Nakakunot ang noo ko nang makita iyon.May laro ba sila ngayon? Nang mapalingon nagmadali akong umiwas ng tingin sa kaniya, medyo nailang ako ng umupo siya sa tabi ko at seryusong dinapuan ako ng tingin.
"Does your stomach still hurt?"
" M-medyo h-hindi na.May game ba kayo ngayon? " Tumango siya.
Medyo na excite ako kase gusto ko siyang panoorin.Noong unang may game sila hindi ako nakakapanood.Eh kase hindi ako wellcome don.Hindi daw pwede ang katulad ko don.
" Where were you when we had a game, I don't see you on the basketball court." Hindi ko inaasahan na itatanong niya iyon.
" H-hindi kase ako nakakapasok sa loob " Kumunot ang noo niya." You don't like watching games "
" H-hindi ganon iyon.Gustong gusto ko.Kaya lang hindi ako wellcome don, hinaharangan ako nina Kierra " Napayuko ako.
Kahit gusto ko wala akong magagawa kundi ang pumunta nalang sa library o kaya sa madalas kong tambayan para doon magbasa.
" That woman.She has a bad attitude " Napailing iling siya nang mapalingon ako.Nagpatuloy nalang ako sa pagkain.
"Come with me to the basketball court, don't worry no one will stop you. " Hindi ko maiwasang ngumiti at tumango.Tila napapansin ko na wala na dito ang mga kaibigan niya.Hindi ko nakita si Zayden kaninang umaga.
" Nasaan na pala sina Zayden? " Iwan ko ba kung bakit naitanong ko iyon, himala kase hindi niya kasama ang mga kaibigan niya ngayon. " You miss him? " Agad na napailing ako.Masama bang magtanong?
" He was already at the basketball court, don't worry you will see him later " Madiin niyang sambit at tumayo na papunta sa lamesa niya.Napabuntong hininga nalang ako at nagligpit na ng pinagkainan.
Inayos ko muna ang sarili ko at tinali ang buhok.Saglit na nagretouch ako para naman presentable ang mukha ko at naglagay narin ng lipstick para hindi maputla.Hinihintay ako ni Kenzo sa labas ng ssg office.
Matapos mag ayos, napagpasyahan ko ng lumabas, nakatalikod si Kenzo sakin ,nang mapansin niya ang presencya ko tsaka siya humarap.Natigilan pa siya at saglit na napatulala.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya."Tapos na ako.Tara na baka naghahanap narin ang coach at team mo " Tumango siya.Nang pagmasdan ko ang kabuuan ng campus tila iilan lang ang mga studyante, marahil marami ang manonood ngayon.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...