CHAPTER 75 : 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗙𝗔𝗠

1.7K 33 0
                                    

THIRD PERSON POV

Makalipas ang tatlong linggo ay naging maayos narin ang lahat. Sina Jake at Kenneth ay natulad sa kanilang ama maliban lang kay Dindo na panig pa kina Kenzo.Napagbintangan pa ang binata na magkasabwat sila ng mga kabigan niya ngunit ang naging parating ay walang katotohanan.

Matagal na panahon na palang naputol ang pakikipagkaibigan ni Dindo kina Jake at Kenneth.Walang nagawa ang pamilyang Santos at Flores dahil higit na malakas ang pamilyang Valencia at Querzoner at sa kanila din ang nasa tama.

Umaasa sina Kenzo at Zheily na magtuloy-tuloy na ang kapayapaan sa kanilang pamilya at sana pagsisihan nina Jake at Kenneth at maging ang mga ama nila ang ginawang kasalanan sa kanilang pamilya.

Samantala hindi naman sinukuan ng pamilyang Guerera ang anak nilang si Kierra para huwag munang bitawan ang mundong ginagalawan niya.Ang dalaga ay dinala sa America at doon ipinagpatuloy ang operasyon at maraming beses na nag-agaw buhay ang dalaga dahil sa matinding kondisyon.

Tahimik lang na nakamasid si Zheily sa kawalan at ang tanging naiisip ay ang dalagang nagsakripisyo ng buhay mailigtas lang ang asawa niyang si Kenzo.Napasinghap nalang si Zheily nang maramdaman ang presensya ni Kenzo na marahang yumakap sa kaniyang likuran.

" I've been looking for you for a while nandito ka lang pala " Malambing ang boses nito habang sinasabi ang katagang iyon sa asawa.Hindi maiwasang mapangiti ni Zheily bago hinaplos haos ang matipunong braso na pumulupot sa tyan niya.

" Nagpahangin lang ako, namiss mo ako kaagad? " Mahinang natawa si Kenzo bago hinalik halikan ang batok patungo sa leeg ni Zheily. " You're right wife, alam mo naman palagi kitang namimiss" Napailing-iling si Zheily at naging tahimik narin bigla.

" What's bothering you? "Usisa ni Kenzo.Marahan niyang pinaharap sa kaniya ang asawa bago nito hinaplos haplos ang pisngi ni Zheily. " Si Kierra " Mahinang sambit ni Zheily bago dumaan ang lungkot sa kaniyang mga mata.

Humaplos ang daliri ni Kenzo sa labi ng kaniyang asawa at marahang hinagkan sa labi bago sumubsob sa leeg ni Zheily. " Yeah, she's the reason thats why I'm here.Maybe if she hadn't done that, I would have died for sure" Hinaplos haplos ni Zheily ang kaniyang buhok.

" She sacrificed Kenzo, she sacrificed her life for you " Naisip ni Zheily na kung sakaling hindi ginawa iyon ni Kierra paniguradong si Kenzo ang nag-aagaw buhay ngayon, paniguradong hindi kakalma ang puso niya sa takot at kaba.Hindi niya kakayaning mawala si Kenzo sa kanila ni baby Kai.

" At tatanawin kong utang na loob iyon, thanks to her she saved me, hindi ko nasabi sa kaniya na napatawad kona siya " Tumulo ang luha ni Zheily dahil maging siya ay hindi niya nasabi ang katagang iyon.Sa kabila ng paninira ni Kierra sa relasyon nila ni Kenzo may kabutihan paring nakatago sa puso niya.
-----
" Mommy, I want us to swim tomorrow " Excited na sambit ni baby Kai sa Mommy niya kaya naman nakangiting pinisil pisil ni Zheily ang pisngi ng anak. " Sure baby, kasama ang mga Lolo't Lola mo " Nagtatalon talon sa tuwa si baby Kai habang nasa taas siya ng kama.

Nandito narin sila sa mansion nila  na nasa isla at bukas may bonding ang bawat pamilya kasama narin do'n ang mga kaibigan ni Zheily at Kenzo. " Good night Mommy I'm sleepy. Please tell Daddy to good night and I love you Mommy, Daddy " Malawak na ngiti ang pumaskil sa labi ni Zheily.

" Sure baby Kai, good night at mahal na mahal ka ni Mommy at Daddy " Hinalikan ni Zheily ang noo ng anak bago pa man yumakap sa kaniya si baby Kai hanggang sa makatulog narin ito.

ZHEILY'S POV

Ang mga pagsubok ay kailanman ay hindi natatapos peru kung magiging matatag ka malalamapasan mo rin iyon dahil ipinakita mong mahirap kang talunin.Masaya ako na kapwa kami nakaligtas ni Kenzo kasama narin ang anak namin peru may isang nagsakripisyo, salamat sa kaniya.Dahil sa kaniya kasama ko ngayon ang asawa ko.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now