KIERRA'S POV
Ginawa niya akong laruan, he only used me to get Zheily back and now they are need to face my revenge.Hindi pa tuluyang nagtatapos ang laban at seniseguro kong mababawi ko pa ang lalaking mahal ko sa babaeng iyon.
Why did she come back? I hope she died in an accident!
" Sana nam*tay ka nalang Zheily! " I shouted angrily bago ko hinagis ang hawak kong wineglass.Palagi nalang si Zheily ang pinipili niya, ako itong t*nga na baliw sa pagmamahal niya ngunit bakit ang hirap sa kaniya na ibigay ang pagmamahal na iyon? Bakit ang hirap sa kaniyang mahalin ako?
" Hayaan muna sila Kierra maawa ka naman sa sarili mo, until now you are still desperate for Kenzo, Kierra tumigil kana " Hinawakan ni Mariel ang kamay ko ngunit iwinaksi ko iyon.
" She's right Kierra, kahit ano pa ang gawin mo sa huli si Zheily parin ang mamahalin niya. Ako nga ginawa ko ang lahat lahat para lang masira ang relasyon nina Persia at Zhoren but look, until now hindi parin napupunta sa'kin si Zhoren at ngayon nagkabalikan na sila.T-tanggap ko na wala talaga siyang nararamdaman sa'kin " Mahabang lintaya ni Faith.
Gumawa din siya ng plano para mapasakanya si Zhoren ngunit iba siya kumpara sa'kin, ipaglalaban ko ang nararamdaman ko kay Kenzo, hindi ko siya tutularan, mahina siya.
" Sa tingin mo ba gagayahin kita Faith? Ako ang kaibigan ninyo na hindi basta basta sumusuko.I will get him from Zheily " Galit na napabuga ako ng hangin, mabilis na napatayo ako sa couch.Hindi pwedeng si Zheily nalang ang nanalo, hindi niya pwedeng kunin sa'kin si Kenzo.
" Where are you going? " Sigaw ni Mariel ngunit hindi ko sila pinansin, lumabas ako bar at ramdam ko ang pagsunod nila.Sh*t bakit kailangan pa nilang sumunod sa'kin?Nagtungo ako sa kotse ko at wala man lang akong nagawa nang mabilis silang pumasok.
" Hindi ninyo kailangang sumama! "
" Wherever you go, Mariel and I will go with you" Dahil sa inis nahampas ko ang manibela, kahit kailan hindi talaga sila humihiwalay sa'kin fvck!
Kung maabutan ko si Kenzo sa condo niya seseguraduhin kong maaawa siya sa'kin at baka ako pa ang piliin niya.Alam ko na ang plano ko.Plano na alam kong magagalit si Zheily.Napangisi ako sa naisip ko.
Pagkarating sa condo unit ni Kenzo mabilis na kumatok ako.Sorry nalang Kenzo peru hindi makakawala sa'kin.Bakit mo kinancel ang kasal? Ano bang meron kay Zheily na wala sa'kin? Ginawa ko ang lahat lahat peru bakit siya parin? Bakit palagi nalang si Zheily?
I only waited for a few seconds and the door opened, it was Kenzo that I expected to open the door in front of me but I was wrong because it was Zheily. Nagulat ako ngunit agad din napangisi.So nagsasama na sila huh?
" Why are you here? "Naging seryuso ang aura ng mukha niya, base sa boses niya halatang matapang na siya.Tsk para sa'kin mahina parin siyang babae, kahit ano pa ang katayuan niya ngayon basura parin siya sa paningin ko.
" So nagsasama na pala kayo ni Kenzo tskk! Your face is too thick to steal Kenzo from me, tell me what you did to him para balikan ka niya? Did you charm him? " Nagcross arm ako sa harapan niya at naging tahimik sina Mariel at Faith sa likuran ko.
Halos umusbong ang dugo ko sa galit nang tumawa siya.Inaasar ba ako ng babaeng ito? Ang kapal ng mukha. " You are so desperate Kierra, para kang aso habol ng habol kay Kenzo, and do you really think that I charmed Kenzo tskk you are really stupid " Malapad na ngisi ang gumuhit sa labi niya.
" Mommy is that Daddy? " Natigilan ako nang marinig ang boses na bata, nang mapalingon ako sa likuran ni Zheily I was surprise when I saw a child. I gasped at ganon din ang ginawa nina Mariel at Faith I'm sure they was surprised too.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...