CHAPTER 39: 𝗦𝗘𝗻̃𝗢𝗥𝗜𝗧𝗔

1.3K 45 0
                                    

ZHEILY'S POV

Ito ang araw na makakauwi na si Mama sa bahay, subrang saya ko kahit hindi pa tuluyang nagkakaayos sina Mama at Papa ay nag-uusap parin naman sila peru umiiwas si Mama.

" Hindi niyo po magawang patawarin si Papa? " Napatigil siya sa tanong ko.Peru hindi ko siya masisisi. Baka nga galit parin siya.Hinaplos niya ang buhok ko at ngumiti.

" H-hindi sa ganon anak, medyo may galit ako peru mawawala din ito, naninibago lang ako anak " Niyakap ko siya ng mahigpit.
" Mama, naniniwala ka ba kay Papa? " Hindi siya nakasagot.

" Naiintindihan kita Mama, peru sana mapatawad muna siya ng tuluyan " Ngumiti lang siya at walang naging sagot. Medyo nahihiya pa ako kay Papa, hindi ko pa kaya  na  tawagin siyang 'Papa'.

Nakapagligpit narin kami para sa pag-alis namin ngayon, wala dito si Kenzo kasama niya si Papa sa paghahanda ng sasakyan.Maya't maya pa'y nandyan narin sila. Tinulungan kong tumayo si Mama at mabilis naman lumapit sa gawi namin si Papa.

" Kaya ko Ave. Hindi muna ako kailangan tulungan pa, magaling na ako " Madiin na sambit ni Mama, maliit na ngumiti si Papa bago napaayos ng tayo.Naunang lumabas si Mama kaya sumunod nalang kami.

" P-pasencya na po kayo kay Mama " Inakbayan ako nito bago ngumiti. " I undestand. By the way diretso na tayo sa mansion naayos ko na ang lahat " Natigilan ako sa sinabi niya.

" P-peru Tito- "

" I'm your father Zheily, call me Papa, Daddy except Tito, you're my daughter "

" Oum, P-papa nalang " Ngumiti ako.Medyo naiilang pa ako dahil hindi naman ako sanay.Napangiti siya at niyakap ako ng marinig ang katagang iyon.

" Ang sarap sa pakiramdam na magkaroon ng anak. Sobrang saya ko na may anak ako.Maswerte ako na naging anak kita " Hinalikan niya ako sa noo, hindi ko mapigilang mapangiti bago maibaling ang tingin kay Kenzo, ngumiti ito na para bang masaya din siya.

" T-tungkol po sa pag-uwi sa mansion, baka hindi pumayag si Mama " Ngumiti lang siya. Paano kung ayaw ni Mama eh wala naman akong magawa dahil siya ang magdedesisyon.

" Alam na ito ng Mama mo. Don't worry " Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya.Paano? Paano niya napapayag si Mama? Imbes na magtanong hindi ko nalang ginawa iyon.

Hanggang sa makarating na kami sa exit. Dalawang kotse ni Papa ang nakapark sa harapan namin, nang makita si Mr.Lee bahagya pa itong yumuko sa'min.May mga iilang tauhan pa si Papa na nakatayo ng matuwid sa tabi ng pintuan sa private van nito.

" Let's go Susan " Pagyaya ni Papa bago pa buksan ng isang bodyguard niya ang pinto ng sasakyan. Walang naging reaksyon si Mama bago pumasok roon.

" How about you anak? Hindi ka ba sasabay?" Ngumiti ako at umiling.Saglit na nilingon ko si Kenzo. " Kay Kenzo na po ako sasabay  Tit-  P-papa " Nahiya pa ako sa katagang nasa dulo. Mahina siyang tumawa.

" Masasanay ka rin " Dumako ang tingin nito kay Kenzo na para bang sinusuri niya ito ngunit tumapik lang siya sa braso ni Kenzo at ngumiti. " Let's go? " Naitanong ni Kenzo na siyang tinanguan ko.

Hinawakan niya ako sa kamay at pinagbuksan ng pinto.Umikot siya sa driver seat at nagseat belt na muna bago buhayin ang makina ng sasakyan niya. Pansin kong iba na naman ang sasakyan niya ngayon.

Habang sumusunod kami sa kotse nina Papa hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya nang gumapang ang kamay niya sa kamay ko. Seryuso ang mukha niya at subrang gwapo niya kahit walang kaemo-emosyon ang mukha niya.

" Do you think na magugustuhan ako ng Papa mo? "

" Bakit mo naman naitanong yan? " Mahina akong tumawa. Seryuso niyang ibinaling ang kaniyang mapupungay na mata. Nakikita ko naman kay Papa na gusto niya si Kenzo, bukod sa mabait matulungin pa siya at alam iyon ni Papa.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now