CHAPTER 2 :NEW BESTFRIEND

2.6K 64 0
                                    

ZHEILY'S POV

Paika-ika akong pumasok sa bahay namin habang abala si Mama sa paghahanda ng pagkain. " Bakit ngayon ka lang? " Nilingon ako ni Mama at biglang kumunot ang noo ng makita ang pagika-ika kong paglakad.

" Anong nangyari dyan? " Turo niya sa paa ako.Si Mama talaga hindi pa ako nakakapagpahinga tanong ng tanong.Inilapag ko ang bag ko sa munting sofa bago ako naupo.

" Sagutin mo nga ako, anong nangyari sa paa mo? "

" Wala ma, natapilok lang ako kanina kaya naging ganito " Pagsisinungaling ko at nakumbinsi ko naman. " Dapat kase mag ingat ka, halika ka na dito at ng makakain kana " Ngumiti ako at tumango.

Sa totoo lang hinarangan ako ng mga kagrupo nina Kierra.Hindi nila ako hinayaang makaalis hangga't hindi nila ako napapahirapan.

" Kumusta ang pag-aaral mo anak? " Natigil ako sa pag nguya ng pagkain. " Okay lang naman ma, pinagbubutihan ko po ang pag-aaral ko " May ngiti sa labi ko habang sinasambit iyon.

Dalawa nalang kami ni mama ang namumuhay ng mapayapa.Tungkol sa Papa ko ay wala akong alam tungkol don. Madalas akong magtanong noon kay Mama tungkol sa tunay kong ama peru sabi niya matagal na niya kaming kinalimutan.

Galit na galit ako sa sarili kong ama, noong ipinagbubuntis pa lang ako ni Mama ay iniwan na kami ni Papa. Hindi ko naman kailangan ng ama, kahit wala siya kinaya parin namin ni mama ang mabuhay sa mundo.Kinaya ni Mama na buhayan ako kahit wala siyang katuwang upang palakihin ako.

Para sakin matagal ng pat*y ang ama ko kahit buhay pa siya. " Ma, ako na po ang magliligpit nito, magpahinga na po kayo " Pagpigil ko dahil halata na pagod na pagod siya.

" Talaga anak? " Ngumiti ako at tumango. "Oo nga ma, kaya..." Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya paupo sa sofa. "Magpahinga na po kayo para marelax narin yang katawan mo " Mahina siyang natawa at napailing iling.

" Ma, alam kong pagod ka sa pagtitinda mo ng gulay sa palengke, pangako ma, kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral at makapagtrabaho na ako, hindi ko hahayaang makita kang napapagod ng ganiyan " Tila maiiyak na sa tuwa si Mama.

" Ang swerte ko at nagkaroon ako ng anak na katulad mo " Naantig ang puso ko sa sinabi niya. " Mahal na mahal kita ma " Ngiting bulong ko at niyakap ang pinamamahal kong Mama.

Mahirap lang kami.Isang tindera lang ang aking Mama at iyon lang ang trabaho niya.Maswerte ako dahil kahit papaano nakakapag-aral parin ako nang dahil sa scholarship.

Matapos magligpit ng pinagkainan ay naghugas na ako ng mga plato.Ilang oras kong ginugol ang aking sarili sa paglinis ng bahay bago ko napagpasyahang pumunta sa maliit naming kwarto ni Mama.

Awa ang naramdaman ko nang makita si Mama na mahimbing ng natutulog sa maliit naming kama.Halatang pagod na pagod siya.Matapos maligo ay nag-aral muna ako.Biglang namula ang pisngi ko ng maalala ang nangyari kanina.

Kinikilig ako dahil napagmasdan ko sa malapitan ang gwapong mukha ni Kenzo.Hindi ako makapaniwala na mas lalong siyang gwapo sa malapitan.

Ang kinis ng mukha niya, ang kissable niyang lips na mapula, ang makapal niyang kilay at matangos niyang ilong ay subrang nakakamangha.Talagang napakaperpekto.

Nang makaramdam ng antok tsaka ako humiga sa tabi ni Mama. Inayos ko muna ang kumot sa katawan niya at niyakap siya ng mahigpit.Maaga akong nagising kinaumgahan at naabutan si Mama na naghahanda ng almusal.

Kasabay ko siyang kumain at tinulungan narin siya sa palengke upang itulak ang kariton na pinaglalagyan ng mga gulay.Ganito palagi ang ginagawa ko tuwing umaga bago pumasok sa paaralan.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now