CHAPTER 6 :𝗔𝘄𝗸𝘄𝗮𝗿𝗱 𝗺𝗼𝗺𝗲𝗻𝘁

2.2K 61 0
                                    

THIRD PERSON POV

Hindi alam ng dalaga kung susulpot ba siya o aatras nalang, hindi siya sanay sa ganitong pagdiriwang.It was her first time to attend the party and she was really shy.

" Hija pumunta kana, huwag kang mahiya.Maganda ka at patunayan mo sa kanila na nagkakamali silang pagtawanan ang mukha mo, ngayon maganda kana ngayon ka pa mahihiya? " Nilingon ng dalaga ang driver nina Persia.

" Mang Ramon, h-hindi kasi ako sanay " Mahinhin na sambit ng dalaga. Mahinang natawa ang driver bago pagmasdan ang dalaga. " Napakaganda mo Hija, paniguradong maraming lalaking lalapit sayo mamaya " Nahihiyang napayuko ang dalaga.

" Kaya mo yan, ipakita mo sa lahat ang angking kagandahan mo na ngayon mo lang ilalabas " Napahinga ng malalim ang dalaga bago tumango.Inalalayan siyang bumaba dahil nahihirapan pa siya.

Ang dalagang si Zheily ay tinanaw ang malawak na venue na umiilaw dahil sa liwanag. " Kaya mo yan Hija " Pagpapalakas sa loob niya ng driver.Ngumiti si Zheily at nagsimula ng maglakad ng marahan.

Maging ang bantay sa labas ng venue ay napatulala sa kaniya, sumisigaw sa kagandahan ang dalaga na para bang anghel siya at lumiliwanag sa bawat taong nakakita sa kaniya.

Katawag-tawag pansin ang hubog ng kaniyang katawan. Her goddess face seems to dazzle you because of its charisma that draws everyone's attention.Napaiwas ang dalaga nang titigan siya ng dalawang nakabantay sa gilid.

Sa may telang pula na dadaanan sa loob ng venue, doon ay mayroong mga photographer na kinukunan ng litrato ang bawat studyante na dumadaan.

Naiilang nag naglakad ang dalaga doon at hindi naman maiwasang mapahanga ng mga photogrpaher sa dalaga na diyosang naglalakad sa gitna.Mas lalo siyang nailang na tumutok sa kaniya ang maraming camera at tinadtad siya ng maraming litrato.

" Nice, she's gorgeous " Humahangang sambit ng isang photographer at napatulala bigla.Nakagat ng dalaga ang labi niya at sinubukang kumalma kahit pinagpapawisan na ang palad niya.

Sa kabilang banda naman, abala sa pag-uusap ang binatang sina Jace kasama si Kenzo na walang pakealam sa paligid niya.Lahat ng dalagang studyante ay halos hindi na kumurap, halatang mangha na nakatitig sa gwapo niyang mukha.

He was wearing a formal attire, his clothes suited his muscular body which also drew attention to his aura.Ang mga babaeng baliw sa kaniya ay mas lalong nabaliw sa kagwapohan niya ngayon.

" OMG! ang gwapo ,mahihimatay na ako! "

" Para siyang artista, mali mas gwapo pa sa artista "

" Girl stop, if Kierra finds out that you are whispering to Kenzo you will be upset.Kay Kierra lang siya " Usapan ng mga babae.

Napalingon ang grupo nina Kierra sa gawi ni Persia na nakaupo sa couch habang umiinom, madalas siyang mapatingin sa malaking pinto umaasa na susunod si Zheily peru wala parin ito.

" I think wala dito si pangit! Look she's alone" Turo ni Faith kay Persia na nakaupo sa di kalayuan sa pwesto nila.Napatawa si Mariel at nagcross arm.

" It's good if that ugly person isn't here, she doesn't deserve to be here, it's good that she knows not to attend the party." Maarting sambit ni Kierra.

" True, wala din naman siyang sosoutin, mas lalo lang siyang mapapahiya, pangit na nga mahirap pa, I think alam ko na kung sino ang Queen at King " Pagpaparinig ni Mariel kaya napangiti naman si Kierra.

" Yeah me too, no one should choose Queen if not Kierra, she deserves to be Queen because she is the only beautiful one here." Anas ni Faith.

" But look, maganda din si Persia, baka siya ang makakalaban mo ngayon gabi.Look at her dress it's beautiful " Si Mariel kaya sinamaan siya ng tingin ni Kierra. " Walang makakatalo sakin kung pagandahan lang ang pag-uusapan " Matapos sabihin iyon lumapit siya sa grupo nina Kenzo.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now