ZHEILY'S POV
Napabuntong hininga ako matapos kong malaman ang totoo, nagkaroon ng argumemto sa pagitan ni Kenzo at ang Daddy niya.Kailan ba sila magkakasundong dalawa?
" He's in the bar.Ayaw niyang umuwi at ang mas malala pa gumawa pa ng eksena dito.H-hindi namin alam kung papaano siya patigilan, basta inom siya ng inom galit na galit " Natahimik ako sa sinabi ni Jace.
Anong gagawin ko? Dapat ko ba siyang puntahan? Napatingin ako nang makitang bumangon si Mama, nagising ko tuloy si Mama.
" Kung pwedi sana Miss Zheh, pumunta ka dito, baka ikaw lang ang pweding magpakalma sa kaniya " Gusto ko sana peru baka hindi ako payagan ni Mama.
" S-susubukan ko"
At nang mapatingin ako kay Mama ngumiti siya at tumango, labis ang gulat na naramdaman ko.
" Kailangan ka niya anak, huwag mo akong alalahanin sanay na ako mag-isa dito " Mahina siyang tumawa.Nangangamba parin ako.
Yumakap ako kay Mama. " Salamat Mama babalik ako kapag nakauwi na si Kenzo " Ngumiti siya at tumango, " Ikaw na ang bahala sa binatang iyon." Tumango ako. Hindi ko muna ibinaba ang tawag ni Jace.
" Saang bar ba iyan? "
" Nandito sa may malapit sa coffee shop, don't worry susunduin kita dyan " Sambit niya sa kabilang linya.Pumayag na kaagad ako, wala naring taxi kapag ganitong oras na.
Mga isang oras lang ang tinagal bago ko nakita si Zhoren, nagtaka ako dahil ang akala ko si Jace ang magsusundo sakin. Pumasok na lamang ako at tiningnan si Zhoren.
" Ako na ang pumunta dito, si Jace nandon sa bar binabantaya si Kenzo baka gumawa na naman ng eksena " Sambit nito.Tumango ako hanggang sa paandarin narin ang kotse.
" Madalas ba siyang naglalasing kapag palagi silang nag-aaway ng Dad niya? " Naitanong ko.
" Oo, kaya nga mas pinili nalang ni Kenzo ang tumira sa condo niya kaysa sa mansion ng Dad niya " Sagot ni Zhoren kaya natigilan ako. Condo?
Ibig sabihin hindi siya nakatira sa mansion ng Dad niya? Talaga bang malaki ang kinikimkim niyang galit sa Dad niya?
Napabuntong hininga si Zhoren. " Mga tatlong taon nang hiwalay si Kenzo sa mansion ng Dad niya, I don't even know why? Palagi nalang silang hindi okay. At si Kenzo walang pakealam sa kompanya ng Dad niya " Saglit na nilingon ako ni Zhoren.
" Si Kenzo ang dapat maging CEO ng kompanya peru habang nag-aaral pa si Kenzo ang Dad niya muna ang namamahala, soon pangalan narin ni Kenzo ang tatayong CEO at new owner "
" Hindi naman magbabago ang isip ng Dad niya kahit nagtatalo sila ng anak niya hindi ba? " Napailing siya.
" Of course not, kahit alam ng Dad ni Kenzo na kinamumuhian siya ng anak niya para sa kaniya walang magbabago don, siya parin ang unang mamamahala ng kompanya, si Kenzo lang talaga ang galit, I think napuno narin si Tito Albert sa nangyari kanina " Banggit nito.
Si Kenzo lang ang matigas ang puso, hindi niya lang matanggap ang bagong pamilya ng Dad niya, nasabi narin sakin ni Kenzo na halos wala naring oras ang Dad niya sa kaniya.Hindi ko tuloy maiwasang maawa dahil pakiramdam niya lahat ng atensyon ng Dad niya ay nasa bagong asawa at anak nito.
Nanahimik nalang ako hanggang sa makarating kami sa bar, hindi ako sanay sa ganitong lugar subrang ingay.Amoy ko ang usok at alak sa kapaligiran.
" Just close your eyes, ganyan talaga dito " Rinig kong sambit ni Zhoren, napapaiwas nalang ako ng tingin sa mga naghahalikan sa loob.Nakakapanindig balahibo, hindi ba sila nahihiyang maghalikan sa maraming tao?
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...