CHAPTER 37 : 𝗔𝗖𝗖𝗘𝗣𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗔𝗡𝗗 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗥𝗘𝗛𝗘𝗡𝗗

1.3K 43 0
                                    

ZHEILY'S POV

Paano nangyaring si Tito Averon ang totoong Papa ko? Totoo ba talaga iyon? Hindi ako makapaniwala! Nananaginip lang ba ako? Si Tito Averon ang totoong Papa ko? Siya ang tunay kong Papa?

" Zheily! " Rinig kong sigaw ni Kenzo, napaupo ako sa bench at napahilamos nalang ng mukha bago napaiyak. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko.

Magsasaya ba dapat ako dahil bumalik na ang totoong Papa ko? Galit parin ako sa kaniya, galit parin ako sa ginawa niya kay Mama, hindi naging madali ang buhay ni Mama habang pinagbubuntis niya ako tapos siya nagpapakasaya sa ibang bansa?

" K-Kenzo.. " Agad na niyakap niya ako.Napasubsub ako sa dibdib niya at doon mas lalong umiyak.Masama ang loob ko sa Papa ko. Hindi ko pa siya kayang harapin.Hindi ako makapaniwala na siya ang Papa ko.Na si Tito Averon ang Papa ko.

" Shhh, I understand you. Just cry , huwag mong pigilan " Hinaplos haplos niya ang likod ko. Matapos ang ginawa niya sa'min ni Mama magpapakita siya ngayon.Kinamumuhian ko siya.

" W-wala siyang kwentang ama! Matapos niyang pabayaan si Mama ganon ganon lang iyon? " Mas lalo akong napahikbi. Ramdam ko napahinga siya ng malalim.

Oo ama ko parin siya at kung wala siya marahil wala ako ngayon peru hindi man lang ba siya nakosencya sa ginawa niya kay Mama noon? Na halos ikamatay ni Mama nang malamang  iniwan siya, nang malamang ikakasal na siya sa ibang babae.

" Galit na galit ako sa kaniya "

" I know, but why don't you understand him.Know his sides Zheily. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon peru hayaan mo munang magpaliwanag ng Papa mo. " Natigilan ako sa sinabi niya.May punto siya peru sa ngayon hindi ko pa magawang kausapin at harapin siya.

" Zheily, huwag mo muna siyang husgahan baka may Dahilan si Tito Averon " Luhaan ko siyang tiningnan. " H-hindi ko pa kayang makinig sa kaniya, hindi makatarungan ang ginawa niya kay Mama Kenzo "

Pinunasan niya ang luhang lumandas sa pisngi ko. " I know. You're not ready to understand him but I hope you will listen to his explanation, know his side,  that's very important " Mahinang sambit niya at niyakap ulit ako.

" H-hindi parin ako makapaniwala k-kanina "

" Me also, but at least bumalik na siya, nagpakita na siya, aren't you happy? " Umiling ako.Hindi ko alam.Hindi alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko.Galit? Tuwa? Pagkasabik? Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.

" H-hindi ko alam " Mahinang sagot.Kasi hindi naman ako segurado don. Hinawakan niya ang baba ko at pinaharap ako sa kaniya. Seryuso ang mukha niya habang pinupunasan ang luha ko.Napasinghap ako.

" I'm always here for you, kung ano ang magiging desisyon mo, suportado ko "

" Salamat. Salamat at nandito ka, inaalala ko parin si Mama, kaya pala gusto niyang lumayo ako kay Tito Averon iyon ay dahil siya ang Totoo kong ama. B-bakit hindi nalang niya sinabi ang totoo? " Muling tumulo ang luha ko.

" Maybe s-she's not ready to tell you the truth"

" Hindi ko naman magawang magalit kay Mama, inaalala ko siya, kahit naglihim siya alam kong natatakot lang  siya " Humarap ako kay Kenzo.

" Kenzo, ayaw kong bumalik sa ospital b-baka nandon si Tito Averon.Ayaw ko muna siyang makita ngayon, p-peru gusto kong puntahan si M-mama baka mag-alala siya sa'kin, h-hindi pa siya tuluyang gumagaling " Hinawakan niya ang kamay ko.

" Don't worry, I will check, if he still inside of the hospital.Stay here, I'll be back okay?  " Saglit na pinunsan niya ang luha ko. Nasa park ako na medyo hindi malapit sa ospital, kailangan ako ni Mama ngayon hindi ko siya pweding iwan.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now