KIERRA'S POV
" Ano tuloy ba ang plano? " Mariel asked.
" Tuloy na tuloy " Napangisi ako at si Faith naman ay napatawa. " Oh my god! Ano kaya ang reaksyon niya? Porket anak mayaman yumabang! " Si Faith.Nagpatuloy ako sa pag-aayos at naglagay ng lisptick sa labi ko.
Nandito kami sa loob ng comfort room habang abala sina Mariel at Faith sa pag-aayos ng buhok nila. Napatingin ako sa salamin at hindi maiwasang mapangisi. Ready na ako sa plano.
" Let's go girls! " Bago umalis tiningnan ko muna ang mukha ko sa salamin.Agad na sumunod sila sa'kin at deritso na namin nilakad ang cefeteria.
" Dzuhh look at them Kierra, naglalandian " -si Faith
" Ehh ang kapal na talaga ng mukha niya Kierra, gigil talaga ako dyan " -si Mariel
Palihim na naikuyom ko ang kamao ko.Ang laki na talaga ng pinagbago niya, parang noon lang isa lang siya basura at hindi nararapat na dumikit kay Kenzo, peru ngayon sa publiko niya pa nagawang landiin si Kenzo.
Kung hindi ko lang kayang pigilan ang sarili ko I'm sure gulo na naman ang dala ko.But now kailangan kong maging behave.Trying to control my anger.Nang mapatingin ako kay Faith at Mariel napairap nalang sila.
What a sweet couple? Nakasandal ang ulo ni Kenzo sa balikat ni Zheily habang ang malanding babae tudo subo ng pagkain kay Kenzo.Talagang nakakainis pagmasdan.
" Makikijoin ba tayo sa kanila? Kierra eww naaalibadbaran ako kay Zheily " Dering deri na sambit ni Faith.Naiintindihan ko kung bakit ganito sila magreact kay Zheily kahit anak pa siya ng mayamang pamilya para sa'kin basura parin siya.Lumaki parin siya sa hirap.
" Ako rin kaya, maiinis lang ako kay Zheily, look at them dito pa talaga sila naglandian "-Napairap nalang si Mariel.Hindi ko maiwasang mapatawa sa reaksyon nila.Kung naiinis sila kay Zheily, pwes mas naiinis ako at nagagalit ako babaeng basura na yan.
" Girls relax, may plano tayo so kailangan nating magpakabait " Mahinang sambit ko.Napilitan akong ngumiti nang mapatingin sa pwesto namin ang iilang mga studyante.
" Let's go girls "Sumunod sila sa'kin.
" Ngumiti kayo sa kanila " Bulong ko habang nasa likuran ko sila.Nang tuluyan na kaming makalapit sa kanila bahagya pang kumunot ang noo ni Persia.Ngumiti ako kay Zheily.
" Hello guys " Si Zheily ay bahagya pang tumayo at ngumiti.Kinalabit ko ang braso ni kuya ngunit seryuso lang ako nitong tiningnan.
" Kierra kakain din ba kayo? Dito na kayo sa table namin, may bakante pa naman-"
" Zheh ang daming bakante dyan pabayaan muna sila " Pagputol ni Persia at umirap.Kaya hindi ko nagagawa ng mabuti ang plano ko at dahil sa babaeng ito.Sumama ang tingin ni Zheily sa kaibigan niya.
" Kierra may bakante pa naman na table don nalang kayo " Malamig na usal ni Kuya sakin.Pati ang isang to ayaw niya talagang lumalapit ako kay Zheily.Napanguso ako.
" Grabe ka sa kapatid mo Zayden, ano tinataboy talaga? " Napapailing iling na sambit ni Jace.Palihim na tiningnan ko si Kenzo, kahit kailan ang gwapo niya talaga.Wala siyang pakialam sa paligid niya, ni ang tingnan ako ay hindi magawa.
" Hays sayang naman, tara na nga Kierra ayaw kasi ni Persia at ang kuya mo" Pagpaparinig ni Faith.Napaawang ang labi ni Zheily ngunit nagpipigil din nang akma na kaming aalis.
" Kierra dito nalang kayo, madami pang space oh! " Turo niya sa bakanteng upuan.Malaki kasi ang lamesa nila ngayon.
" Zayden hayaan muna ang kapatid mo, gusto lang nilang makasabay sa atin " Usal ulit ni Zheily.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...