PERSIA'S POV
" Kierra! " Hindi ko mapigilang sigawan siya.Mabilis na lumapit ako at malakas siyang sinampal.Kahit kailan hindi parin siya tumitigil.Nakakapuno na ang higad na ito.
" Bakit mo ginawa iyon? " Hawak niya ang pisngi niya.
" Ano naman ba ang ginawa mo? Wala namang ginagawa si Zheily para siraan mo siya kay Kenzo! Kierra sumusobra kana sa kaibigan ko " Galit kong sigaw.
Magkakaproblema ang dalawa dahil sa kaniya.Malinaw na kay Zheily na kaibigan lang niya si Zayden tapos kung ano-ano ang sinusumbong niya kay Kenzo.
" Bakit ba pakialmera ka Persia ha? " Agad na sinampal niya din ako. Umuusok na ako sa galit kaya sinugod ko siya.Mahigpit kong sinabunutan ang buhok niya hanggang sa madapa kaming dalawa.
" Hoy! Tumigil na kayo! " Inawat ako ni Zheh.Galit na galit ako.Naiinis din ako sa kaibigan ko dahil mas lalo niyang pinapakita na mahina siya.
" Zheh! " Inis ko siyang tiningnan. Tinulungan niya akong tumayo at nang mapatingin siya kay Kierra doon ako nagulat.
Ngayon ko lang siya nakitang nagalit at nag buhat ng kamay kay Kierra.Natabingi ang ulo ni Kierra dahil sa sampal niya. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya.
" Punong puno na ako sayo Kierra! Ang sama sama mo! Anong bang ginawa kong kasalanan para sirain mo ang relasyon namin ni Kenzo? This time hindi na ako ang Zheily na kaya mong saktan, lalaban na ako Kierra! Hindi kita hahayaan sa gusto mong mangyari! Utang na loob tumigil kana!" Sagad sa bagang sigaw niya.
Ngumisi lang si Kierra at lumapit kay Zheh."Sa tingin mo titigil ako? You're wrong Zheily, hindi ko hahayaang sumaya kayo ni Kenzo.Titigil lang ako kapag nilayuan muna siya "
" Talaga? Pwes tingnan lang natin kung makukuha mo siya sa'kin, ako parin ang mahal ni Kenzo at kung ako sayo tumigil kana sa pagiging desperada mo! " Sigaw ng kaibigan ko.
Tumawa lang si Kierra " Paano kung ayaw kong tumigil? Walang kang magagawa don " usal nito bago umalis.
" Zheh " Sambit ko sa pangalan niya nang bigla siyang mapaluhod sa lupa kasabay non ang pagtulo ng luha niya.
" S-Sheh, galit na galit sa'kin si Kenzo, kapag kinakausap ko siya mas lalo lang nauuwi sa pagtatalo " frustration siyang napahilamos sa mukha niya.
Nakakaawa siyang tingnan peru alam kong hindi siya matitiis ni Kenzo.Marami ng tampuhan ang nangyari sa kanila at naayos naman nila iyon.
Noong gabing iyon kasama ko si Zheh nang makasalubong namin si Zayden.Problemado siya nang dahil sa Daddy niya.Tungkol iyon sa kompaniya nila at kung papaano siya pinahiya ng Daddy niya.
Matalik na naming kaibigan si Zayden, sinadya talaga ni Kierra na kunan ng video ang dalawa habang niyayakap ni Zheh si Zayden para damayan siya.Iyon ang dahilan ng lahat.Si Kierrang higad na iyon ang nagpasimuno ng lahat.
Nag-imbento pa siya ng mga pekeng kwento para masira si Zheily kay Kenzo.Sinabi ni Kierra kay Kenzo na may relasyon ang kuya niya at si Zheily.Subrang nakakainis talaga ang babaeng iyon.
" Subukan mo munang palamigin ang ulo niya Zheh, intindihin mo muna.Masyado ka niyang mahal at ayaw niyang mapunta ka sa iba " Usal ko.Niyakap ko siya habang pinupunasan niya ang luha sa mata niya.
" I think hindi ka rin niya matitiis, sa ngayon pabayaan mo muna siya.Ang galing din ng pagkakagawa ng video, paano kayo nakapaghalikan ni Zayden eh nandon ako kitang kita ko na walang halikan na naganap" Muling tumulo ang luha niya.
Ang galing mag edet.Kaya si Kenzo paniwalang paniwala sa video.Kahit sino naman maniniwala talaga sa video para siyang tunay.Peru hindi talaga naghalikan sina Zheh at Zayden.Nandon ako ng gabing iyon.Kasama ko si Zheh.
YOU ARE READING
THAT NERD IS MINE(COMPLETED)
RomanceSiya ang babaeng kinakawawa ng lahat.Babaeng pinagtatawanan at hinuhusgahan, babaeng tinuturing na basura at para sa kanilang lahat ay hindi nababagay ang isang basura sa lunggang pinag-aaralan nila.Kilalanin ang dalagang si Zheily Ceivas na palagin...