CHAPTER 15 : 𝗖𝗢𝗡𝗙𝗨𝗦𝗘𝗗

1.8K 54 0
                                    

 

ZHEILY'S POV

Subrang nakakahiya kay Kenzo at napagkamalan pa siya ni Mama na boyfriend ko siya, medyo maingay kase si Mama at pagdating sakin subrang oa niyang magreact.Hindi ko  tuloy maiwasang mag init ang pisngi lalo pa't ramdam ko ang mariing pagtingin ni Kenzo sa direksyon namin ni Mama.

" Mama naman, boyfriend agad? Di ba pweding kaibigan? " Halos maibulong ko na iyon kay Mama.Nang lumingon si Mama kay Kenzo ngumiti siya bago ako tingnan ulit.
" Peru napakagwapong binata, bagay na bagay kayo anak " Halos mamula ang pisngi ko sa sinabi ni Mama.

Ang lakas niyang magsalita.Hindi ba pweding mahina lang niyang sabihin iyon?Baka narinig iyon ni Kenzo.Nang lumingon ako kay Kenzo nakatingin siya sa isang maliit na lamesa habang nakalapag doon ang photo frame  namin ni Mama noong 5 yrs old pa lang ako.

" Ah Hijo umupo ka muna, salamat at hinatid mo ang pinakamamamahal kong anak. " Iniwan ako ni Mama sa kinatatayuan ko bago hinarap ng nakangiti si Kenzo.

" Thanks ma'am , but I need to go " Nagulat pa si Mama dahil sa formal nitong pananalita at bakas ang respito sa tono.

Ang seryuso niyang mukha kahit papaano ay ngumiti.Tumingin sakin si Mama at dali daling kinaway ako para lumapit sa kanila.

" Naku Hijo, tawagin mo lang akong Tita o di kaya Mama " Ngumiti si Mama.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko peru pinandilatan ako ni Mama bago pinisil ang ang kamay ko.Pinapahiwatig niya na huwag munang paalisin si Kenzo.Agad na nakuha ko ang ibig niyang sabihin kaya nahihiyang napatingin ako Kenzo.

" Ahm..H-huwag ka munang umalis, umupo ka muna at ipaghahanda kita ng maiinom " Mas lalo akong nailang nang tumitig sakin sandali ang mapupungay niyang mata.Agad na tumikhim si Mama at ngumiti.

" Tama ang anak ko Hijo, magpahinga ka muna sandali baka kase napagod ka sa pagmamaneho " Sandali pa siyang natigilan tila nag-iisip.Sa huli pumayag narin siya.Si Mama na ang naghanda ng maiinom at ako naman ay naiilang na tumabi sa kaniya ng upo.

Bahay namin ito peru para pakiramdam ko bawal akong gumalaw, tiningnan niya parin ang photo frame namin ni Mama. "M-matagal na yan, ayaw lang alisin ni Mama" Sambit ko, nakakailang kung magiging tahimik lang ako.

" Nice " Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.Pinuri niya ang litrato namin ni Mama?Nagsimulang gumala ang kaniyang mata sa paligid.Sinusuri ang maliit naming bahay.

" Pasencya kana kung dinala pa kita dito, masyadong maliit at-- "

" It's okay, ako ang nagdesisyon na sumama dito and your house it's very simple but nice" Hindi ko naman makitaan siya na nandederi siya sa bahay namin, at parang komportable nga siya habang nakaupo sa tabi ko.

Simple lang ang bahay namin, peru malinis at kahit ni alikabok ay hindi dumadapo sa lapag namin, si Mama kase subrang masipag sa paglilinis.Kapwa namin ayaw ng magulo at maduming bahay.

" S-salamat nga pala sa paghatid sakin Kenzo " Nahihiyang sambit ko.Lumingon siya sakin at tumango lang.Ang lalaking ito halos hindi umiimik, parang takot na maubusan ng salita.

" How's your feeling? " Subrang lalim ng boses niya subrang nakakapangakit.Nag-aalala ba siya sakin kaya siya nagtanong? Tumingin siya sakin ng diretso sa mata ko.Hindi ko maiwasang tumibok ang puso ko dahil sa asul nitong mata na kay sarap titigan.

" O-okay lang.K-Kenzo? " Lumingon siya.

" What? " Nakagat ko ang labi ko.Gusto ko sanang tanungin kung bakit niya ito ginagawa.Kung bakit binantayan at hinatid niya ako kanina? Hanggang ngayon hindi parin talaga ako makapaniwala na nakakausap ko na siya kahit minsan lang namin itong gawin.

THAT NERD IS MINE(COMPLETED)Where stories live. Discover now